June 5, 2013
*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*
8:30 na.
Time na. Pasukan na sa rooms. Sabay sabay kaming pumasok ng friends ko na sila Adrian, Jc and Gerald. Syempre, maangas dating naming tatlo. Ang tagal na kaya namin sa school na 'to. Saka, sikat ata kami. Tabi tabi kaming tatlo. Syempre, usap usap.
Common na tanong. "Kamusta bakasyon?"
Sagot ni Adrian, "The usual. Training sa basketball. Puro basketball lang. Grabe nga mga nakakalaro ko, ang yayabang! Wala namang binatbat."
Yan si Adrian. Ang sports fanatic sa grupo namin. Wala na siyang binanggit kundi basketball. NBA, PBA pati mga laro nya, kinukwento nya sa 'min. Minsan, nakakatuwa. Minsan, nakakasawa.
Sagot ni Jc, "May nakilala akong chix doon sa club na pinupuntahan ko. Tapos nung nagbeach kami, may chix na lumalapit din sa 'kin. Pare, ang gaganda! Ano pa ba masasabi ko? Gwapo ata 'to?" sabay kindat.
SIGH. Yan si Jc. Chickboy. Babaero. Puro babae ang sinasabi. Na-meet nya dito, doon, at kung saan man. Idedescribe nya yung mukha pati yung katawan. Maganda ba o cute? Sexy, payat, chubby? Maitim, maputi, kayumanggi? Lahat na! Basta babae.
Si Gerald naman, eto, "Kung sino sino kinalaban ko sa Dota, puro weak naman e. Walang kwenta. Pag walang kwenta kalaban ko, nag-aaral na lang ako e. Maaga ako bumili ng libro natin para makapag-aral na ako."
Si Gerald, ang geek sa grupo. Computer games, video games and puro school stuff. Siya rin yung pinakamabait at pinakamatalino sa grupo namin. Medyo may pagka-immature pa yung pag-iisip nya e. Madami siyang alam. Geek e. Pero isa lang ang hindi nya alam, lovelife.
Yan ang grupo namin.
Ay wait, hindi ko pa pala naiintroduce sarili ko.
I'm Alex Samonte. 15 years old. Pure Filipino. Only child. Yung pamilya namin, may kaya sa buhay kaya afford ko magprivate school. Nasa abroad parents ko kaya solo ko ang bahay, may katulong naman kami para sa mga needs ko kaya ayos lang. Sa grupo namin, ako yung mababansagang gentleman o good guy o outgoing guy o social guy. Open-minded daw ako. Hindi ako basta sa sports lang o sa computer. Universal, ika nga. Kung may leader daw sa grupo namin, ako daw yon.
Yan ang kabuuan ng grupo namin. May athletic, may chickboy, may weirdo and may gentleman. Astig kasi kahit hindi kami ganon ka-identical sa isa't isa, nagkakasundo pa rin kami,
Habang naghihintay kami sa advicer namin, nag-uusap usap lang kaming magkakaibigan. Habang nagkkwento yung isa sa kanila, tumingin tingin din ako sa classmates kong iba.
That's when I met Emma's eyes. Nagkatinginan kami. Then she waved and smiled. I smiled and waved back.
Si Emma. Childhood friend ko. Mga bata pa talaga kami, magkaibigan na kami. Friends kasi ang parents namin. And magkalapit lang din ang bahay namin. Dati, parati ako sa bahay nila, o siya parati sa bahay ko. Close kami dati, as in. Aakalain mong magkapatid kami. Pero noong nagdalaga't nagbinata na kami, syempre, hindi na kami naglalaro pero friends pa rin kami. Hindi na lang ganun ka-close. Iba na kasi interests nya sa interests ko. Pero kahit papaano, hindi kami nagkakailangan sa isa't isa ngayon.
To tell you the truth, si Emma ang natitipuhan kong babae ngayon. I like her. Mabait siya, masaya kasama, comfortable ako sa kanya, and lumaki siyang maganda. She met my standards.
Dumating na rin sa wakas yung advicer namin. Natahimik kaming lahat. Mukhang masungit, patay. Nag-introduce na siya. After nyang magsalita, sabi nya.
"Class, I know this may seem awkward but I will ask you to gather your things and stand at the back. We will be doing a seating arrangement."
Wow ah. Ang aga magpa-seating arrangement. Bahala na nga. Gusto nya yan e.
Tumayo na kami sa likod. Una, tinanong nya kung sino malalabo mata, yung mga nagtaas ng kamay, inilagay nya sa harap. Boy, girl, boy, girl.
Third row na, nalagay ako sa pinakagilid. Sa may bintana, pwede na. Pumipili pa yung teacher ng magiging katabi ko. Konti na lang yung babae sa likod. Kasama dun si Emma.
Sana si Emma mapili nya. paulit ulit kong sinabi yun sa utak ko.
Tiningnan ng teacher yung mga babaeng natira. Tapos, nakita na nya si Emma. SI EMMA NA PIPILIIN NYA, YES!
Tiningnan na nya si Emma, "You, seat here."
YES, SUCCESS! MAGIGING KATABI KO SI EMMA!
Ngumiti si Emma, humakbang na siya paharap, palakad na sya papunta sa tabi ko. PERO,
"Oh, not you dear." WHAT? KITANG KITA KO, SIYA YUNG SINABIHAN NYA.
"The one behind you." SRSLY?
Nakita ko na rin yung makakatabi ko. Nakatungo sya kaya hindi ko unang napansin yung mukha nya. Pero, alam kong hindi ko siya kilala. Ano ba naman yan, akala ko pa naman si Emma na rin makakatabi ko. Iba pala. Nakakadisappoint.
Binagsak niya yung libro nya sa desk nya. Aba, nagdadabog ba siya? Tsk tsk. May attitude ata sya e. Patay.
Pinanood ko na lang si Emma sa likod hanggang sa mapili siya. Nakatabi niya si Jc. That's good.
Hanggang sa matapos na yung seating arrangement namin.
Yung katabi ko, nagbabasa lang. Hindi ako pinapansin. Hindi rin naman kasi namin kilala isa't isa.
Pero may kahawig siya e. Hindi ko lang maaalala kung sino pero ang familiar ng mukha nya e. Hindi ko namalayan na matagal ko na pala siyang tinitingnan hanggang sa tiningnan nya na din ako sabay sabing...
"May problema ka?" sabi nya.
ow, medyo rude. Ngumiti na lang ako.
"Ah, wala wala. Have I bothered you?"
she rolled her eyes at me.
"Duh."
"Oh, sorry."
Inirapan niya ako.
Hindi na siya sumagot, kahit 'okay' man lang. Masungit. Mataray. Medyo hindi ko na sya nagugustuhan.
Introducing naman ang trip ng teacher ko ngayon. Syempre, first day ng school ngayon e. Hindi mawawala yan.
Nag-iintroduce lang yung mga classmates ko. Hindi ko na pinansin yung iba, hanggang sa turn ko na.
"Hi, I'm Alex Samonte. You can call me Alex. I'm an old student here. I hope we can all be friends" *smile*
Ngumiti si Emma, naks.
Then yung masungit na katabi ko na.
"I'm Danica Alcantara. Old student."
SI DANICA 'TO?!
N
BINABASA MO ANG
Not the Other Way Around
Teen FictionSometimes the last person on earth you want to be with is the one person you can't be without.