Prologue

115 4 2
                                    


Tinignan ko ang sinusulat kong essay na ipapasa bukas kaso di ko pa tatapos at malapit na mag alas-12 Tinignan ko ang oras sa cellphone ko and mentally slapped myself dahil mas inuna ko pa ang pag-iinternet kaysa isulat ang essay ko.


Tinanggal ko ang eyeglass ko na kanina ko pa sinusuot, nagpahangin muna sa tapat ng bintana. Sirado na sana ang library kaso pinakausapan ko ang working na kaibigan ko rin na ako na ang magsisira nang library dahil di ako makakapagsulat sa dorm dahil sa sobrang ingay nang mga kapitbahay ko na parang araw-araw nagpaparty-party.


Napatigil ako sa kakadaydream nang may narinig akong ingay sa baba, agad akong tumago dahil lagpas class hours na at wala pa ako sa dorm.


"WOAAAHH!!!"


"YAHOOOO!!!"


"YAAAA!!" sigawan nang lalaki na nakasakay sa mga motorsiklo na halatang pangmayaman. Sumilip ako sa bintana upang mas makita ko sila. Nasira ang kagandahan nang grounds dahil sa pag-iikot nila sa grounds gamit ang mga motorsiklo nila. Bakit ba hindi sila pinagalitan nang guards may CCTV naman?


"Hoi, sigurado ka ba na hindi tayo mapapagalitan dahil dito?" tanong ng isang lalaki na hindi ko namumukhaan.


"Yeah, pinatay ni Yuki ang mga CCTVs kanina nung napasok niya ang security room" Yuki? Sino yun? tsaka napasok niya ang security room diba bawal pumasok dun? Teka bakit ba ako nagtatanong sa sarili ko.


"Teka ano nga ang gagawin natin?" tanong nung unang nagtanong kanina


"Destroy the windows?" sabi naman nung isa sa kanila. Agad nilang tinanggal ang mga helmets nila at kinuha ang mga baseball bats. Sinimulan nila ang pagsira ng mga bintana at rinig ko ang mga pagbasag ng mga bintana. Hindi naman siguro nila babasagin ang mga bintana sa pangalawang palapag diba?


Tuwang-tuwa sila sa pagbasag ng mga bintana. Biglang may lumapit sa isa sa kanila at nasa ibabang bintana lang siya, ngunit bago ako makapagtago ay nakita niya ako at itinapon ang baseball bat na hawak-hawak niya. Agad niyang tinawag ang kanyang mga kaibigan at tumakbo pataas.


"Patay talaga ako nito" Saan ba ako magtatago? Teka? Saan ba dapat ako magtago, naghanap ako ng matataguan. Agad kong nakita ang librarian's office, buti nalang bukas pa ito dahil nakakalimutan ng librarian namin isarado ang pinto. Napatago ako sa ilalim ng kanyang worktable at tinakpan ang sarili kong bibig.


"SIGURADO KA BA NA MAY NAKITA KA?!"


"I saw her." teka? Kaninong boses yan? Parang pamilyar yata o sadyang nababaliw lang ako dahil kinakabahan ako ng bongga?


"Pre, baka minumulto tayo dahil sa mga kalokohan na ginagawa natin." at tumawa ang nagsalita nun. Rinig na rinig ko silang tumatakbo tas yung isa ay palapit na palapit. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan.


Please please, hindi niya sana ako makita. Please. Please. Teka, Bakit ba ako nagtatago? Oo nga pala baka patayin nila ako, ipablatter, ipakidnap kung ano-ano pa ang gawin nila sa akin.


"Sure ka ba talaga na may tao?!" Rinig kong sigaw sa isa sa kanila.


"Yeah" Teka ngumingiti ba siya? Akala ko lalabas na siya kaso bigla siyang huminto at tumalikod. Isinara ko ang mga mata ko at nagdasal na sana di niya ako makikita. Napatili nalang ako na may mukha na tumitingin sa akin pagkalingon ko.

Stuck with a GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon