Chapter 61 (Selos)

1.6K 36 7
                                    

Chapter 61

Selos

Just as I thought it would be the start of our understanding,I was wrong.Very wrong.

Hindi man direkta ay sigurado akong nakuha niya ang mensahe doon sa sinabi ko nang nakilamay kami sa bestfriend niyang si Shane.I was certain that time that he would be contented to what we have.

I thought he was grieving? But how could he still have the time to flirt with other girls.Sino bang mag-aakalang kaya niya palang magmulti-task?Ang alam ko kasi sa mga lalaki ay single-tasker lang sila.Lesson learned: Never stereotype.

The day after we paid a visit to Shane's wake,I saw his post on Facebook.He was hitting on someone named Shy.He even tagged the post to the girl.That made it possible for me to view the gal's profile.Na pinagsisihan ko lang dahil insecurity lang ang napala ko.Mas maganda sa akin 'yong girl.At mas bata.Hay!

I let it pass.I ignored it.Hanggang sa pumapasok na siya ulit.Never akong nagtanong kung anong mayroon sa kanila nung babae.Kahit panay ang post niya at itinatag niya 'yon sa babae.Hindi ako nagreact.I'm not entitled to.

Lumipas ang ilang araw ay ibang babae na naman ang nilalandi niya.Ramdam kong selos na selos na ako.Masakit na para sa akin ang kanyang mga ginagawa pero hindi ko 'yon pinahalata.Hindi ko 'yon ipinahalata sa kanya.Ako lang at ang unan ko ang tanging nakakaalam ng aking saloobin.

"Gabi-gabi ka na namang umiiyak 'no?," nabigla ako nang minsang tinanong ako ni Nohlan habang naghahanda kami ng mis en place para sa International Cuisine Lab activity namin.

Luminga-linga ako baka narinig ni Seth ang tanong na 'yon ni Nohlan.Simple akong nakahinga nang maluwag nang makitang nasa malaypng parte siya ng hot kitchen habang itinatali sa likuran ang tali ng kanyang apron.

"B-Bakit mo nasabi?," inosente kong tanong sa kanya.

Itinuro niya ang aking mata. "Eyebags oh.Laki," aniya at wala sa sariling hinawakan ko 'yon.

"Hindi.Kakapuyat ko lang 'to.May sinusubaybayan kasi akong teleserye," pagsisinungaling ko.

"Deny pa," natatawa niyang turan.Umakto na akong tatalikuran siya nang nagsalita siya uli. "Huwag mo siyang iyakan,hindi pa siya patay," nilingon ko siya na nakangisi. "Excited ka naman masyado," tawa niya at natawa na lang din ako.

"Baliw," sabi ko.

Lalo lang akong nainsekyur sa aking sarili nang malaman kong plano niyang makipag-usap kay Tammy.Ayon pa sa kanya ay gusto niya lang irestore ang friendship nila ni Tammy.Which I think is good kaya naman kahit alam kong ipagseselos ko ay hindi na ako tumanggi.Hinayaan ko siyang makipag-ayos.Di bale na ang nararamdaman ko,ang importante,masaya siya.Isa pa,wala naman ako sa lugar kung pipigilan ko siya.

"Tignan mo 'yong mga babae," mula sa pagbabalik-tanaw sa mga nangyari sa pagitan ng kung anuman ang mayroon kami ni Seth ay napabalik ako sa kasalukuyan.

Bumaling ako kay Rich na sinisiko ako."Ano 'yon?," tanong ko sa kanya.

Ngumuso siya doon sa labas ng jeep.Sinundan ko ng tingin ang kanyang itinuturo at nakita ko si Seth na nakatayo doon sa may tindahan.Tila may binibili ang huli.

"Oh bakit?," clueless kong tanong sa kanya.

"Tignan mo nga 'yong dalawang babae," aniya at saka ko lang napansin ang dalawang babae na nakauniform pa ng school nila.Sa hitsura ay mukhang nga kaedad lang namin sila.

"Nagpapacute kay Seth," nguso ni Rich at doon ako naalarma.Tinitigan ko nang maigi ang mga babae at napansing nakatingin sila kay Seth.

Wala pa man ay naramdaman ko na ang pagkirot ng aking dibdib.Iniisip ko pa lang na pagbabalingan sila ni Seth ng atensyon ay parang gusto ko nang maglupasay.Laking pasasalamat ko nang tumalikod na si Seth para bumalik sa nakaparadang jeep na sinasakyan namin.Hindi sila napansin ni Seth.

Pero nangunot ang aking noo nang biglang huminto si Seth sa paglalakad.At nilingon niya 'yong dalawang babae.They talked for a few minutes when the girl with shorter hair and paler complexion pulled her phone out and typed something in it as Seth was talking.More of dictating.Right there,I knew.He was giving his number.Flirt.

Umiwas na ako ng tingin.Anong mapapala ko kung titignan ko ang paglalandian nila? Bahala na sila kung anong gusto nilang gawin.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-upo ni Seth sa aking tabi na may ngiting wagi.Iniwasan ko siyang makita.Hindi healthy para sa akin ang ganoong mga tanawin.Narinig ko pang nagkwento siya tungkol doon sa dalawang babae.Ngunit di ako kumibo kaya kay Rich na lang siya nagkwento.

Kaming tatlo lang kasi ang magkasabay dahil may lakad sina Gellie at Ehm habanvmg ihahatid naman muna ni Nohlan si Saida dahil maselan ang kalagayan nito.Kailangang alagaan ni Nohlan si Saida dahil after nine months ay magkakaroon na kami ng bagong miyembro sa grupo.

Ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata nang makita 'yong dalawang babae na sumakay sa jeep kung nasaan kami.Harapan sila kung magpacute kay Seth.Hindi na nahiya.

Bago pa man uminit nang todo ang aking ulo at maging highest ako sa listahan ng blood pressure ay lumipat ako doon sa gitnang bahagi ng jeep na kahilera ng mga babaeng mala-gabi sa kati.

"Ang init dyan.Dito tayo,mahangin," sabi ko sa dalawa kong kasama.Agad ring lumipat si Rich habang naiwan naman si Seth sa dati naming pwesto.

"Hindi naman ah," di niya pagsang-ayon.Hindi ko siya kinibo at bumaling na lang doon sa labas ng bintana ng jeep.Ilang minuto lang ay umupo si Seth sa tabi ko.

"Dito na lang ako," nangingiti niyang turan. "Tinitignan ako nung mga babae,"bulong niya.

Buong biyahe akong walang kibo.Pinakikiramdaman ko lang ang panay ang text na katabi ko.Dinaig niya pa ang nagbibinata dahil sa kakangiti.Ang malala pa doon,akala mo naman napakalayo lang ng katext niya samantalang ilang pasahero lang ang pagitan nila.Dahil nga kahilera namin iyong mga babae ay hindi sila nagkakakitaan ni Seth dahil sa mga nakaharang na pasahero sa pagitan.

"Selos?," seryosong pabulong na tanong ni Rich sa akin.

"Hayaan mo siya," ismid ko.Hanggang sa pumara na si Seth ay katext niya pa rin ang mga babae.

Ang hindi ko kinaya ay nang dumaan si Seth sa harap nila. "Bye," kinikilig na sabi nung dalawang babae na ginantihan naman ng ngiti ni Seth.Match na match.

"Ano? Kakalbuhin na ba natin?," tanong ni Rich na nagpatawa sa akin.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon