SHATTERED 2

17 3 0
                                    

Ako si Rowell.

May gusto ako.

Si Monique.

Tanong ng karamihan, "BAKIT MO SYA NAGUSTOHAN?"

Kilala kasi syang ubod ng kamalditahan.

Pero iba ang nakita ko sa kanya.

Mabait.

Maalahanin.

Mapag-bigay.

Yan ang pagka-kilala ko kay Monique kaya ko sya nagustohan at naisipang ligawan.

Oo, niligawan ko si Monique.

Matagal-tagal rin bago nya ako sinagot ng matamis nyang oo.

Ang saya ko noong mga panahong iyon.

Araw-araw kaming magkasama, paano ba naman e sa bukod na may relasyon kami ay magka-klase din kami.

Bawat araw inspirado akong pumasok.

Binibigyan at dinadalhan ko sya ng snacks, o di kaya ay lunch.

Minsan, nagtuturoan kami sa mga lessons namin.

Ako ang nagdadala ng bag o di kaya mga libro nya.

Lahat yata ginagawa ko para sa kanya.

Gusto ko kasing maramdaman nyang espesyal sya sa akin.

Hanggang sa graduate na kami ng hayskul.

Magka-iba man ang pinasukan naming unibersidad ni Monique, di pa rin yan naging dahilan upang maglaho ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kasi ngayon, tiyak ako na mahal ko sya.

Sobra.

Kung noon may mga dahilan kung bakit ko sya nagustohan, ngayon ay di ko malaman ang mga rason kung bakit ko sya minahal.

Hindi nalang namin namalayan ang bilis ng panahon, isang taon na kami.

Ang saya nya.

Masaya din ako.

Sabi ko sa sarili ko, SIYA NA NGA.

Pero dumating ang panahon na nag away kami.

Kunting bagay lang yun, hanggang sa lumaki at lumala at umabot sa hiwalayan.

Sya ang humingi ng kalayaan, masakit man para sa akin pero ibinigay ko ang nais nya.

Ang sakit lang.

Di ako makatulog sa hapdi.

Sabi ng isip ko sa puso ko, LILIPAS DIN TO, BAKA DI SIYA ANG PARA SAYO.

Kaya sa mga oras na yun, tinatak ko sa isipan ko na ihanda ang sarili at puso ko sa mga ganitong bagay.

Na kung sakali mang bumalik sya sa akin, di ko nalang papaniwalain ang sarili kong sya na nga ang makakasama ko ng pang-habang buhay.

Na wag kong ibuhos lahat sa kanya ang aking pagmamahal.

Durog na durog ang puso ko ngayon.

Wasak pati pagkatao ko.

Di ko akalaing mauuwi sa ganito.

Pinilit kong makatulog upang kahit sandali ay di ko maramdaman ang sakit dito sa puso ko.

Dumating ang araw na nagpakita sya sa akin.

Kitang-kita ko sa mga mata nya ang sakit.

Nakipagbalikan sya.

Nagmakaawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHATTERED 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon