CHAPTER SIXTEEN
NAPAKURAP-KURAP si Frances nang magising siya sa isang hindi pamilyar na paligid.
Napabalikwas siya ng bangon at nakitang parang nasa isang kuwarto siya na panlalaki. Black and white ang motif ng kuwarto. Simpleng malaking kama ang kinahihigaan niya, may working table, closet, at aircon. Katamtaman lang ang laki ng kuwarto para sa isang tao.
Agad siyang napatayo at napatingin sa labas ng bintana. Gabi na! Napasinghap siya. Si Matthew? Nasaan si Matthew?
Ang huling natatandaan niya ay sinakay siya ng mga kasamahan nito sa barge pero naiwan ito sa Cebu. Nang nakikipagbarilan!
Shit!
Napatakbo siya palabas ng silid. Agad siyang bumaba sa hagdanang nakita. Kusina agad ang bumungad sa kanya.
Natigilan si Frances nang makita ang apat na lalaking kasamahan ni Matthew. Nagkakape at naglalaro ng baraha ang mga ito sa dining table. Kanina, dalawa lang ang mga ito. Ang dalawa pa ay sumama kanina kay Matthew. Pero ngayon ay naroon na rin!
"Saan niyo ko dinala?!" biglang sigaw niya sa apat na unggoy. Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang mga ito. "Nasaan na si Matthew?!"
Anong nangyari sa nobyo niya? Ligtas ba ito? Nakauwing kasama nila? Marami itong kailangang ipaliwanag!
Sinugod niya si Aguinaldo dahil ito ang nagpainom sa kanya ng pineapple juice bago siya nawalan ng malay. Akmang hahampasin niya ito ngunit napigilan nito ang kamay niya.
"Hindi ba uso sa'yo ang salitang 'kalma'?" nakangisi pang sabi nito. "Magmula nang makausap kita, lagi ka na lang nagwawala."
"Sa ginawa niyo sa'kin, hindi ako kakalma! Pinatulog niyo 'ko! Hindi ko na alam kung anong nangyari sa boyfriend ko. Pinagkaitan niyo 'ko ng karapatan na—"
Natawa si Casimiro. "Napag-uusapan na pala ang mga karapatan dito ngayon? Paano naman ang karapatan naming sundin ang tungkulin ng trabaho namin?"
Napailing-iling si Basco habang nakatingin pa rin sa baraha nito. "Miss Lorzano, kung ako sa'yo, kakalma ako at magtitiwala kay Dela Merced. Nobyo mo ang nag-utos ng lahat ng 'to."
"Kung inaalala mo si Matthew, nagalusan lang siya pero ayos na. Nasa Bureau lang siya ngayon para mag-report sa chief namin," sabi ni Casas at saka ito nagbaba ng baraha sa gitna ng lamesa.
The NBI Chief is Matthew's father.
Nang marinig niya iyon ay noon lang siya nakahinga ng maluwag. Pero hanggang sa hindi niya nakikita si Matthew ay hindi pa rin siya magiging ganoon kakalmado.
"Ang malas nga namin dahil kami ang inatasang magbantay sa'yo," angal ni Aguinaldo.
Nilapitan niya ito at tiningnan ng masama. "Anong pangalan mo?"
Ngumisi ito. "Hulaan mo."
"Emilio?" sarkastikong sambit niya.
Napatingin na ito sa kanya at kinindatan siya. "Ano pa ba?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Emilio Aguinaldo ang pangalan mo?!" Pagkuwa'y patuya siyang natawa.
"Hindi ikaw ang unang natawa sa pangalan ko kaya hindi ako maiinis," kalmadong sabi nito. "Thirty-four years of existence, sanay na 'ko."
Inirapan niya ito at lumapit naman kay Basco na ngayon niya lang napansin na may malaking tattoo ng agila sa kanang braso.
"How about you? What's your name?"
"Ivan," simpeng sagot nito at saka nagbaba ng baraha.
Tiningnan niya si Casas at Casimiro.
"Felix," taas kamay ni Casas.
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...