Chapter Eight

81 4 2
                                    

JAZZMIN'S POV

Today's the first day of classes. Fourth year na sila at graduating na. Dahil naabot niya ang average na kailangan para makapasok sa star section ay naging magkaklase na sila ni Khloe. Habang si Raiden at Ocean ay nanatiling magkaklase.

"Ang tagal naman ng dalawang iyon..." reklamo ni Khloe habang nakatayo sa pinto ng classroom at nakatanaw sa corridor, kanina pa nag-bell at kanina pa rin sila naghihintay kay Ocean at Raiden.

Napangiti siya, "Hindi ka pa ba nasanay sa kanila?" natatawang sabi niya. Malamang kasi ay naharang na naman ng mga makukulit na 'fans' ng mga ito ang dalawa. Sanay na siya pero kung minsan ay naiinis din lalo na kapag magkasama sila ni Raiden at may bigla na lang lalapit para magpa-picture o kaya ay magpa-autograph sa boyfriend niya. Pero naiintindihan niya iyon. Masaya siya na may nakaka-appreciate ng music at talent ni Raiden.

Hindi katagalan ay natanaw na niya ang dalawa na palapit sa kanila.

"Late na naman kayo, gutom na kami..." sabi ni Khloe at sinalubong ang dalawa.

"Sorry na, tara na sa canteen. Ililibre na kita para matanggal 'yang toyo mo..." nakangiting tugon ni Ocean at agad hinila ang bestfriend.

Si Raiden naman ay nakangiting dumiretso sa kanya at ginagap ang kamay niya. Sumunod na sila sa mag-bestfriend na tuloy ang kulitan habang papunta sila sa canteen.

Nang dumating sila sa canteen ay nandun na ang ibang barkada nila at nag-uumpisa ng kumain.

"Ayun, ito na ang mga lovebirds..." pambubuska ni Clark.

"Inggit ka lang..." sabi ni Raiden at nauna siyang pinaupo bago kumuha ng sariling upuan at naupo sa tabi niya. "Anong gusto mong ulam?" tanong nito sa kanya.

"Kahit ano, ikaw na bahala..." nakangiting sagot niya, ito ang nakatoka ngayon na magbayad ng pagkain nila. Bukas ay siya naman ang nakatoka. Pinag-usapan na nila ang bagay na iyon dahil minsan na nilang pinagtalunan kung sino ang dapat na gumastos. Iginiit kasi nito na ito ang dapat gumastos dahil ito ang lalake, syempre ay hindi siya pumayag. Ayaw niyang maubos nito ang allowance nito sa kanya. So they came up with a solution, salitan sila ng pagbabayad. Pero kung minsan ay nandaraya ito, minsan kasi kapag turn na niyang gumastos ay magbabaon ito ng packed lunch nilang dalawa para wala pa rin siyang ilabas na pera.

Nang bumalik ito ay may dala na itong tray ng pagkain nila, inilapag nito iyon sa harap niya at naupo sa tabi niya. "Na-miss kita agad..." bulong nito sa tenga niya.

Natawa siya sa sinabi nito, "Baliw ka, wala ka pang ten minutes nawala sa tabi ko!"

"Anong magagawa ko kung baliw na baliw ako sa'yo?"

Agad naman namula ang mukha niya, "Oo na, kinikilig na ako sa'yo. I love you..." sabi naman niya.

Ngumiti ito at inayos ang pagkain nila, siya naman ay masayang pinapanuod ito. Sabihin nang spoiled girlfriend siya but Raiden never fails to make feel kilig and important.

****

Nang mag-uwian na ay napagpasyahan nilang mamasyal sa mall bago umuwi. They were window shopping ng mapadaan sila sa isang jewelry store. One particular object caught her eye.

"Ang ganda oh..." sabi niya habang tinitignan iyon sa display window. It's a necklace na may star pendant. Maliit lang yun pero intricate and design kaya nagustuhan niya.

"Gusto mong isukat, Miss?" tanong ng saleslady na lumapit sa kanila.

Ngumiti siya, "Sure!" excited na wika niya. Habang hinihintay iyon ay nilingon niya si Raiden na tahimik lang sa tabi niya. "Okay lang kung isukat ko muna?" tanong niya.

Tumango ito, "Take your time. For sure bagay naman sayo 'yun..." sabi nito at ngumiti sa kanya.

Natawa siya, "Bolero ka!"

"Eto na po mam, isukat na po ninyo..." singit ng sales lady at ibinigay sa kanya ang kwintas.

Maingat niya iyong isinuot sa leeg at humarap sa salamin, nagustuhan niya iyon. Humarap siya kay Raiden, "Love maganda ba?"


RAIDEN'S POV

"Love, maganda ba?" 

Tinitigan niya ito, "No..." he said.

He lied. The necklace looks good on her. Parang lalong lumiwanag ang mukha nito ng maisuot iyon.

Nakita niya ng malungkot ito at agad tumalikod sa kanya para hubarin ang kwintas. He knows she is disappointed, ramdam niya na gusto talaga nito yung kwintas na iyon but he has his reasons for saying no.

"Thank you, miss. Titingin muna kami sa iba..." narinig niyang sabi ni Jazzmin sa saleslady bago lumingon ulit sa kanya. Wala na ang sigla nito at halatang na-down ito sa sinabi niya.

He held her hand at pinisil iyon, she smiled back at him so he knows she's not angry at him. She's like that, kahit masama ang loob nito ay ngingiti ito sa kanya. Lalo tuloy nabuo ang desisyon niya na ituloy ang pinaplano niya.

"Ibibili na lang kita ng fries..." sabi niya habang palabas sila ng jewelry store.

Ngumiti ito, "Yung extra large ha?" sabi nito at ngumuso.

Tumawa siya, "Takaw!"

Nalukot ang mukha nito at inirapan siya, "Wag na nga lang!"inis na sabi nito at akmang lalayo sa kanya ng pigilan niya ito.

"I love you..." bulong niya dito.

Agad nawala ang kunot ng noo nito at ngumiti sa kanya, "I love you too..."


****

"Saan mo naman gagamitin ang extra income?" tanong ni Ocean habang naglalakad sila papuntang bahay ng mga ito. Kagagaling lang nilang mag-practice ng basketball.

"I need to buy something..." matipid na tugon niya.

Tumaas ang kilay nito, "Para kay Jazz?"

Tumango siya, "Gusto ko siyang bigyan ng regalo. Hindi ko pa siya nabibigyan ng kahit ano eh. Not that she's asking for anything... gusto ko kasi may galing sa akin na lagi niyang magagamit..."

Tumango ito, "May naisip ka na bang regalo?"

"Oo, there's this necklace she really wanted. Sabi ko hindi bagay sa kanya kaya di niya binili. Gusto ko ako ang bumili para sa kanya..."

Napangiti si Ocean, "Wow pare. Talagang seryoso ka na dyan ah! I haven't seen you so..." sabi nito at tila nag-iisip. "...so smitten before. Dati naman wala kang pakialam sa paligid mo eh. Ikaw yung pasimpleng playboy sa ating dalawa. Ikaw yung tipong madaling magsawa. But looking at you right now, wow lang...."

Natawa siya sa sinabi nito. Ocean's right, hindi naman siya santo. Marami na rin siyang naging girlfriends or mas matatawag na fling. Wala kasing tumatagal ng mahigit isang linggo, madali siyang magsawa. Kadalasan naman kasi ay mga babae na ang lumalapit at nanliligaw. Kahit nga girlfriend na niya ay wala siyang pakialam. Mas mahalaga ang banda, basketball at pag-aaral niya.

"I really love her Ocean..." iyon lang ang nasabi niya pero para sa kanya ay sapat na iyon. Si Jazzmin pa lang kasi ang nasabihan niya ng mga katagang iyon.

"Good for you then. Hayaan mo bro, tutulungan kita dyan sa balak mo. Titignan ko kung may bakanteng trabaho sa isa sa mga branch namin..." sabi ni Ocean na ikinangiti niya. Ocean's family owns one of the biggest recording and talent company sa bansa. At dahil may record company, may mga record stores din sila sa mga mall.

"Thank you bro..." sabi niya at tinapik ang balikat nito.




The Drummer- Beat of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon