Chapter 11 - Cease Fire

45K 744 42
                                    

Dedicated to acuchimisisbatman! Thank you sa'yo!

Sa mga gusto ng dedic, PM niyo lang ako. I'll do my best to accommodate your requests.

Yay! Nakahabol ako! Whooo!

Enjoy!

===================================================

CHAPTER 11

“Hawakan mo, Carlo ha,” sabi ni Mikay sa anak ni Aling Salve.

Si Carlo ang pangalawa sa pinaka-bunso sa mga anak ni Salve. Labing-anim na taong gulang na ito at magkokolehiyo na sa susunod na taon. Bukod kay Carlo, kasundo rin niya si Billy, ang nakababatang kapatid nito.

“Opo, ate,” sagot naman nito at mahigpit na hinawakan ang steel ladder na gamit nila.

Kasalukuyang nilalagyan ng palamuti ang stage ng plaza para sa gaganaping beauty contest mamayang gabi. Maaga pa lang ay abala na silang lahat. Halos yata buong Aberin ay gising na sa ganitong oras.

Dahil siya ang pinakabata sa grupo ng mga kababaihan, nag-volunteer na siyang aakyat at maglalagay ng palamuti sa itaas na bahagi ng stage. Hindi naman yata kasi tamang ang mga nakakatanda pa ang gumawa nun dahil mahihina na ang mga tuhod ng mga ito.

Isa-isa niyang inakyat ang mga baitang ng hagdan. Hindi naman siya nalula dahil medyo mababa lang naman. But she was naturally clumsy, kaya doble-ingat siya.

“Carlo, hawakan mong mabuti ha. Baka malaglag ako,” sigaw niya habang sinisimulan na ang pagkabit ng mga cut-out letters sa stage.

“Opo.”

Ilang saglit pa ay nawili na siya sa ginawa. Patapos na sana siya nang marinig na tinawag siya.

“Mikay!” dinig niyang sigaw ng isang boses mula sa baba.

Napatalon siya sa gulat at nawalan ng balanse. Muntik na tuoy siyang malaglag. Napahawak si Mikay sa dibdib sa sobrang kaba. Galit na nilingon niya ang pinanggalingan ng boses at mas lalong kinabahan nang makita ang nakatiim-bagang na anyo ni Gino. Nakapameywang pa ito habang nakatingin sa kanya. Sa ekpresyon ng mukha nito, ay parang kaya nitong kumain ng tao.

‘What did I do now?’

 

“B-bakit?” tanong niya rito.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?”

Naguguluhang napatingin siya rito at wala sa loob na itinaas ang mga hawak niya. “Kinakabit ‘to.”

“Bumaba ka,” utos nito sa kanya.

‘Aba! Kung makapag-utos, akala mo kung sino! Nakakarami na ‘to ah!’

 

“T-tatapusin ko na lang ‘to. Saglit na lang naman eh,” sa halip ay sagot niya.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon