It's Complicated™

402 6 1
                                    

Higit sa magkaibigan ang turingan pero hindi rin naman magkasintahan. ‘Yung parang kayo pero hindi. ‘Yung tipong hindi mo alam kung saan ka lulugar sa buhay niya (‘yun ay kung nilugar ka nga). ‘Yung hindi niyo masabi ang mga nararamdaman niyo para sa isa’t isa kasi wala lang, ewan, parang may isang invisible na puwersang pumipigil sa inyo. ‘Yung gustung-gusto mo na'ng manumbat pero hindi pwede kasi wala ka nama'ng karapatan. ‘Yung hindi mo alam kung siya rin ba o ikaw lang ang nakikinabang diyan sa nararamdaman mo. Komplikado. 

Hindi ba’t nagsisimula ang lahat ng ‘yan sa tinatawag nilang M.U? Malabong Ugnayan… Malanding Usapan… Mutual Understanding. Isang kaugnayang nasimulan ngunit hindi tiyak ang patutunguhan. Sa oras na pasukin mo ang sitwasyon na  ‘yan, para mo na ring isinugal ang puso mo sa isang laro na hindi ka naman sigurado – ang una ma-inlove talo. Pilit mong iniintindi ang sitwasyon pero sa huli mas lalo ka lang nalilito. Magulo.

 Masaya, oo. Nakaka-inspire, oo. Pero minsan maiisip mo: Ano ba talaga tayo? Ano ba talaga ako sa’yo? Hanggang sa dumating ang araw na gustung-gusto mo na itanong sa kaniya ang mga iyon ngunit hindi mo magawa kasi mas nangingibabaw ang takot mo sa follow-up questions na: Paano kung masasaktan lang ako lalo sa sagot mo? Paano kung wala naman talagang ’tayo’? Nakaka-imbyerna diba? Pero sabi nga nila, hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan. Magtatanong ka lang naman eh, hindi ba’t the truth will set you free? Kung mutual talaga ang feelings niyo at handa na kayong i-push ang relationship niyo sa next level eh di maganda. Kung hindi naman eh move-on na. Hindi naman overnight ang pag-mo-move on, pero magagawa mo ‘yun kung talagang gugustuhin mo. O baka naman hindi kaya kasi ayaw pa. Hindi inborn ang katangahan, choice ‘yun.

Hindi ka naghahabol. Hindi ka desperado. Ang gusto mo lang ay magkalinawan kayo. Baka kase ikaw ‘yung tipong masyadong sensitibo sa mga sinasabi ng ibang tao kaya hindi mo magawa ang mga bagay na tunay na nagpapaligaya sa iyo. Ito ang tandaan mo, what others think about you is none of your business. Kapag sinabi nila na, Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa iba. Sardinas lang ang sumisiksik sa lata, ano ka, isda? Sumagot ka, Bakit? Lata ba siya? Ganoon lang kadali mambara. Hindi ‘yung hahagulhol ka nalang sa isang sulok at mag-e-emo-emo. Ang pikon, bobo.

Ang bottomline? Kahit gaano pa natin ka-gusto ang isang tao, kung hindi tayo sigurado sa lugar natin sa buhay nila, darating ‘yung araw na wala nang ibang paraan kundi sumuko. 

It's Complicated™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon