Cool off?
Cool off? Bakit ka nga ba naimbento? Sinong nagimbento sayo? Bakit ka pa nag-exist sa mundo? Bakittt?
"Cool off muna tayo. I need space."
Okay, cool off. Cool off. Cool off. You need space? Go to Mars! Letche. I hate you for hurting me!Pabalik balik sa utak ko,bakit ganun? Cool off? Eh parang break up narin yun diba? Nakikipag cool off para lumandi sa iba? Cool off para makapag-isip isip? Cool off para panandaliang maging single. Cool off para saan ka ba talaga? Bakit kailangang kasali ka pa sa isang relasyon? Bakit?
-------
"We need to talk." Sabay hinila mo ko, papuntang garden.
"Aika, i'm sorry. I just need space. Cool off muna tayo. Im sorry." At naglakad kana palayo sakin. Hindi mo man lang ako pinagsalita. Umalis kana kaagad.
Andito parin ako ngayon sa garden, kung saan mo ko iniwanan. Nag-uunahang bumagsak ang mga luha sa mata ko. Pinipigil ko sila, pero wala eh. Masakit pala talaga. Ha-ha. Ang OA ko masyado, Cooloff lang naman tayo diba? Babalik ka pa naman sakin diba? Aantayin ko naman yung pagbabalik mo eh. Lumipas ang ilang oras, bumalik na ko sa room ko para pumasok sa klase. Naaalala kita, dumadaan ka kasi sa room namin lagi para tignan ako eh. Nakatulala lang ako sa bintana, iniisip ka at kung ano ang dahilan kung bakit ka nakipag-cool off. Mabuti naman pala at wala kaming teacher ngayon.
Uwian na pala, di ko namalayan ang oras. Paano kasi, nakatulala lang naman ako. Iniisip ka parin. Nakauwi nako sa bahay namin. 1 week tayong walang pasok dahil may gagawing seminar ang mga teachers. 1 week na rin akong walang balita sayo, simula nung nakipag cool off ka sakin. Ano na kayang balita sayo? Sobrang namimiss na kita.
Linggo ngayon, naisipan kong magpunta sa mall. Wala lang, gusto ko lang maglibot at ilibang yung sarili ko. Excited na kong makita ka bukas dahil Lunes na at may pasok na ulit tayo. Nag-order ako ng inumin ko sa isang kilalang coffee shop. Nakakatawa kasi talagang isipin na hanggang sa kape, naaalala kita. Mahal kasi talaga kita.
Lumabas na ako dala yung order ko, nakita kita. May kasama kang babae. Maganda, maputi, matangkad. Nakaakbay ka pa sakanya. Nakatingin lang ako sainyo, dahil hindi ako makapagsalita. Nagunahan lang pumatak ang mga luha ko, umiiyak na ko. Nakita mo ako at nilapitan.
"Sorry Aika, gusto ko nang makipagbreak sayo. Goodbye." Naglakad kana palayo kasama sya.
Umalis ka nanaman nang hindi ako pinagsasalita. Hindi mo nanaman ako pinakinggan. Hindi mo narin pala ako binalikan. Dahil nung pabalik kana, nakasalubong mo sya tapos nag-iba ka na ng daan.
Ngayon alam ko na, kung bakit ka nakipag-cool off.
Lesson learned.
The End!
A/N: Hi po