A Sad Girl's Lonely Story

181 10 4
                                    

AN:  Hope you'll like it.

And cry! Lol. ^__^v
 

    
***
     
"Sigurado kang okey ka lang?"

"Hmhmm... Okey lang ako mommy.," ngumiti ako sa kanya upang hindi sya mag-alala.

Kelan kaya matatapos 'tong parusang ito? Masyado na ba talaga akong makasalanan para parusahan ng ganito?

"Kawawang bata."

"Mukhang sobrang lala na talaga ng cancer nya."

"Sana ay sinabi nalang nyang nahihirapan sya't hindi na sya ngumiti nang sa ganon ay di na nasasaktan ang mga magulang nya."

Mukhang sumuko na sakin ang mga nurse. Ako ba? Kelangan ko na rin bang sumuko sa sarili ko? Ito ba talaga ang itinadhana sa'kin ng Diyos? Sumuko na rin ba Sya sa'kin?

Malubha na ngang sakit ko, at dinadamay ko pang mga magulang ko. Ang sama ko talaga... Di ko alam na dahil sa mga ngiti ko ay lubha ko na pala silang pinapahirapan. Sinasaktan ko ang mga tao sa paligid ko dahil sa mga ngiti ko. Ibig bang sabihin non ay di ko sila masasaktan kapag hindi lang ako ngumiti? Hindi ako deserving ngumiti? Ganon ba 'yon?

"Dito ka lang, sabi ng doctor mo h'wag ka raw gumalaw baka atakehin ka na naman.", paalala ng isang nurse.

Tango lang ang naging sagot.

Hanggang kailan pa kaya ako rito? Ilang tusok pa kaya ng karayom ang kelangan kong tiisin? Masasanay rin kaya ako dito sa ganitong treatment? Gusto kong lumabas, gusto kong maglaro katulad ng ibang mga normal na bata.

"Bakit hindi ka magsulat ng notes ng mga gusto mong gawin kapag gumaling ka na?," nakangiting tanong ng isang nurse. "Huhubugin mo ang sarili mong mundo, di ba masaya yon?"

Bakit nga ba hindi ko ginawa yon? Kasi alam kong wala rin namang kwenta? Kasi marami na ang sumuko sakin? Kasi wala rin namang may balak na ialay ang puso nila sakin? Bakit pa ako mangangarap kung alam ko namang hindi mangyayari? Bakit nga ba?

Lumipas ang mga araw hanggang sa maging linggo hanggang sa maging buwan hanggang sa maging taon. Mukhang naging tahanan ko na nga talaga ang ospital. Lahat na ata ng parte ng establisyementong 'to kabisado ko na.

"Hello, Gwen! Ako nga pala ang bagong doctor mo simula sa araw na ito."

Mukhang sobrang bata pa ata nya upang maging doctor, pero wala naman akong magagawa sa edad nya.

Ahh... Bago na naman pala. Pagod na rin ba yong nakaarang doktor ko kakacheck-up sa lumalala kong sakit? Sumuko na rin ba sya sakin? Lagi na nalang ganon. Lagi na lang nila akong pinapaasang maiiligtas nila ako sa sakit na 'to pero sa huli iniiwan nila ako sa ere. Yong bago kong doctor, iiwan din kaya nya ako?

"Ahh...Gwenii!! Sixteenth birthday mo pala ngayon bakit di mo sinabi?"

Hay... Nandyan na naman sya, ang makulit kong baguhang doktor. Bakit ba sya lapit ng lapit sakin? Bakit ba mukhang ang saya nya pa rin kahit na halata namang pagod sya? Bakit ang laki ng ngiti nya? Bakit sya ganyan? Di ko talaga sya maintindihan. Bakit ba pinipilit nyang sarili nya?

"Minsan dahil sa isang ngiti lang, may napapasaya ka na."

Napapasaya? Bakit sa'kin may nasasaktan lang? Bakit dahil sa mga ngiti ko mukhang ang lungkot nila? Bakit ang sakit marinig na naiiba pala yong ngiti ko? Bakit sa kanila ganon? Lahat sila nakangiti sakin pero bakit kapag ako yong ngumiti, bakit ganon?

A Sad Girl's Lonely Story (Short Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon