Alesandria (one shot)

105 9 1
                                    

Mahal kong Franco,

Naalala mo ba noong third year highschool tayo, araw noon ng periodical exam natin, kinalabit mo ako at tinanong kung anong sagot sa enumeration sa physics.

"sige na Ales.. ililibre na lang kita mamayang breaktime" pagmamakaawa mo pa sa akin.

Alam mo bang sobrang saya ko ng mga oras na yun, dahil sa tagal nating magkakaklase at magkatabi sa upuan, ngayon mo lang ako kinausap at tinawag sa pangalan ko.

Kaya hindi na kita pinahirapan pa at pinakopya ko na sayo lahat ng sagot. At dahil dun sabay tayong nagbreaktime ng tayong dalawa lang at binili mo lahat ng itinuro kong pagkain bilang pangako mo.

Simula noon halos araw araw na tayong magkasama at magkausap. Sinabi mo sa akin lahat ng mga bagay na ayaw at gusto mo, kahit na alam ko na naman lahat ng bagay na iyon.

Mahal kita. Mahal na mahal na kita simula noong bata pa lang tayo. Sabay tayong lumaki sa ampunan, parehas tayong ulila at karamay natin ang isat isa lang.

"Andria.. may maampon mang isa sa atin, kailangan hanapin parin natin ang isat isa, walang kalimutan ha.." naaalala kong sabi mo noon sa akin ng may dumating na magaampon at mukhang ikaw ang tipo nilang ampunin..

"Franco pangako yan ha.. mahal kita" sabi ko naman at isang mahigpit nayakap naman ang iginanti mo sa akin.

Natuloy ang pagampon sayo ng pamilyang iyon. Sobrang akong nalungkot kasi sabi mo dadalawin mo ako, naghintay ako ng sobrang tagal hanggang sa may pamilya naring umampon sa akin.

Mayaman sila at ang kanilang mga anak ay may pamilya na kaya na sa akin ang atensyon nila. Ginawa ko iyong paraan para mahanap ka.

Pinilit ko silang bilhin ang bahay na katapat ng bahay nyo. At doon kami tumira. Nagpalipat ako sa school na pinapasukan mo noong grade four ka at kahit na nakapasa ako sa higher section ay mas pinili ko parin ang section mo.

Hindi mo ako makilala dahil narin siguro sa pag matured ng hitsura ko, pero ikaw kilalang kilala ko parin, ang mga ngiti at tawa mo, ang boses mo at gwapo mong mukha lalo na at ang laki pa ng tinangkad mo.

Hindi ko muna ipinilit ang sarili ko sayo kasi alam ko naman na tayong dalawa talaga ang itinadhana kaya inilayo ko na lang sayo ang mga bagay na haharang sa ating dalawa.

Naalala mo ba yung Labrador mong aso na sobrang paborito mo. Lagi kayong naglalaro sa playground, lagi mo syang niyayakap, lagi kang tumatawa pag kasama mo sya, nagselos ako. Ako lang dapat ang yakapin mo ng ganyang kahigpit kaya hindi ko napigilan ang sarili kong putulin ang mga paa ng aso mo at kalbuhin ang malago nyang buhok. Nagtagumpay ako dahil di mo na sya nilapitan pa.

Yung paborito mo namang wave board na regalo ng dad mo. Kinaadikan mo ito kaya di ka na pumapasok sa school at hindi na rin kita nakikita. Kaya kinuha ko ito sa locker mo at pinasabay na ipasunog kasama ang mga basura kay mang berting yung school janitor natin.

Makalipas ang ilang taon wala naman naging problema hanggang sa maghighschool tayo at may niligawan kang babae. Madalas kitang marinig na bukambibig mo sa mga kabarkada mo ang babaeng yun, madalas mo syang bilhan ng mga kung anu anong bagay, lagi mong hinahawakan ang buhok nya. Hanggang sa dumating ang araw na sinagot ka nya, hindi ko na napigilan ang sarili kong maitusok sa mata nya ang bigay mong tatlong matinik na rosas, hindi ko tinigilan ito hanggang sa kusa ng lumawa ang mga mata nito at bumulwak ang maraming dugo.

Magmula ng mangyari yun di ka na nangligaw ulit at lalong hindi ko hahayaan yun, lalo na ngayon at malapit na ulit tayo sa isat isa mahal ko.

Naikwento mo sa akin na yung katulong nyo na laging nakasunod sayo at laging nasa kwarto mo kahit wala na namang lilinisin. Nagiinit ang ulo ko ng sabihin mo iyon kaya sinubaybayan ko sya at nakita sa kwarto mo na walang saplot at pinapaligaya ang sarili habang yakap sa may dibdib nya ang kahuhubad mo pa lang na boxer short. Nagdilim ang paningin ko at hinawakan ko ng mahigpit ang dala kong gunting, inuna ko ubusin ang buhok nya at ipinasok ko ng pauli ulit sa pagkababae nya ang gunting. Napuno ng dugo ang kama mo. Napatay ko sya.

Isang araw masamang balita ang binungad mo sakin. Sa ibang bansa ka na pagaaralin ng magulang mo pagtutong natin ng college. Hindi ako papayag na magkahiwalay ulit tayo, ayoko na ulit maghintay na matagal. Kaya pinauna ko na sa malayong lugar ang mga magulang mo. Binutas ko ang gulong ng sasakyan nila at sinira ko ang makina na kasabay ng pagsabog nito sa gitna ng daan sakay ang mga magulang mo.

Labis kang nalungkot, at dahil sa kalungkutan mong iyon ako naman ang napaligaya mo. Napakasarap sa pakiramdam na matulog katabi mo sa ilalim na iisang kumot lang. Wala akong pinagsisihan. Masaya ako sa mga ginawa at binigay ko sayo.

Sa kabila ng kasiyahan ko, kinagalitan naman ako ng mga umapon sa akin dahil sa madalas kong paguwi ng gabi para samahan ka. Binigyan nila ako ng curfew sa paguwi ko pero sinaway ko parin sila.

Makalipas ang ilang buwan at nagbunga ang bawat gabi na pinagsasaluhan natin.

Nalaman ito ng mama at papa. At sa America na nila ako balak patirahin,ito daw ang pinakamabuting paraan. Bakit ba pati sila hadlang sa mga plano ko? ano bang alam nila? Anong makakabuti?!! Ako lang ang may alam kung anong makakabuti sa bubuuin kong pamilya. Ako lang.

Kaya bago nila ako ipadala sa America sila muna ang ipinadala ko kay san pedro. Pag uwi nila mamaya sigurado akong magugustuhan nila ang fireworks display dito sa loob ng bahay.

Nang malaman mong buntis ako bigla ka na lang naglahong parang bula. Bakit? Balak mo na lang ba kalimutan na lang ako ulit? Ayaw mo ba sa anghel na dinadala ko?..

Sa tagal ng panahon nahanap kita, ngayon pa kaya. Kung ayaw ng tadhana, ako na lang ang gagawa ng paraan.

At ngayong nahanap na kita.

Di ka na makakawala pa.

Nagmamahal,

Alesandria

Ps.

Oh! Saan ka ba nakatingin?

Nandito lang ako sa likod mo!

Alesandria (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon