Chapter 21*B*tch*

15 1 0
                                    

Lily's POV

Weeks had passed at syempre ano pa ba ang aasahan ko? Edi usad pagong ulit yung imbestigasyon. Hindi naman kasi malaki ang perang kinikita ko para makakuha ng isang professional na investigator kaya tiis tiis na lang :/

At ang isa ko pang problema , si Yulesis hindi ako pinapansin.Sobrang cold niya talaga , although magkasama kami lagi pero iba eh. Parang ang awkward awkward na .

Si Haye naman , nawawalan na ulit siya ng time sa akin, tulad noon paalis alis na siya ng bansa.

No text , no call. Pero hindi naman daw siya nagtatampo or nagseselos.

Nakaharap lang ako sa laptop ni Yulesis dahil nagpapagawa na naman siya sa akin ng presentation niya.

I accidentally click the close button at nagulat ako kasi ako yung wallpaper niya.

Kuha ko ito noong nakatulog ako sa kwarto niya.

Ewan pero bigla na lamang akong nakaramdam ng lungkot at namalayang may tumutulong luha sa aking pisngi.

Lungkot dahil may parte sa aking pagkatao na gustong gusto ko siya sa hindi ko malamang dahilan.
Madalas din , lagi ko siyang hinahanap hanap.
At ang nakakalungkot pa, may pagtingin sa akin si Yulesis. Noong panahon na inamin niya iyon sa akin , bakit saya yung nararamdaman ko.

Hindi ko talaga maipaliwanag yung nararamdaman ko.

"Done?"

Nagulat ako nang marinig ko ang kanyang boses at kasunod nito ay ang yabag ng kanyang mga paa.

Nilingon ko siya , and I find him cute noong naka-crossed arms siya pero bakas sa mukha niya yung pagkaseryoso just like kung sino yung Yulesis na nakilala ko noong una. Napapansin ko na rin this time na parang normal na lang yung samahan namin. It's like boss-and-employee na lang yung relationship namin hindi tulad ng dati na sobrang close at komportable namin sa isa't isa.

Tiningnan ko siya and he just raised his brow and looked at me coldly.

"What now?!"

"Ahm Sir , last slide na lang po t-tapos na"

Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin niya yung wallpaper ng laptop niya.

"Scratch that!"

Padabog siyang lumapit sa kinaroroonan ko at dali daling iniba ang wallpaper ng laptop niya.

"Scratch scratch that pang nalalaan.", bulong ko sa aking sarili.

He looked at me seriously at inirapan niya ako.

"Shut up , okay?!"

Ewan pero bigla bigla ko na lang naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko at doon na lang ako napahagulhol.

"Stop it okay?!"

Umiiyak parin ako as in hagulgol talaga . Bakit ba ako nasasaktan porket sinigawan lang ako.

Lily pinagalitan ka lang okay?! Yun lang yun. Ang bagal bagal mo kasing gumawa!

"Now your such a crybaby! Psh."

Inagaw pa niya sa akin yung laptop niya at sinimulan niyang gawin ang last slide sa presentation niya.

Iyak pa rin ako ng iyak tapos hindi man lang niya pinapansin yung nararamdaman ko. Ayokong ganito ang lamig lamig niya sa akin.

"I said stop crying okay?!"

LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon