My Hero

9 0 0
                                    

Masama ako Noon, Lagi akong Walang oras sa kanya, Hindi ko sinusunod ang Utos nya Kahit simple lang ang hinihiling niya hnd ko maibigay Pero alam mo Kung Ano Ung maganda Na Kahit Nakakagawa ka ng Kasalanan sa kanya ay Hindi ka pa rin Niya iniwan Bugkos Ginabay ka pa rin niya para magbalik sa kanya :)

Akala ko Hindi na ako magbabago, Akala ko Tatahakin ko na ang Baluktot na Daan pero Hindi niya ako Hinayaan Ipagpatuloy Yun Dahil Ginabayan niya ako upang piliin ang Tamang Daan :)

Siya Yung taong Kahit binabalewala at sinasaktan sya Ay Hindi nya magawang Magalit Bagkos laging bukas ang kanyang dalawang kamay upang yakapin at tanggapin at lalo pa rin nya tayo Minahal at Higit sa lahat Hindi ka niya kailanman iiwan.

Siya ang taong nilalapitan ko kapag may problema ,sya rin ang kasangga ko sa lahat ng Pagsubok na dumadating sa buhay ko , Siya rin ang pinagkukuhanan ko ng lakas upang ipagpatuloy ang buhay, Siya rin ang Nagmamahal ng lubusan sa akin , Siya rin ang Aking Tagapagligtas Siya lang at wala ng iba :)

Ang sarap sa Feeling kapag marinig mo ang katagang na :

Kahit nakakalimutan at binabalewala mo ako ito parin ako sa tabi mo mamahalin at Hindi ka iiwan :)

Kapag maririnig mo yang salita na yan napakaswerte at napakagandang pakinggan kaya ako mula nung binago nya ako laking papasalamat ko sa kanya kasi kung Hindi dahil sa kanya .

Hindi ko makikilala ang taong mamahalin at gagabayan ako hanggang sa Walang hanggan .

Siya lang magpapatunay na Forever ay totoo . At alam Nio ba kung sino ang Forever ko ?

Wala iba Kundi so GOD :) Hindi lang sya ang Forever ko kung pang internal life ko ;) Kaya Kahit buhay ko ang kapalit kaya Kong ibigay makapiling ko lang sya Habang buhay . :)

He's my Forever.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon