Agreement - 16

34 2 0
                                    

James's POV

Pag alis nila ay umakyat na ako para hanapin ung susi ng motor ..

Agad ko namang nakita at bumaba na ako ...

Sir kakain po ba kayo ? - manang

Hindi na ho - sabi ko at lumabas na

Sumakay ako sa motor at pinuntahan ko na yung address na ibinigay saakin ni claire

Pag dating ko ay medjo nakakatakot yung lugar parang abandonadong gusali ..

Tok! Tok! Tao pooo... - sigaw ko at my nag bukas saakin

Anong kailangan mo ?! - tanong nung lalake at yung boses nya nakakatakot parang galing sa hukay

Ahh .. Anjan po ba si Mr. Mariano ? - tanong ko

Bakit anong kailangan mo kay
Don Mariano ?! - lalaki

Pinapunta po ako dito ni claire ? - ako

Paano ako makakasigurong si claire ang nagpapapunta sayo dito? - lalaki at inabot ko yung calling card na ibinigay sakin ni claire

Ahh si maam claire pala ..
Alika pumasok ka .. - sabi nung lalaki at pumasok na ako

Biglang umalumanay yung boses nung moko nato nalaman lang na si claire nag papunta sakin dito ..
Sino ba si claire ?

Pag dating namin sa lalaking nakaupo na nakatalikod saamin ay lumapit yung lalaki at bumulong

Sya na siguro si Don Mariano ..

At nung inilibot ko yung tingin ko sa paligid napaka daming armadong lalaki ..

Biglang tumayo yung lalaki kaya napatingin ako at humarap sakin ..

Bakit !! Anong nangyari kay claire?!! - Don mariano at mas nakakatakot yung boses nya ..

Ahh.. Ehh.. Nasa presinto po kasi sya .. - ako

Anong presinto !! - Don mariano

Ehhh.. Hi.hindi ko natanong bigla po kasi sumama kaagad si claire .. - ako

Hindi na sya nag salita at inilahad nya yung kamay nya sabay my inabot naman na cellphone yung isa pang lalaking armado

( Don Mariano habang my kausap sa cellphone )

Hello claire anong presinto yan ? - sabi ni don mariano kay claire sa cellphone

Ok sige ..
Ibigay mo ung cellphone mo sa hepe nila kakausapin ko .. - sabi ulit ni don mariano kay claire sa cellphone

Hello hepe ..
Pwede bang arborin ko nalang si claire mariano ..

Ok salamat ..

Ok sige ..

At ibinaba na ni Don Mariano yung tawag at inabot ulit sa lalaki ung cellphone

Hintayin mo daw dito si claire - don mariano

Ok po .. - ako

Hindi na sya sumagot at umalis na

Nakaupo ako ngayun dto sa gilid habang hinihintay si claire

At pamaya maya ay dumating na si claire kaya tumayo ako ..

Hi baby ..
I told you hindi ako makukulong e ..
- sabi ni claire sabay pulupot ng kamay nya sa leeg ko

Oo nga e ..
Kaano ano mo pala si Don Mariano? - ako

Ahh .. Daddy ko sya .. - sabi ni claire sabay ngiti ..

Maam Claire tawag po kayu ng papa mo .. - lalaki

Ok susunod na ako - sabi ni claire habang nakakapit padin sa leeg ko parang linta naman tong babae na to

Ok po .. - lalaki

Baby sandali lang ahh - sabi ni claire sakin sabay halik at pumunta na sya kung nasan yung daddy nya

Pamaya maya ulit ay ako naman ang tinawag ..

James .. Sumunod ka sakin .. - sabi sakin nung lalake at sumunod naman ako ..
Kilala nya ako ?
Ahh baka sinabi ni claire ..

The AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon