Intro: Will Time Heal All Wounds?

219 8 0
                                    

Kapag past na ang pinag-uusapan, may tatlong kategorya ng tao:

Una, ang mga taong walang past. Sila yung mga hindi na naalala ang past nila kasi either may sakit silang Alzheimer, o nasa mental na sila ngayon, o nasa ilalim na sila ng lupa at naghihintay ng resurrection of life. Ang good news, dumarami na sila. Ang mga taong may total freedom from the past. Masaya ako para sa kanila kasi hindi na nila kailangan basahin ang librong ito. Naka-menos gastos na sila, time-saver pa.

Hindi para sa kanila ang librong ito.

Pero marahil ikaw yung pangalawang klase: Yung nabubuhay sa kanilang past. Kung ikaw ang taong ito, hindi para sa iyo ang librong ito. Kasi tanga ka. Wala ka naming matutunan dito kasi matigas yang ulo mo. And I doubt na ma-comprehend ng isipan mo ang mga pag-uusapan dito. Dahil puso naman ang sinusunod mo. At alam naman natin na unique ang anatomy mo: Kapag gumagana ang puso mo, nasa comatose state ang isip mo. Kaya ang maipapayo ko sayo, ibaba mo itong librong ito, kumuha ka ng libro ni Agoncillo tungkol sa Philippine History. At sa dulong pahina, yung parte na after the author, yung pahina sa dulo ng libro na dino-drawingan ng mga estudyante, isulat mo ang kwento mo dun. Kasi parte ka na ng history! You life is a history and history is your life.

Gusto kitang i-congratulate sa iyong pamumuhay sa history. Kahanay mo na si Magellan, Gomburza, at ang libu-libong bayaning namatay sa kasaysayan. Kasi isa kang kasaysayan. Ikaw ang nagpatunay ng katagang, "History repeats itself." At marahil sa kakarepeat mo sa pagkakamali mo sa pag-ibig, mas marami pang parte ng buhay mo ang nasugatan kesa sa bilang ng sugat ni Lapu-lapu nung nakipaglaban siya when the Philippine Archepelago was discovered by Magellan noong March 17, 1521.

Wala kang past life kasi your life is a total past. At lilipasan ka ng panahon. Puputi ang buhok mo, mauubos ang ngipin sa gilagid mo, kukulubot ang balat mo, pero one thing will remain the same: hindi ka na makaka-move on! Alam mo yan.! Dahil wala namang imo-move on sa iyo dahil yung mga ex mo na parte ng iyong nakaaan, gusto mo sila balik-balikan for some unknown reason.

People in the second category have misplaced reality. Di nila alam yung kahapon at ngayon. Dahil lahat na lang, kahapon. Naniniwala sila na bilog ang mundo kaya magpapaikot-ikot lang tulad ng buhay mo.

Kung natatawa ka, it's either may kilala kang ganito. Or worse, ikaw na ito! Theme song ng buhay mo ang Yesteday kasi doon ka lang nabubuhay. Mukhang mauubos na ang Beatles pero auto-rewind ang Yesterday ng buhay mo. Ikaw ang dahilan kaya immortal ang kantang ito. At bago ko pa makalimutan, may tagalog theme song ka rin, ang "Sana Maulit Muli."

I also have one bad news for these kind of people, gusto ng mga kaibigan mo na ipabaril ka sa Luneta after Rizal. Kasi pauilit-ulit na lang yang katangahan mo sa pag-ibig. Maawa ka naman sa OFW, sila ang bagong bayani, hindi ikaw. Maubos man ang Hopia sa Ongpin, ikaw Hopia ka pa rin.

At kung ikaw ang tao sa pangalawang kategorya, ibaba mo na ang librong ito. Hindi ito para sa iyo. Larga na at gumawa ka ulit ng history mo na alam kong katulad rin yan ng dati.

Buti na lang may pangatlo.

Ang pangatlong kategorya ng tao when it pertains to the past ay ang mga taong nabubuhay sa ngayon pero naapektuhan pa rin ng kanilang kahapon. Sila yung mga taong paggising sa umaga, ang una nilang ginagawa ay tumingin sa orasan para itanong sa kanilang sarili, "anong oras ba yung time heals all wounds?"

Sila yung mga taong nagmahal pero nasugatan, nasaktan at bumangon. Kaso nga lang, parang Walking Dead ang past nila, dahan-dahang bumabalik sa kanilang present and it's trying to suck the life out of it.

Di ba nakaka-fed up naman talaga ang mga salitang: ex, trust-issue, unforgiveness, bitter, jelousy, galit? Nakakapagod na rin yung salitang laging sinasagot sa iyo, "Wala akong ginagawang masama." Na para bang ang isipian mo ang author ng lahat ng kasamaan sa mundo.

Maraming panahon ka nang umiyak noon, pero pinipilit mong mag-move on dahil alam mo na may malaking plano sa buhay mo si God. At alam mo ring lahat ng bagay sa buhay mo ay may purpose (although minsan di mo rin matukoy kung ano yun).

You are fed up and you are trying your very best na huwag maapektuhan ng nakaraan. You are done with the past trying to ruin your relationships today. You want to render your past powerless against you.

At kung ikaw ay taong nasa pangatlong kategorya, para sa iyo ang librong ito. Dahil ako ay tulad mo. Gusto natin ng total freedom in the past. Gusto natin malaman kung ano ang tunay na pagpapatawad sa sarili at pagtanggap sa nakalipas ng iba. Gusto natin malaman kung pano tayo maapektuhan ng ating kahapon sa magandang paraan. Yung hindi tayo nagiging bitter, kundi better. Para sa iyo ang librong ito.

Move on na tayo.

The POWER to MOVE ONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon