Ako nga pala si Jinett Anne Fernandez.16 taong gulang. At may kababata ako. Si Jasper Michael Arceño. Matagal na kong may itinatagong lihim na pagtingin sa kanya.
Hindi ko maamin sa kanya ang nararamdaman ko kasi natatakot ako na masira yung kung anong meron kami ngayon.Mahal ko siya at lalong mahal niya ako kaso yung pagmamahal niya sa akin hanggang nakakabatang kapatid lang.
Super close kami as in parang magboyfriend na kami. Pero hindi sapat yun, kasi may iba siyang gusto.Ngalang hindi niya sabihin kung sino. At alam kong hindi ako yun. It just can't be me.
Nakahiga ako ngayon dito sa may bench ng school namin. Mag isa lang ako ng biglang may lumapit sa akin. Tiningnan ko siya. Si Jasper pala.
"Eto oh" bigla niyang hinagis ang isang libro
"The Legend of the Red Thread?" napatingin ako sa kanya
"Basahin mo ha! Dapat matapos mo yan hanggang bukas.. Sabihin mo sa akin pag malapit ka na sa dulo ha? Dapat matapos mo yan" sabi niya habang nakangiti sa akin, grabe ang gwapo niya talaga!
"Oo na, sabi mo eh?" pagkatapos nun ay umalis na siya
Pag uwi ko ay sinimulan ko na ang pagbabasa ng librong binigay sa akin ni Jasper.
Tungkol ito sa isang babae at lalake na nakatadhana para sa isa't isa at ang nagkokonekta sa hinliliit nila ay isang pulang sinulid.
Maganda siya, simula pa lang di mo na kayang itigil.
Di ko na napansin ang oras at dalawang pages na lang tapos ko na ang libro binigay sa akin ni Jasper. It's already 12 in the midnight. Tinext ko siya.
To: Jasper
2 pages na lang tapos ko na! ;)
From: Jinett
Nakahiga na ko ng biglang nagring yung phone ko
From: Jasper
Ayaw ko nang maging kaibigan ka.
To: Jinett
Syempre nagulat ako sa tinext niya. Mabilis akong nagreplay sa kanya.
To: Jasper
Bakit?:(
From: Me
Ngunit hindi niya ko nireplyan.
Pagkapasok ko sa school ay siya agad ang hinanap ko ngunit nalaman ko na lang na wala na pala siya dito sa Pilipinas, he go to States and worst I'm not sure kung babalik pa siya.
Nanlambot ang mga tuhod ko. Ang tanga ko. Bakit di ko ba sinabi agad? Bakit ba ang hina ko? Bakit ba sinayang ko yung panahon?
Umiiyak na ko ng biglang maisip ko na kung sinabi ko ba sa kanyang mahal ko siya, di ba siya aalis? Tatanggapin niya ba yung pag ibig ko?
Nalungkot lalo ako, napagtanto ko na it won't stop him. Kasi kahit baliktarin man ang mundo, I'm just his childhood friend at hanggang dun lang yun.
Pag uwi ko sa bahay, umupo ako sa tabi ng kama ko. Nakita ko yung binigay niyang libro sa akin at dahil sa inis ko itinapon ko yun sa kung saan.
Simula nun hindi ko na nakita pa si Jasper. Naputol na rin ang komunikasyon namin.Ten years passed and I think I moved on.
Isa na kong sikat na novelist ngayon.
Pauwi na ko sa apartment ko ng biglang may nakita akong kotseng nakapark sa harap ng apartment ko.Pumasok ako sa loob at doon ko nakitang bukas ang pinto ng apartment ko. Dali dali akong umakyat. Pagdating ko sa sala ko ay nagulat ako.
Si Jasper
Napako yung paa ko sa sahig na inaapakan ko.
"It's been a while, Jin?" sabi niya sa akin habang diretsong diretso ang tingin niya sa akin.
My body reacted to his voice. Tinatraydor ako ng sarili kong katawan. I fell on my knees.
Hindi ko mapigilan
His face
His voice
His scent
It's been ten years pero feeling ko walang nagbago. Siya pa rin yung Jasper na minahal ko. Akala ko nakamoved on na ko. Yun pala hindi pa.
"Ano ginagawa mo dito?" sabi ko
"Do you remember this?" pagkatapos nun ay itinaas niya ang isang libro
It's familiar.
Alam ko na! Yun yung librong itinapon ko dati. The Legend of the Red Thread.
"Paano napunta yan sa iyo! I already threw it ten years ago." sabi ko
"It's not necessary, I will leave this book to you, babalik na rin ako ngayon sa States. Nasasayo na kung nais mo pang taposin ang pagbabasa dito. I gotta go, 5 pm pa ang flight ko" sabi niya tapos ibinaba niya ang libro sa mesa sabay labas sa apartment ko
Its been ten years pero yun lang ang sinabi niya sa akin. Ang tapusin ko ang pagbabasa sa librong yun. I suffer for ten years dahil nawala na lang siya ng parang bula. Tapos bigla siyang babalik para lang sa librong ito.He's an idiot!
Kinuha ko yung libro at binasa ito. I was almost at the last chapter, isang buklat na lang. Pagbuklat ko ay nagulat ako
Picture namin ni Jasper ang nasa huli. It was taken when we first met.
May nakasulat sa baba nito.
Dear Jin,
Alam mo bang walang dulo ang kwentong ito, Jin, because they lived forever. Para sila sa isa't isa kaya walang makakapaghiwalay sa kanila.Unang nabasa ko itong kwentong ito, I thought parang ako at ikaw yung tauhan sa kwento. There's a thread connecting us Jin. I always try to protect that thread pero ngayon hindi ko na kaya. I'm flying to States right now. Im sorry. Kasi hindi ko naprotektahan yung nag iisang nag uugnay sa atin. I can't be your man.Patawad kasi wala akong magawa. Patawad kasi ang tanga ko. At higit sa lahat patawad kasi minahal kita!
Jasper
Naiyak ako. All this time pala, hindi lang ako ang nahihirapan. Bakit ba ang bobo ko?
Tiningnan ko yung orasan ko, its only 2 minutes before 5!
I recklessly run to my door. It's been ten years at di ko hahayaan may masayang pang panahon. Malapit na ko sa pinto at pagbukas ko ng pinto laking gulat ko ng makita ko siyang nakatayo sa harap na pinto ko.
"J-Jasper? A-akala ko-" nagulat ako ng niyakap niya ko
"I've been waiting for you! Sampung taon na ang lumipas pero parang walang nagbago." niyakap ko siya pabalik
Ang tagal ko hinintay ang pagkakataong ito. At sa wakas heto na yun.
"I miss you!" sabi niya
"I miss you too!" sabi ko
"Natatandaan mo pa ba dati, sinabi ko sa iyo na ayaw na kitang maging kaibigan?" sabi niya habang nakangiti
"OO nnaman! Hindi ko yun makakalimutan!" sabi ko
"Nais ko sana sabihin uli sa yo yun?" sabi niya
"Bakit?" tanong ko
"Ayaw na kita maging kaibigan kasi alam ko ng nakatadhana ka na sa akin" sabi niya sabay kuha ng kamay ko
"Jinett, will you be with me forever?" sabi niya
"Of course!" nakangiti kong sabi sa kanya
Pero nagulat ako na kaysa singsing ang ilagay niya sa kamay ko ay sinulid na pula ang itinali niya sa hinliliit ko tapos itinali niya yung dulo sa hinliliit niya
"Ano ito?" tanong ko
"It's our connection to forever-" ngumiti siya sa akin "- The Legend of the Red Thread!"
THE END--------
BINABASA MO ANG
The Legend of the Red Thread (One Shot)
Teen FictionIs there really a happy ever after?