Chapter 56 (part 2)

2.9K 58 2
                                    

Third Person's PoV

Humarang si James kina Charlene para hindi ituloy ni Bianca ang pagbaril kay Charlene. Nagmamakaawa rin ito na itigil na ang ginagawa ng Ate niya.

"Ate please... 'Wag mo ng ituloy yang gagawin mo, just let go of Kuya Raineer and his wife. Please!"

"JAMES ANDREW UMALIS KA DIYAN KUNG AYAW MONG PATI IKAW AY MASAKTAN DITO!!"

Hindi pinakinggan ni James ang Ate niya, hindi siya umalis pero unti-unti itong naglakad palapit sa Ate niya.

"Ate... Sige na. Lumayo nalang tayo dito, kung gusto mo bumalik nalang tayo ng States. Dalawa lang tayo doon, wala si Daddy na mangingialam sa'yo. Sasamahan kita kahit saan mo gusto basta tigilan mo na 'to... Paalisin mo na sila Kuya Raineer. Ate please!" at lumapit pa ng lumapit si James hanggang sa magkatapat na sila ng ate niya.

Tahimik lang si Bianca habang nakatutok ang baril sa kapatid niyang si James. Unti-unti na ring pumapatak ang mga luha ni Bianca. Gusto man niyang sumama nalang kay James pero naisip niya paano ang pinakamamahal niyang si Raineer kung aalis siya ng hindi kasama ito.

Umiling si Bianca at umatras... "TUMABI KA DIYAN JAMES!!" Sigaw niya sa kapatid niya. Natatakot na si James sa pwedeng gawin ng Ate niya sa kanya pero hindi niya ito pinapahalata. Imbis na umalis ay lumapit pa siya sa ate niya.

"B-Bianca ibaba mo yang baril mo baka madamay ang kapatid mo..."

Lumingon siya sa tumawag na si Cindy... "ISA KA RIN! TUMAHIMIK KA DIY----" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang agawin ni James ang baril niya, nagulat ang lahat sa ginawa ni James kaya naman mabilis na tumakbo si Raineer palapit sa kanila upang sapilitang agawin kay Bianca ang baril na hawak niya bago pa man ito maiputok sa kung kanino sa kanila.

"Bianca tama na!!"

"Bitawan niyo ko!!!"

"Ate!!"

Hindi na napigilang mapaiyak ni Charlene at Cindy sa sobrang kaba na baka maiputok ni Bianca ang baril kina Raineer.

"Raineer!" Umiiyak na sabi ni Charlene habang pinipigilan siya nila Nanami at Jhaz na tumakbo papunta sa gawi nila Bianca.

"Ate Cha----" / "CHARLENE!!!" Hindi na naituloy ni Nanami ang pagtawag sa ate niya na nakawala sa pagkakahawak nila at tumakbo palapit kina Raineer nang bigla nalang...

*BANG!!


"Raineer..."

***********

Jhaz's PoV

Nakaakbay ako kay Nanami habang umiiyak siya. Matapos kasi ang nangyari sa sementeryo kanina ay isinugod namin sa malapit na hospital si Charlene at si James. Tulala kaming lahat dito sa labas ng operating room kasama ang Mommy ni James, ang asawa naman nito ay sinamahan si Bianca sa Police Station, nandoon din ngayon si Tito Rene kasama nila. Si Raineer naman at ang Mommy niya ay nasa Emergency Room para bantayan si Charlene.

Ang pagmamahal ni Bianca kay Raineer ay hindi tama, umabot pa ito sa ganitong sitwasyon. Sa ginawa niya ay napahamak pa ang bunso niyang kapatid, hindi lang siya ang apiktado kundi lahat kami dito.

Mabuti nalang at hindi humantong sa ganito noong si Nanami ang nagloko. Oo, alam ko ang tungkol sa ginawa niya, sa panloloko niya. Alam ko ang lahat, yung nangyari sa club, yung sa condo namin nong pumunta si Raineer, lahat... Dahil si Nanami na rin mismo ang nagsabi sa akin. Mabuti nalang at hindi humantong sa ganito ang pagkagusto niya kay Raineer. Ewan ko ba kung bakit ang daming baliw na baliw kay Raineer e samantalang mas gwapo naman ako sa kanya. Tss.

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon