the lion's den

7 0 0
                                    

Hindi na niya napansin na nakarating na pala sila sa parking lot ng nasabing restaurant.

Akalain mo nga naman,sa isang iglap lang ang taong iniiwasan mo ng mahabang panahon ay siya pang malakas ang loob upang magalit sayo. Baliktad na ba talaga ang mundo?

Ang kapal ng mukha ng lalaking ito. Pinipilit niyang hilahin ang kamay niyang hila hila nito ngunit lalo lamang itong humihigpit. Wala na ba siyang magagawa para matakasan ang taong ito.

"bitiwan mo ko,ano ba?" muli niyang binawi ang kamay mula rito ngunit wala pa rin.

"not this time woman" Russel

Hindi na niya namalayan na bigla na lang ito tumigil kaya napasubsub siya sa likod nito.

"ngayon naman bigla kang titigil, siraulo ka ba? Bitiwan mo na nga ako. Uuwi na ko samin. Kalokohan lang ang party na to"

"shut up will you" Russel. "ang sakit sa tinga ng boses mo" tiningnan siya nito na parang kakainin siya ng buhay.

Wala siyang nagawa kung hindi ang manahimik na lang. Nakakatakot siya,kahit naman ganito ako na masalita marunong pa rin naman ako matakot. Lalo na kung siya ang nagsabi,siguro sa dahilang alam ko ang kaya at pwede niyang gawin.

May nilapitan siyang sasakyan,maganda ito ngunit di ko alam kung anong brand o model ito. Alam niyo naman siguro na mahirap lang ako kaya wala akong alam sa mga ganyan. Ok na sakin na alam ko na pwede siyang sakyan at safe naman ok na sakin yun.

"what are you waiting for?"nakakunot na tanong nito sakin. Ito ang nakapagpabalik sa pagliliwaliw ng utak ko sa kung saan mang lupalop ng mundo.

"ayoko,hindi ako sasama sayo,"

"wag mo ko subukan,alam mo ang kaya kong gawin"Russel.

"owss yan lang naman ang kaya mo di ba?ang mamilit ng mga taong ayaw naman sayo. Kailan ka ba titigil?pinagtaguan na nga kita ng matagal na panahon,pilit mo pa ring isinisik sik ang sarili mo."

Hindi niya ako sinagot ngunit walang sasabi-sabing tinulak niya ako paupo sa passenger seat. Napakawalang kwenta talaga ng taong ito. Sabagay wala namang pagkukunan ng kabutihan ang isang ito.

Ito na rin ang nagkabit ng seat belt ko bago nito isinara ang pinto, bago ito umikot pa punta sa drivers seat. Sinamantala ko ito upang makatakas. Natangal ko na ang seat belt ko ngunit ng bubuksan ko na sana ang pinto ay nakasakay na ito at nahawakan na ako sa aking braso.

"not this time Nicolle, tama na yung limang taon na binigay ko sayo upang magawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin, but now, you are under my control." Russel.

Sino ito para magdecide ng mga bagay na mangyayari sa akin. Buhay ko ito at wala siyang pakialam kung ano ang gawin ko sa buhay ko.

" in your dreams Mr. Salazar"

"oh!! I love to try that Mrs. Salazar, bear in that little mind of yours that you are my wife and i have all the rights to control you" Russel.

" sa papel lang tayo kasal Russel,at baka nakakalimutan mo, you blackmailed me para lang makasal tayo"

"sorry sweety,but wether you like it or not we are married. Your my wife and no one can change that" Russel.

Wala akong maibatong salita sa kanya. Alam kong hawak niya pa rin ako dahil sa nangyari 10 years ago.

Pagkatapos ng mahabang katahimikan saka pa lang niya binuhay ang makina ng sasakyan.

"wear your seatbelt"mahina nitong sabi. Yung totoo?bipolar ba itong lalaking to? Sinunod ko na lang ito kahit pa labag ito sa aking kalooban.

Sa loob ng kalahating oras na byahe pumasok ang sinasakyan namin sa isang subdivision. Nadagdagan ang kaba ko ng sumaludo sa kanya yung guard sa gate ng subdivision.Hindi ko na namalayan kung saan kami dumaan. Ngayon lang ako nakarating dito. Nagbyahe pa kami ng limang minuto bago ito bumusina sa tapat ng gate na may mataas na bakod. Hindi ko kita ang nasa loob nito kaya mas lalong nadagdagan ang nararamdaman kong kaba.


In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon