Wishane Perez

171 20 15
                                    

Please Come Back
Written by DaydreamerStarr
  
  

“Josh, promise masasapak na kita.” reklamo ko habang nakahawak sa laylayan ng uniform niya.

Narinig ko ang paghalakhak niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napadaing siya sa sakit.

“Aray ko, Wishane, ha. Kumalma ka lang kasi.” He replied. “Wag ka kasing maexcite.”

I grunted. “Sino ang excited?!”

But I just heard him chuckle. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko pero ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko.

I can’t believe he’s selling me to whomever the mastermind of this.

“May hagdan, dahan-dahan ka.” he instructed.

“Eh, bakit pa kasi ako may piring?” reklamo ko at dahan-dahang bumababa sa hagdan.

Bawat hakbang, dumadagdag ang kaba ko sa dibdib ko. I know someone will surprise me to confess and this jerk is helping whoever that is. I just can't help myself to calm down. Wala akong ideya kung sino ang maaaring nasa likod na ‘to and Joshua is not giving me any hints.

After a few minutes, huminto kami sa paglalakad at nawala ang mga kamay ni Joshua sa mga balikat ko. I mentally rolled my eyes and heaved a sigh.

A song suddenly played, it was “Captivated” by IV of Spades. I stiffened and slowly removed the cover in my eyes.

Sumalubong sa’kin ang maraming taong nakapalibot habang may hawak na bulaklak. I was in the middle, and in front of me were a group of boys singing to the song's lyrics. I even spotted Joshua there.

Kumunot ang noo ko. Teka, sino sa kanila?

One by one, binibigay sa’kin ang mga bulaklak habang nagpapatuloy kumanta ang mga lalaki sa harap ko. When the last flower was given to me, biglang humawi ang mga lalaki sa gitna, only to leave Joshua in the middle.

Napatigil ako at napatingin kay Joshua na may hawak ng mic at kinakanta ang chorus ng kanta. Pawis na pawis siya pero nakangiti siya habang unti-unting lumalapit sa'kin.

What the heck is happening?

Tumingin ako sa paligid at lahat sila ay nakangiti habang nakatingin sa direksyon namin.

No, Joshua is not the one behind this, right?

Pero unti-unti pa rin siyang humahakbang palapit sa'kin habang kumakanta. Padagdag ng padagdag ang kabang nararamdaman ko habang kumikirot ang dibdib ko habang tinititigan siya. Iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa mga bulaklak na hawak ko.

He’s my best friend. Joshua is my best friend. Hanggang do’n lang, hanggang kaibigan.

“I love you, I really do.” He sang the last line in the chorus as he stopped in front of me.

“Wish.” he called. “I know you're probably confused right now. Pero...”

Napataas ang tingin ko at nagtagpo ang tingin namin. That's when I realized... the way he looks at me is different. Kumirot bigla ang dibdib ko.

“Gusto kita, matagal na.” he added, sincerity is evident in his voice.

Napaiwas ulit ako ng tingin at itinuon ang mata sa mga bulaklak na hawak ko. My chest tightened.

“And I want to tell you so bad bago pa ko maunahan.”

Pumikit ako ng mariin at pagkadilat ko ay nagkasalubong kami ng tingin dahil nakaluhod siya. His confidence is not the same as before, siguro dahil nakikita niya ang ekspresyon ko.

Please come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon