Chapter III

98 5 1
                                    

Yugyeom's P.O.V

Hays. Ang tahimik dito sa sala. Lahat sila may kanyang kanyang ginagawa. Yung iba, nagccellphone. Nagbabasa. Nagttext. At kung ano ano pa.

"Gyeom." Nagulat ako nung tinawag ako ni Dad.

"Oh?"

"Pumunta kayong Namsan. Hanapin nyo yung dalawa. Baka kung anong kalokohan ang gawin nung dalawa. Mahirap na. Ikakasal sila ni Jackson bukas." Ano?

"Paano sila nakarating dun?" Tanong ko.

"Syempre gamit ng kotse. Alangan magbangka sila mula dito hanggang Namsan." Okay. Barado ako dun -.-

"E. Hayaan mo nalang sila Dad. Matanda na yung dalawa." Sabi ko.

"Oo nga Tito. Alam mo namang mahirap pigilan yung dalawa." Sabi ni Sky habang nakikipagtext sa boyfriend nya.

"Puntahan nyo na. Nakita sila ng mga tauhan ko sa tapat ng bar. Baka mag-inom pa ang dalawa. At umuwi ng lasing at maaksidente sa daan." Agad akong napatayo nung narinig ko ang huling salita ni Dad.

"Tito. Hahaha. Wag kang magbiro ng ganyan. Hindi na nagiinom si Mark hyung." Sabi ni JB hyung.

"Ah. Ganon? Ayaw nyong maniwala?" Tanong ni Dad kaya tumango kami. "Oh." Agad inabot ni Dad yung phone nya.

"Geez. Anong gagawin nila sa bar?" Tanong ni Bambam.

"Magsswimming." Sagot ko.

"Puntahan nyo na. Kayong ang malalagot pag hindi nyo naibalik ang dalawa." Banta ni Dad.

"Dad. Kaya na nila. Hindi sila maaaksidente. Promise." Sabi ko

"Please Gyeom." Sabi ni Dad.

"Fine. Tara na guys." Aya ko saka kami naglakad palabas ng bahay.

"Wait. Jackson." Napatigil kami nung tinawag ni Dad si Jackson hyung kaya napalingon kami.

"Ang daming Jackson ah."

(-.-)

Edi wow Dad.

"Jackson. Enjoy this night. Huling araw mo na ito as single." Sabi ni Dad.

"Opo Papa. Ieenjoy ko po itong gabi. Sayang ng kagwapuhan ko kung hindi." Psh. Ang hangin.

"Tara na nga. Nagpapalaganap nanaman si Jackson ng kakapalan ng mukha." Sabi ni JB hyung kaya sumunod na kami sa kanya.

"Ang sama sama mo!" Sigaw na sabi ni Jackson hyung.

"Guys. Paiwan nalang kaming apat." Napatingin kami sa nagsalita.

"No Miyuki. Sasama kayo. Nakakabugnot kaya dito." Sabi ni Bambam.

"Eh. Hindi na talaga. Magpapaiwan kami dito." Sabi ni Ali.

"Edi. Magpapaiwan kami ni Bambam dito. Samahan nalang namin kayong apat maghintay dito." Sabi ni Jinyoung hyung.

"Hindi pwede mga hyung. Imposibleng makabalik agad kami. Mas mabuti pang sumama na kayo. Baka madaling araw na kami makauwi." Sabi ko.

"Oo nga. Parehas na gala yung dalawa kaya mas mabuting sumama kayo." Sabi ni Irene noona.

"Sige na nga." Pagpapayag ni Aira noona.

Umalis nalang kami si Sky saka dumiretso sa CV na ginamit namin kanina.

I'm Mrs. Wang [ ON-GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon