6:00 AM
" sweet morning fish! have a great day..see you later baby..iloveyou :** "
Iyan ang pinakauna kong text message sa kanya ngayong araw. Alam ko tulog pa siya kaya naman mababasa na lang niya ito pag nagising na siya.
Kailangan ko nang magprepare. Monday na kaya naman busy na naman kami sa studio mamaya dahil ngayon na ang deadline ng project na ginagawa namin ng team ko.
8:00 AM, Snap Animation Studio
"Mikhail! Thank God you're now here!" sabi ni Rei.
"Oh bakit?"
"Jonathan's in big trouble dude!"
"Why?"
* * *
"Sir sorry! Hindi ko po sinasadyang makalimutang i-save yung last scene para sa last episode ng Forever mates! Sir sorry talaga!" paliwanag ni Jonathan.
"Jonathan, Jonathan . . . Jo-na-THAN!!! Today is the deadline you know that, right? And you also know that it should be finalized at exactly 9 o' clock!" sigaw ko sa kanya.
Bakas sa mukha ni Jonathan ang takot. Ngayon ko lang kasi siya napagalitan ng ganito eh. Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.
*cellphone rings . . .
"Hello?!" pabulyaw kong sabi.
"Galit ka?"
Putik si Casadee pala! "a . . b . . baby!" sabi ko nang may paglalambing, "How are you?"
"Kung mainit ang ulo mo mamaya na lang ako tatawag." Sabay patay niya ng phone.
Shit! Galit na naman yun sakin! Cas, not now please!
"Sir!" Napalingon ako sa kung sino ang tumawag sakin.
"Sir! extended po yung deadline ng project kasi made-delay daw po yung airing ng last episode ng Forever mates! Katatawag lang po ng Snap Animation Studio France kaya huwag niyo na ho katayin si Jonathan!"
BINABASA MO ANG
The Opposite Phenomenon
Romancelikas sa babae ang maging mapagpasensya sa lalakeng kanilang minamahal. ngunit kabaliktaran naman ito sa relasyong mayroon sina Mikhail at Casadee. ito ang pinaghalo halong kwento ng pagtitiis, pagpapasensya, katatawanan, pagkakamali at tunay na pag...