"Hi, Hon! Good morning!"
"HON MO MUKHA MO!" Buseet.
Peste talaga. Eto na naman si Andrew. Ang hilig talaga akong pag-tripan ng unggoy na to eh! >______<
Umupo sya sa tabi ko, "Bat ba ang sweet mo sa'kin?"
"Leche! Tantanan mo ako, ha! Maaga pa pero sinisira mo na ang araw ko."
"Ganyan kasi ako ka-special. Ako lang nakakagawa nyan sa'yo. O diba ang galing ko?" ^______^
"Lumayas ka sa harap ko! Isa kang malaking distraction, alam mo yun?"
"Ano? Ako ang iyong dakilang inspiration? Why thank you!" and he laughed.
"Feelingero much?"
"Affected much, sweetheart?"
I sighed impatiently, "What do you want this time?!"
"You." I gave him a death glare, "Este, your book. May I borrow it? Hehe~"
Sabi na nga ba! May kailangan na naman kaya lumalapit na naman sa akin.
Kinuha ko sa bag ang libro ko and I lended it to him para manahimik na sya at lubayan na ako.
"Thanks, Babe." and he pinched my right cheek.
And with that, I blushed. (_ _) Ang dami nyang endearments sa akin. Ni hindi nga kami!!! Mabuti na lang at dumating na din ang Prof namin kaya bumalik na sya sa upuan nya.
ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA NYA! Akala nya apektado ako sa ginagawa nya? Akala nya crush ko sya mula first year hanggang ngayong graduating na kami? Akala nya nahuhumaling ako sa kanya? Akala nya isa ako sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya?
HUH!
Pwes manigas sya! HINDI KO SYA GUSTO!
At yun din ang akala ko. T_____T
Err~ Okay fine. Oo na! May gusto na ako kay Andrew. So what? Hindi lang naman ako nag-iisa. Marami kami. HAHAHA~
Pero syempre, nunca kong sasabihin yun sa kanya. Duh! Kaw kaya! Try mong mag-confess ng feelings mo sa taong laging nang-aasar sa'yo? Tss!
"Oh."
Kinuha ko ang papel na inabot ng seatmate ko at walang lingon na pinasa ito sa likuran ko.
Eto na naman sila. Mga adik talaga. Gagawa at gagawa talaga ng paraan para maka-communicate sa isa't isa ng hindi nahuhuli ng aming guro.
Bawal kasing mag-ingay. Bawal ding gumamit ng kahit na anong gadgets kapag may klase kasi paniguradong mako-confiscate iyon kapag nahuli kami.
Kaya eto, sa simpleng pasahan na lang sila ng mensahe bumabawi.
Haay~ at ayun nga. As I said, hinding-hindi ako aamin sa kanya kahit na maging square man ang mundo, mabuhay man ulit si Poncio Pilato o maging kasinglaki man ng elepante ang mga kuto!! Ba--
*kublit kublit*
Maya maya pa ay may naramdaman akong kumablit sa balikat ko at nakangiting inabot ang papel na pinasa ko din kanina.
Epal naman oh! >_____< Nagmo-moment ako dito eh.
Kinuha ko iyon at pinasa sa taong nasa harap ko.
Mula kasi nung Freshmen pa lang kami ay lagi na akong inaasar nyang si Andrew. Hindi ko nga alam kung bakit ako ang napagti-tripan ng lalaking yan lagi. Mukha daw kasi akong bilog. Tanong ko nga, anong connect? Parang tanga lan--