1

15 1 0
                                    

A/N:

Unang-una sa lahat maraming salamat po at nagkaroon kayo ng time para basahin itong story ko.

Pangalawa, Maraming mas magagandang story po kaysa dito. Kaya po huwag masyadong magexpect nakakamamatay kasi iyon. SPG po itong story na ito kaya naman kung pabebe ka huwag munang basahin. Huwag munang ituloy ang pagbabasa.

Pangatlo, Baguhan lamang po ako kung kaya't pasensiya na kung sobrang dami ng mga errors. Hindi maiwasan.

Pang-apat, open po ako sa mga comments na pwedeng magamit ko para mapaganda ng kahit kaunti itong pangit na storya ko.

Ang mga sumusunod ay epekto ng pagkabagot ko sa buhay. Masyado na akong stress sa mga nangyayari kaya eto ang ginawa ko.

Ang mga pangalan at mga lugar ay nagkataon lamang po. Tulad nga ng sinabi ko epekto lang po ito ng pagkabagot ko.

At higit sa lahat makupad ang author kaya hindi madalas kung makapag-update. Kung hindi ka makapaghintay ayos lang sa akin.

.............................................................

1

"Makuha ka sa tingin." Walang emosyon kung sabi sa kaharap kong lalaking mukhang nalulong na sa sobrang kalasingan. At higit sa lahat mukha pang drug addict.

"Oh, come on, bar itong lugar na ito what do you expect here? Matino ang mga tao dito? Asa ka miss." Malokong banggit naman niya. Mas along nakakadiri ang paran ng pagsasalita niya.

"Wala akong panahon sayo." Akmang tatalikod na sana ako pero napigilan niya ko ng dahil sa paghawak niya sa braso ko. Nakaramdam ako ng kaunting sakit dahil diniinan niya ang paghawak dito. Pero hindi ko ito pinahalata. Kahit takot na takot na ako ay nanatili akong walang emosyon pero halos sumabog na ang dibdib ko sa kaba. Na saan na nga ba ang mga bouncer dito. Ngayon ko pa naman sila kailangan sakto pang wala sila. Inilibot ko ang aking paningin halos lahat ay may mga milagrong ginagawa na. Halos sa lahat ng mga gilid ay may makikita kang nagmimake-out. Hindi naman na ito bago sa akin pero itong kaharap ko ang bago sa paningin ko. May isang ganitong nilalang palang nilikha ang diyos.

Ang totoo sobrang pangit niya kasi kaya naman wala akong pakialam sa kanya kung ano man ang gusto niyang sabihin. Okay sana kung gwapo siya eh kaso hindi kaya para saan pa ang pag-aaksaya ng oras sakanya.

Ang gusto ko lang ngayon ay umuwi na. Pero mukhang hindi ko ito magagawa.

"Huwag ka ng magpakipot miss beautiful..." hindi na niya natuloy ang sinasabi niya dahil sinapak ko na siya. Napangiwi naman siya dahil sa suntok. Marunong akong manuntok pero para sa mga ganitong eksena lamang iyon.

"Ayaw ko sanang gawin iyan, but you pushed me to the limit." Nakatitig lamang ako sa mga mata niyang kitang-kita ang pagkagulat. "Sayang..." pabitin kong sabi sakanya. Tinitigan ko siya sa mata.

"ANONG SAYANG?" Ngayon ay nakasigaw na siya sa akin. Sigurado akong gustong-gusto na niya akong sugudin dahil sa sobrang inis.

"Sayang kasi iyong natitirang makinis sayo ay may sugat na din ngayon ng dahil sa sugat." Tinignan ko kasi ang buong mukha niya at sa tantya ko ay basagulero ito at sanay na iyong mukha na laging nagugulpi. Napailing na lang ako sa naisip ko.

"Aba sinasagad mo talaga akong babae ka ha." Susuntukin niya sana ako pero inunahan ko na siya.

Booogsshhh....

"Ayaw mo kasing tumigil eh." Binuhos ko ang buong lakas ko sa suntok na iyon at pinatama ko sa ilong niya. Dahilan para mapabagsak siya. Hindi naman siya agad nakatayo. Naikuyom ko ang aking palad dahil sa sakit. Matigas ang mukha nito.

Clap... clap... clap...

Napalingon ako kung saan nagmumula ang palakpak. Nagulat naman ako dahil mula sa madilim na parte ay biglang may lumabas na isang lalaki. Isang hindi kilalang lalaki.

"I'm impressed. Akala ko madudungisan nanaman ang kamao ko ngayong gabi pero mukhang hindi na kailangan. Mabuti na lang mukhang bakal ang mukha nito miss." Tinitigan niya iyong lalaking hanggang ngayon ay namimilipit pa din sa sakit. Hawak pa din kasi niya iyong ilong niya. Agad din naman niyang hinawakan ang kamy kung nakayukom.

"Who are you?" binalingan ko ulit siya. Sa tindig pa lang niya mukhang may ibubuga siya. Mukhang basagulero pa.

"You don't need to know. Maybe sa susunod na lang kapag kinailangan mo na ang tulong ko. Pagdating mo sa bahay lagyan mo ng yelo ang kamay mo. Mukhang nalamog dahil sa suntok na binigay mo jan sa lalaking iyan." Ayon lang sinabi niya at saka tumalikod na.

"Bastos..." mahinang sabi ko. Kinakausap ko bigla na lang tumalikod. Tinignan ko ang aking kamay parang may naiwan pa ding init doon. Pakiramdam ko ay hawak pa din niya ang mga ito.

Inisip kong mabuti ang mukha niya. Alam kong nakita ko na ito dati pero hindi ko matandaan kung saan. Ang mukhang iyon.

Sumakay na ako sa kotse ko. Saka ko na lang iyon iisipin. Gusto ko na talagang umuwi.

A/N:

Basahing mabuti ang mga Author's note.

SPG?

Ewan kong ipost ko agad...

Comments po...

Votes din po...

At higit sa lahat share din para Masaya...

Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon