RAIN-A story of pain

12 2 0
                                    

A/N: Play the music while reading this.

This is a short story of love.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Umibig ako. Umibig ako sa taong di naman ako gusto. Umasa ako. Umasa ako na maibabalik nya ang nadurog kong puso. Bakit ganun? Mahirap bang mahalin ang katulad ko?

Noong nag-iisa ako, ikaw ang nasa tabi ko. Alam mo lahat ng nararamdaman ko. Sa tuwing malungkot ako, pinapawi mo to dahil walang araw na di mo ko pinapatawa.  Sa tagal na nating magkasama, di ko inaasahan na mahuhulog ako sayo. Hirap akong aminin sayo na baka mawala ka sakin. Tinago ko to ng matagal na panahon. Natatakot ako. Ayokong mag-isa. Hindi ko kaya. Pero dumating yung araw na.. di ko na kaya pang ilihim to. Umamin ako sayo. Umamin ako sayo na gusto kita. Na mahal kita. Pero di ko inaasahan ang mga sumunod mong sinabi.

"Hindi pwede. Im sorry." Ayan ang sinabi mo sakin na hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isipan ko. Bakit hindi pwede?

"May girlfriend nako." Ang sakit! Ang sakit malaman. Pero hinayaan ko lang to. Hinayaan ko lang na baka balang araw, magbago ang isip mo.

Lumipas ang ilang araw. Nagpasya kang umalis. Ayoko. Ayokong umalis ka. Paano ako? Hindi ko kayang mag-isa. Pero wala akong nagawa..

Walang araw na di kita inisip. Walang araw na hindi kita hinintay. I feel like I'm waiting to something that is'nt to happen.

Bakit kailangang mangyari to? Wala ba akong kwentang tao para mahalin mo?

Dumating yung araw na.. ikakasal kana. Hindi ako pumunta. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita ka sa altar kasama ang ibang babae.

Sa gitna ng ulan.. walang nakakita na umiiyak ako. Ayokong ipakita na mahina ako. Sayo lang ako naging mahina ng ganito.

People cry not because they're weak. Its because they've been strong for too long. Tama na, ayoko ng umiyak. Hindi naman maibabalik ng luha ko ang mga ala-alang ibinigay mo sakin. It's hard to forget the people who gave you so much to remember. Umasa ako sayo. Umasa ako sayo na sasabihin mong 'ako nalang'. Bakit hindi nalang ako?

"Im sorry." Yan ang huling salita na narinig ko sayo bago pumatak ang ulan. If you walk away, everyday it will rain.

Ako naman ang lumayo. Gusto kong kalimutan ka. Pero habang pinipilit ko.. lalong hindi ko magawa. Dahil walang araw na hindi ka laman ng puso't isip ko.  Tao lang ako. Tao lang ako na nasasaktan.

Paano kaba kalimutan? Why I can't forget you? Trying to forget someone you loved is like trying to remember someone you never knew.

-END-

RAIN (Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon