Simula sa conversation na yun. Parang nakakutob na sya kung sino yun.. so kinulit nya ang close friend ko hanggang sa fb hindi nya tinigilan
"Sino nga kasi yun, sabihin mo na sa akin. Kasi for sure gugustuhin din naman nya na malaman ko kung sino sya diba?" Pagpupumilit ng crush ko
"Eh hindi nga pwede magagalit sa akin yun kasi pinangunahan ko sya sa desisyon nya kung kelan sya magpapakilala sayo."
"Ganun? Pero aalis na ako ngayon march. Gusto ko lang talaga syang makilala kung sino sya." Nangungunsensya nya sa close friend ko
Napipilitan man sinabi na din nya kung sino ako "(patawarin mo ako sa gagawin ko pero para sa iyo din naman ang ginagawa ko eh) okey eto na nag sisimula sa letter M name nya."
"Sabihin mo na kasi kung anu real name nya."
"Mara"
"Ano last name?"
"Villa"
"Hala bakit mo sinabi sa akin."(pabirong sabi nya)
"Kinunsensya mo ako tapos sasabihin mo sa akin na sinabi ko sayo?"