1

25 2 0
                                    

Magaling kang sumayaw kaya ako nagka-crush sayo. Palagi kang nakatambay sa soccer field para mag-picture ng iba't-ibang tanawin. Minsan hinihiling ko na sana makuha mo ako sa pagpipicture mo at doon mo ako mapapansin, na nag-eexist din ako.

Lunch time, una kong nahawakan ang kamay mo. Akala ko kasi kamay iyon ng bestfriend ko kaya hinila ko. Magkaparehos kasi kayo ng kamay ni Tyler, ang besstfriend kong lalaki na saksi sa pagiging stalker ko. (Na magbakasyon sa LA)

Hiyang-hiya ako noon. Pero akala ko magagalit ka kasi nadisturbo kita pero nagkamali ako, ngumiti ka sa akin. Para akong natunaw sa mga oras na iyon. Ang gwapo mo ngumiti, nakakatunaw.

"Yes miss?"

Yan ang unang kataga na sinabi mo sa akin. Lumundag ang puso ko sa saya. Sa wakas, napansin mo rin ako.

"A-Ahm, wala. M-Maling kamay ang nahila ko."

Tumungo ako kasi naiilang ako sa mga titig mo. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata mong nakakalunod.

"Ay. Sige. Una na ako. Jiro nga pala."

Tinanggap ko ang iyong kamay. Sana hindi mo napansin na nanginginig ang kamay ko sa nerbyos.

"Kaira." Sabi ko.

Tumango ka saka naglakad palayo. Kitang-kita ko ang irap ng babae sa direksyon ko. Hay, sikat ka nga pala.

Tulala akong naglalakad patungo sa classroom ko. Natumba nga ako dahil hindi ko namalayan na may tumatakbo palang lalaki sa direksyon ko.

"Sorry miss." Sabi ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ng lalaki ng napadako ang mata niya sa bandang tuhod ko. At doon ko lang din napansin na dumudugo ito, doon ako nakaramdam ng kirot.

Inanyayahan niya ako sa clinic pero laking gulat ko nang lumiko kami(habang binubuhat niya ako, di kasi ako makalakad) May nakita akong isang maliit na na bahay sa likod ng clinic. Pumasok kami doon at nadatnan kita at ang iba mo pang kabarkada. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na animo'y parang hinahabol ng aso.

"Chicks!"

"Witwew!"

"Jusko! Binata na si Dice."

Naghiyawan ang mga kabarkada mo. Ako naman ay pinamulahan ng mukha dahil sa kahihiyang natamo.

"Hoy! Magsitigil nga kayo!" Sigaw ng kaibigan mong si Dice.

Pero nakita ko ang ekspresyon mo ay nagbago. Paraang gusto mong pumatay ng tao. Ewan ko na pero imbes na matakot ay nasiyahan ako bigla(more like kinikilig) Nagseselos ka ba?

Umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng cellphone ng kaibigan mong si Dice kaya napatigil sila sa kanilang kantyawan.

Umalis muna ang kaibigan mo at bumalik din kaagad.

"Guys, may iaannounce daw si coach." Si Dice.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sayo.

"Ikaw muna ang gagamot sa tuhod niya. Babalik din kami pagkatapos." Si Dice.

Umalis sila. Tayong dalawa nalang ang magkasama sa silid. Tinitigan moko at bigla mong iniwas ang iyong tingin. Kumuha ka ng first aid kit. Ginamot mo ang aking sugat ng walang imik.

Pagkatapos non ay kinuha mo ang iyong cellphone at naglaro. Hindi mo pinansin ang presensiya ko. Ewan ko ba. Pero parang tinusok ng milyon-milyong karayom ang puso ko. Ba't di ka namamansin?

Kinuha ko lang din ang cellphone ko at naglaro ng smash hit. Nang Narinig mo na nilaro ko ang iyong paboritong app ay lumingon ka sa akin at lumapit. Hinamon mo ko ng isang contest.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You are MINE, Get that?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon