NUMB 2

43 2 0
                                    

###

NUMB 2

"Good morning, Ma! Alis na po ako. Malilate na po ako sa class ko." Paalam ko at hinalikan ang pisngi ni mama.

"Okay, Gracie. Don't forget to text me if you've arrived at school. Take care." Paalala ni Mama sa akin.

Tumango ako at tumakbo palabas ng gate. Naghihintay na doon ang driver namin.

Bakit ba kasi maaga pa ang class ko ngayon? Nakakastress naman. Tss.

Hindi pa ako makaget over sa bakasyon. Nabitin ako. Bakit ba kasi one week lang?

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana para mawala ang pagkabadtrip ko. Naglagay na rin ako ng earphones sa aking tainga para walang mangiistorbo sa akin.

Kinuha ko lang earphones ko nang nakarating na ako sa school. Pinagbuksan ako ng driver ng pintuan. Bumaba na ako at dala dala ko na ang bag ko. Kinuha ko na rin ang phone ko at tinext si Mama na nakarating na ako sa school. Nagpaalam na ako sa driver.

I walked to the locker area to get my things. Nakasalubong ko naman si Bryn na mukhang kararating lang din katulad ko. Kumukuha rin siya ng gamit sa locker niya. By the way for your information, magkatabi ang locker naming tatlo.

"Bryn, sabay na tayo papuntang room.."

"Okay." Simpleng sagot nito.

Sabay nga kaming dalawa papuntang room pero wala naman itong imik. Ano kayang nangyari? Hindi ko alam kung tatanungin ko siya o hindi. High blood kaya 'tong babaeng 'to at minsan pa nga ay nagbibeast mode.

"Oh? What's the problem? Ang tahimik mo yata?" Pag-uumpisa ko.

"Nothing, Gracie." Sabi nito. Hindi pa siya makatingin sa akin ng diretso. Nakatingin lang ito sa sahig.

Bumuntong hininga ako. I know something's up. Pero hindi ko naman siya mapilit na sabihin sa akin ang problema niya. Hindi naman sa nakikialam ako, pero gusto ko lang sana malaman. I'm a curious girl.

Naisip ko rin na sasabihin niya naman sa akin 'yun kapag handa na siya. Mukhang hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Tumahimik ako at bumalik sa upuan ko. Inilabas ko nalang ang notebook ko. Ito ang notebook na ginagamit ko para sa student council activities ko. Ako kasi ang president kaya ako parati ang inaasahan. Vice president ko naman si Bryn.

May meeting pa pala ako mamaya. Inoorganize ko pa ang schedules para hindi magulo. Buti nalang hindi hectic ang schedule ko. Isang meeting at pwede na akong umuwi.

Isinara ko na rin ang notebook ko pagkatapos kong tingnan. Timing naman at dumating na ang teacher namin. Naiinis talaga ako sa teacher na 'to. Ang aga pa ng klase niya at hindi ko pa maintindihan ang lectures niya atsaka magbibigay lang agad agad ng exam pagkatapos. Tss.

Nagtitake down notes lang ako at tumitingin sa teacher namin. Well, I need to self study for me to understand the lessons. Ang gulo kasi ng teacher namin. Ang simple ng lessons pero ginagawa niyang complicated.

Tumunog na ang bell. Inayos ko na ang gamit ko para sa next class ko.

Tumayo na ako at lumabas ng classroom. Nakasalubong ko si Lavine sa hallway. Kasama nito si Bryn.

Nakita ako ni Lavine at kinawayan niya ako. Sinenyasan niya ako na lumapit sa kanila.

"Nakita niyo ba si Caleb?"

"Hindi eh. Mukhang absent siya." Sagot ko. Hindi ko rin siya nakita.

Napakunot noo kami ni Bryn nang makita namin ang expression ni Lavine. May nangyari ba sa kanila ni Caleb? Baka nireject na niya? Stop overthinking, Gracie. That is none of my business.

"Bakit sis? Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ni Bryn.

Nakatingin lang kami kay Lavine at hinihintay ang kanyang sagot sa mga tanong namin.

"I don't know.." Nanlulumong sabi ni Lavine.

Well, I have a hint. But I have to make sure first.

"May sinabi ka ba sa kanya? Baka naman..." Nambibitin na sabi ko. Para mahuli ko siya at kung tama ang guess ko.

"Anong 'baka naman'?" Nalilitong tanong nito sa akin. May kinuha ito sa bag nito. Water, I guess?

"Baka naman ni-reject mo na siya? At yun dinamdam ng tao? Wild guess lang rin ito. No scientific basis." Sabi ni Bryn. Ang babaeng 'to talaga. Mahusay talaga mag-psycho ng mga tao. As if she can read your mind while looking at you for a matter of second.

Nakita kong muntik ng mabilaukan si Lavine. Pero nilunok muna nito ang ininom na tubig bago nagsalita muli.

"Ano... Uhmmm." I know she has doubts if she will tell it to us or not.

"Ano na sis? Totoo ba ang sinabi ni Bryn?"

Tumango si Lavine bilang sagot sa tanong ko.

"Sabi ko na nga ba." Siguradong sabi ni Bryn.

"Paano niyo nalaman?" Tumingin ito sa amin habang nakakunot noo.

"The answer is written all over your face." Sagot ko.

"Seryoso ba kayo?"

"Hindi naman pero halata sa kinikilos mo at ang way na nag-aalala ka sa kanya na para bang may ginawa kang malaking pagkakamali sa kanya.?" Pagsisimula ni Bryn.

"Mahilig ka talagang mag-psycho, Bryn. Turuan mo naman ako paminsan-minsan." Natatawang sabi ko.

"Tseeh. So ano na ang gagawin natin. Nanalo ako. Wala na ang Team Caleb. Woohooo!" Nakangiting sabi ni Bryn sa akin at tumatalon-talon pa na parang bata. Why so hyper, Bryn?

"Bryn. Stop it. Nasaktan ko na nga ang tao.." Saway ni Lavine kay Bryn. Tumigil naman si Bryn at tinignan si Lavine.

"Stop being a killjoy, Lavine."

"I'm not a killjoy.." Ani Lavine.

May sasabihin at may idudugtong pa sana ako pero may biglang tumawag sa phone ko. Kaya nag-excuse muna ako sa kanila na sasagutin ko ang tawag. Tumango naman silang dalawa. Kaya lumayo ako at tiningnan ang phone ko.

Sino kaya ang tumatawag? Si Mama? Tinext ko na siya kanina ah?

Nakita kong isang unknown number ang tumatawag sa akin. Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ang tawag. Baka stalker ko nanaman 'to? I have enough stalkers already to accompany in one day.

Bumuntong hininga muna ako atsaka sinagot na ang tawag.

"Hello?" I said. Wala akong naririnig na boses sa kabilang linya. Weird. Sino kaya 'to?

"Sino 'to? Kung sino ka man at ako ang pinagtitripan mong tawagan dahil wala kang magawa at kung wala ka man lang sasabihin. I'll drop the call." Pagbabanta ko. Pipindutin ko na sana 'yung end call button pero may narinig akong may bumuntong hininga at nagsalita sa kabilang linya.

"It's me, Caleb. I.. I need your help."

###

Numb In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon