Chapter 11 : Ang ganda nya

284 17 2
                                    

TOot tooot do i need to apologize? Haha. Lagi na naman akong nag-aapologize dahil di ako agad nakakagawa ng updates e.

------------------
POGING POV

"Ang ganda nya..." bulong ni Etzel habang ako'y busy sa pag nguya ng Cheetos na binili ni Gunther para sa sarili nya. Ninakaw ko lang sa mesa kasi wala pa sya dito sa bahay. Pinalipat-lipat ko ang channel hanggang sa mapadpad ako sa Disney Mickey Mouse Playhouse. Tama ba? Basta 'yun.

Ang ikinagulat ko lang ay ang biglang pagbulalas sa bibig nitong si Etzel na maganda raw si Mickey Mouse. Ilang beses ko na sinabi na lalaki si Mickey pero paulit-ulit lang sya. Feeling ko nga e nababakla na sya. Tumabi kasi sakin kanina para lang makihati sa Cheetos ko. Oo akin na 'to. Ako na kumakain e. Haha!

"Ang ganda talaga..." narindi na ang mga tenga ko kasi  commercial break at puro tupa yung nakikita ko sa tv. San banda dito yung maganda?

Nilingon ko na sya't nakita kong may hawak syang p-rn magazine. Pero para mas kaganda-gandang sabihin, isang popcorn magazine. Hmm.. POpcoRN. Gets? Nanlaki yung mata ko nung makita ko yung halos lumuwang dibdib nung babae sa cover. "Hoy! Ano yang binabasa mo?! San mo nakuha 'yan?!"

Tanong ko agad sa kanya, para makabasa este malaman ko kung saan nya binili.. ay! Basta! Inagaw ko ang magazine na hawak nya at saka tinignan ko ang mukha nya. "Hayyuup!" 'Yun lang ang nasabi ko. Namumula na kasi ang pisngi nya pati gums nya. JOKE.

"San mo nakuha 'to?!" Tanong ko sa kanya.

"Nakalagay dun sa plastic bag na bitbit ni leader kagabi. Nacurious ako e. Akin na nga!" Bigla nyang inagaw sa akin yung POpcoRN magazine sabay nag-ingay ang mga kahayupan sa farm. Oo. Mga hayop pati yung bidang tupa na parang gawa sa clay ang itsura.

Agad kong kinuha ang remote at in-off na ang tv. Sayang ang kuryente. At saka ko sinilip kung wnoNHL parte na ang hinahawakan... ang binabasa pala ni Etzel.

Nanlaki ang mga mata ko...

Tumibok ng mabilis ang puso ko...

Nagpoproduce na ng enzymes ang salivary glands ko....

Tumataas na ang hormones ko....

At sumigaw ako ng napakalakas, "WHAT THE?! SI JANEEE?!"

Tinakpan ni Etzel ng kamay nya ang bibig ko at umiiling iling. Tinanggal ko yung kamay nya, "Ano ba, ang baho ng kamay mo!"

"Ano amoy?"

"Amoy bagong imprentang magazine!" Sabi ko at piningot sya sa tenga.

"AAAAA!!!A-AAARAAAAYYY!!" Malakas nyang sigaw at piningot rin nya ang tenga ko. "Stone! Baka nakakalimutan mong mas matanda ako sa'yo!" Banat nya sa akin.

"Excuse me, dahil pogi ako at pareho tayong lalaki, walang edad ang usapang lalaki!" Sagot ko sa kanya at sabay naman naming tinanggal ang kamay namin sa tenga ng isa't isa.

Huminga ako ng malalim at umupo ng maayos. "Si Jane talaga?" At tumango naman sya.

"Ang ganda nya..."

"Duhh! Like, whut duhhh---" nagbading-badingan ang pogi nyong lingkod at nag whatever sign ako sa kanya. "May Lorenz the pogi like me na 'yan! Tsk tsk."

Parang kailan lang nung nakwento nina Zero sakin na may karibal na malupit si Etzel. Parang akin lang. May karibal ako pero hindi sya ganon kapogi katulad ni Lorenz the casava cake. Haha! Si Toniong unggoy na mula sa mga bulalakaw. Nasa halos pareho kaming sitwasyon ni Etzel, ang kaso lang sa kanya. Babawiin nya ang dapat kanya at ako naman, still reaching for my star and the only one love of my life na si Qwerty.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon