My Jong In Oppa ♥ [EXO FAN FICTION (RATED R)]

2.9K 66 23
                                    

RATED SPG. Mga bata.shupiiiiiii wag makulit. 

Oh eh bahala kayo.Hala sige BASA. Wala akong maisip na matinong title. Sorry.

 

************

“5 minutes guys,5 minutes, be ready” sabi nung coordinator nung show.

“You’re still not done?” medyo naiirita na niyang tanong. Eh wait naman kasi,paano ako makakapag concentrate! Yung ngiti niya, yung lips niya, yung mata niya,yung…aahhhhhhh Kim Jong In, you are the definition of the word perfect.  -___-V

“So-sorry, this will be quick, I promise” tapos nilagyan ko lang siya ng konting foundation at lip balm. Inayos ko lang din yung buhok niya. Yung buhok niyang sobrang lambot kaya napaka sarap hawakan. *O*.

“T-there, it’s done..” sabay ngiti ko sa kanya habang tumayo siya sa upuan.

Kinuha niya lang yung parang jacket niya na black. Psh,jacket jacket pa,hilig naman niya ipakita braso niya =_= .Tataas pa niya mamaya yang panloob niya for sure.

“Oppa..” tawag ko sa kanya bago siya lumabas ng dressing room.

“Ne?” Kai

“Fighting!!” then I smiled at him. Hanggang pagchi cheer lang ako sa kanya. Sa taong mahal ko 

Binigyan lang niya ako ng isang nakakabuntis na tingin at saka tuluyang lumabas :”””””> . Hay  buhay ng mga umiibig talagang nakakabaliw.

Ay teka kanina pa ko kwento ng kwento sa inyo ni hindi niyo pa ako kilala. Ako pala si Darlene Germaine Loyola. Isang make-up artist. Pero napakalayo talaga nitong trabaho ko sa natapos ko eh. Graduate ako ng MassCom pero eto ako ngayon,nandito sa South Korea para ayusan at pagsilibihan ang aking sinsinta.

Yeah,you’re right. Dahil kay Kim Jong In kaya ako napadpad dito. Ng dahil sa buong pusong pagmamahal ko sa ‘dancing machine’ na yun, after ko grumaduate ng college, I took up cosmetology para lang mapalapit sa kanya.

Oo alam ko baliw na ako talaga, pero kasi, wala na akong maisip na ibang trabaho na pwede akong maging malapit sa kanya. Yung pwede ko siyang makita halos araw araw at matitigan ang mukha niya. Yung makita siyang sumayaw at yung mahawakan ang mukhang araw araw mas lalo ko pang minamahal.

7 months palang akong nagta trabaho dito as a make-up artist. At aaminin ko mahirap talaga. Kasi kailangan mabilis ang mga kamay mo. Dapat di uso sayo ang salitang ‘cramming’ lalo na pagka malalaking shows at concerts ang pinupuntahan nila.

***

Guesting nila ngayon dito sa M-Countdown para sa comeback nila. Syempre bagong hairstyle ang kailangan.

“Hey, Darlene, you’re staying?” tanong sakin ng isa sa mga ka trabaho ko.

My Jong In Oppa ♥ [EXO FAN FICTION (RATED R)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon