CHARAN!! MAY ONE SHOT NANAMAN AKO! HAHAHA.
^parang ang saya ko masyado.
A/N: charot, umo-author's note! This is dedicated to.. lalalalalalalabyu!
sasasasasalamat sa pag follow!! mehehehe :)))))))
tama na nga ako dito. :)))))
*******
"Oi dyan lang kayo ah. Mag-cr lang ako tapos bibili na rin ng drinks. Ang init eh." -Kathy. Bestfriend ko ang role niya dito guise!
"Sige lang. Grabe no ang init!" -Ako. Ako nga pala si Denisse, ang bida! Hahaha
"Guys pasensya na kayo ah, ang hot ko kasi ngayon. Hahaha!" -Bret!! Hulaan niyo kung ano siya dito!! Di naman kasi obvious. haha
"Eksena mo Bret!" ayun na nga! umalis na si Kathy. Sana ibili niya rin ako ng drinks :(
"Bret san ka ba papasok?" Sinamahan niya lang kasi kami ni Kathy mag-enroll ngayon. Ang hirap pala mag-enroll pag college na, ang init pa!
"Secret! Haha, wag kang mag-alala dadalawin naman kita dito eh. Hatid sundo pa!"
"So di ka dito papasok? Eh san nga??" Hatid sundo pang nalalaman. Di ko siya boyfriend ah! Ano ko siya.. ano.. ahm, julalay ko!
"Sa.. sa ibang bansa! Hahahaha." ibang bansa?
"Weh? Seryoso?"
"Hahaha. Bakit miss mo na agad ako?" Tawa lang siya ng tawa, kakainis. Totoo kaya? Baka jino-joketime lang ako ng lalaking 'to eh.
"Tse! Pangit mo!"
"Haha! Ang ganda mo talaga. May sasabihin nga pala ako sayo.."
"Alam ko! Ano yun?"
"Ano kasi, hahaha kinakabahan ako! Wag na nga."
"Ang arte mo ever! Ano nga?" Pasuspense pa eh.
"Denisse, Will you be my girlfriend?" Pabulong niyang sabi sakin. O___O
"Napaka mo! Wag ka nga!" Hinampas ko siya ng pamaypay ko.
"Aray! Hahaha. Aray. Seryoso ako."
"Paki ko kung seryoso ka?! Yun na yun? Wala man lang feelings pagkakatanong mo? Tse." Biniro ko lang siya. Lagi naman yang ganyan, sanay na ako. Halos mag o-one year niya na kasi akong nililigawan. So manliligaw ko siya, nahulaan niyo ba? hahaha.
"O sige. Denisse will you be my girlfriend? With feelings! *nakatingin lang ako sa kanya* Plus capslock?"
"HAHAHAHA! Capslock talaga? Patawa ka talaga eh no!" Di ko siya sinagot. Tinawanan ko lang.
"Eh paano ba?"
"Bakit sakin mo tinatanong, mukha ba akong nanliligaw?"
"Aha! Denisse alis na muna ako ah. Text nalang kita. Sige, ingat kayo ni Kathy ha."
****
"Bestfriend tara! Nood tayo ng sine." Pinuntahan pa ako ni Kathy sa bahay para lang yayain magsine.
"Eh tinatamad ako. Ikaw na lang." Bakit kasi di pa din nagtetext si Bret. Sabi niya tetext niya daw ako, eh nung isang linggo niya pa sinabi yun ah. tss
"Ako? Mag-isa lang manonood! Ang korny mo talaga."
"Wala kasi ako sa mood nga.." Sabay bato ko ng cellphone ko sa bubong ng kapitbahay namin. JOKE!! Haha, sa sofa lang..
"Di pa din siya nagtetext?"
"Oo. Kaya nga binato ko na cellphone ko eh. Nakita mo ba siya kanina?" Malapit lang kasi ang bahay nila sa bahay nila Bret.
"Oo, aalis ata sila eh. Parang pupunta ata ng airport? Ewan, di ko sure."
"ARIPORT?! Hala, baka sa ibang bansa talaga siya mag-aaral!" Kala ko binibiro niya lang ako.
"Ibang bansa? Dalian mo friend, andun pa siguro sila sa bahay nila!"
"Oo. Ikaw na bahala sa bahay namin ah!" Dali dali na akong kumaripas papunta sa bahay nila Bret. Sana abutan ko siya!!
*****
"BRET!" Hinihingal kong tawag sa kanya. Buti nalang nakatayo siya sa may gate nila.
"Oh Denisse! Tumakbo ka papunta dito?"
"Malamang! Mukha ba akong nag-swimming papunta dito?! Kainis ka talaga." Lumapit siya sa akin.
"Hahaha.. sorry na, ikaw talaga."
"Aalis ka na ba talaga?" Seryoso kong tanong.
"Ah, oo eh. Pero saglit lang naman yon." Saglit?? Ilang taon din yun!
"Saglit ka dyan! Aalis ka ng hindi man lang nagpapaalam sa girlfriend mo!!"
"Eh-- Teka. GIRLFRIEND?!" Tapos namula siya! Hahaha kyot! Sana pala dati ko pa siya sinagot!
"OO! Sinasagot na kita."
"Talaga! Yes!! I love you too Denisse!" yinakap naman niya ako. Guys kinikilig yata ako! :)))))
"Love you too agad? Pero ma mi-miss talaga kita pag-umalis ka.." Naalala ko nanaman tuloy na aalis na siya :(
"Talaga 'tong girlfriend ko oh. Saglit lang naman ako aalis eh. Gusto mo di na ako aalis para di ka malungkot." Tas ginulo niya yung buhok ko.
"Ano ka ba! Sayang yun no. Magandang opportunity ang makapagaral abroad."
"Ha? Ako mag-aaral abroad? Hahaha, sinong may sabi?"
"Ikaw ah, sabi mo sa akin. Tapos sabi naman ni Kathy pupunta kayong airport. Mali ba?" Parang may na f-feel ako ah..
"Mali nga. Hahaha, niloloko lang kita non. Pareho tayo ng University na papasukan, isusurprise sana kita eh.. At pupunta nga kami ng airport kasi susunduin namin ang tito ko, hindi ako mag-aaral abroad. hahaha."
O___O
"EH?! Nakakainis ka naman eh. Break na nga tayo!"
"Ang bilis naman! Wag kang mag-alala, pinaghandaan ko yata yung "will you be my girlfriend" na tanong ko."
"Talaga lang ah, siguraduhin mo lang na mapapa-oo mo ako."
"Oo naman. Ako pa! Love you too Denisse!"
"Love you too? Hindi naman ako nag i-ilove you sa yo ah."
"Di na kailangan. Napatunayan ko nang mahal mo ko. Kaya I love you too!!"
*sabay kiss*
JOKE!!! HAHAHAHAHA
Hug lang!
A/N ulit: HAHAHA. SANA MAGUSTUHAN NYO. PLS. HAHAHAHA