People think it is holding on that makes you stronger, but sometimes letting go is.
-------------------------------------------------
Ako si Jale Ocampo. Sabi nila napakaswerte ko daw because I have a almost perfect life paano ba naman kasi I have a wonderful family, a good wealth, pretty face and a oh-so-handsome boyfriend.
Pero kagaya nga ng sinabi nila 'almost' hindi pa talaga perfect and I know there's no such thing as perfection dahil ako nga na akala nilang perfect na ang lahat eh hindi naman talaga.
Paano naman ako magiging perfect kung alam kong lantaran akong niloloko ng isang taong sobrang minamahal ko?
Paano naging perfect kung alam kong yung 'dapat' nagpapasaya sakin at 'akala' kong masaya sakin eh sinasaktan lang ako at masaya sa piling ng iba?
I tried to hold on and I'm still trying, dahil akala ko mag-wo-work ang lahat ng meron KAMI pero hanggang akala nalang pala lahat ng iyon.
Call me desperate kasi pinagsisiksikan ko pa yung sarili ko sa taong alam ko namang hindi ako ang mahal. Ayoko kasing bumitaw ee, paano ko naman kasi bibitawan ang nagiisang taong dahilan kung bakit may rason pa akong gumising araw araw?
"Girl, huwag mo na silang tignan. Napaka masokista mo talaga, alam mo ng nasasaktan ka tinititigan mo pa." Sabi ng bestfriend kong si Alex. Oo nga naman, napakatanga ko.
Bakit nga ba ako nakatitig sa dalawang taong nag-uusap ng masaya? Ahhh. Boyfriend ko nga pala 'yun tapos yung kasama niya yung long time crush niya na naging close niya na ngayon.
Ang sakit sakit lang. Yung feeling na sa isang taong relasyon niyo hindi mo manlang siya nakitang sumaya ng ganyan sa piling mo.
Eh paano nga naman kasi siya sasaya kung napilitan lang naman siyang gawing girlfriend ako dahil lang sa isang pustahan? Oo tama..pustahan lang ang lahat ng ito. Ang akala niya hindi ko alam pero ang totoo matagal ko ng alam na pinagpustahan lang nila ako ng mga kabarkada niya at sinabing bibigyan siya ng 10,000 pesos kung makakatagal siya sakin ng dalawang taon.
Ang lupet noh? Ang tanong bakit hindi ako nagalit? Bakit hindi ko pa siya hiniwalayan kahit alam ko ng lantaran niya akong niloloko at pinaglalaruan? Isa lang ang pwede kong isagot diyan kasi..
Mahal ko siya. Kaya kahit anong gawin niya, okay lang basta alam kong ako ang 'girlfriend' niya.
"Girl? Why don't you try to let go? Masyado ka ng nasasaktan, tama naman na oh." Sabi ulit ni Alex.
Let go?
Kaya ko kaya?
Masyado kasing mahirap pakawalan ang isang pangarap na nasa kamay mo na..
Pero paano mo naman pahahalagahan ang isang pangarap na alam mong hindi naman talaga nakalaan para sayo?
"Think about it Girl, maybe it's about time for you to set him free." Sabi pa sakin ni Alex bago niya ako iwan dito sa bench ng mag-isa habang tinitignan ang isang bagay na nakakapagpadurog ng puso ko.
Ang sakit sakit talaga.
Nakita ko siyang napatingin sa direksyon ko pero agad naman itong nag-iwas at humarap kay Bea at ang sumunod na ginawa niya ang maslalong nakapag-padurog ng puso ko..
I saw him gently kissed her lips.
Tears excape from my eyes, kaya naman napayuko nalang ako.
Be strong Jale, you can do it.
Maybe Alex was right it's about time for me to set him free..
Dahan dahan akong tumayo at lumapit sa direksyon nila. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ayoko sana ee, ayoko sanang pakawalan siya pero ano pabang point nito? Eh wala lang naman ako para sakanya. Isa lang akong katuwaan nilang mag babarkada. Nang makarating ako malapit sakanila hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko alam kung san ako magsisimula.
"Jace, can we talk?" It took me a lot of courage to asked him, to asked Jace Cruz my everything.
"About what? Look, pwede bang mamaya nayan? I'm with someone, can't you see?" Ouch. Bakit ba itong lalaki pa ang minahal ko? Pwede namang iba nalang ng hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi niya.
"Just talk to me, and you're free...forever."
"Okay I'll give you ten minutes to say whatever it is." Ang sakit isipin na limitado nalang ang oras ko. For pete's sake! I only have ten minutes to be with him! Sobrang sakit isipin and that is going to be our last ten minutes being together.
"I'm letting you go.." That was the only words I can manage to say, enough to break my heart into pieces. Alam ko namang naintindihan niya na yun.
"Okay." Yan lang ang sinabi niya bago siya tumalikod sakin. Gustong gusto ko ng humagulgol, pero ayoko sa harap niya dahil pride nalang ang meron ako. Okay? yun lang? Tang-ina naman!
"Wait.." Sabi ko at hinawakan siya sa braso niya para pigilan.
"What?" Cold na pagkasabi niya. Ang sakit sakit na talaga.
"Eto nga pala 10,000 pesos alam ko kasing wala pa tayong 2 years sayang naman kasi yung pinaghirapan mo diba? Kaya kahit hindi ka nanalo at least may pera ka. 'Yan lang naman ang worth ko sayo diba? I'm only worth 10,000 pesos to you. Thanks for everything." Pagkatapos kong sabihin sakanya yan tumalikod na ako at kasabay nito ang pag-tulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan, tumakbo na ako nagbabakasakaling matakbuhan ang lahat ng 'to.
I suddenly bumped into someone.
"Hey miss, are you okay?"
Why am I always like this? I know I'm hurt but i always end up saying...
"I'm fine."
-------------------------------------------------------
FIRST EVER ONE-SHOT! HOPE YOU LIKED IT!
All rights reserved.
(c) J. Paula C. (ifitsmeanttobe)
BINABASA MO ANG
I'm Fine. (One-shot)
Short StoryAlam niyo yung masakit? yung may isang tao na masasabi mong sayo pero hindi naman masaya sa piling mo..