☆Develious 12☆

11.8K 389 11
                                    

Sorry po ngayon lng nakaupdate!!!

Sarrey ^_________^

☆☆☆

Clarize Jane's POV

Pagkapatay ko sa tawag ay dali-dali kong binalibag yung isang gangster na papasugod samin. Hindi ko alam kung anong motibo nila para sugudin kami. Wala naman kaming ginagawa at mahigit sa lahat.... pano nila nalaman na kami ang mga assassins ng Org. Imposibleng may espiya sa grupo depende nalang kung may nakapasok talaga na taga labas. Pag nalaman ko lang talaga kung sino yun malilintikan sakin yun.

"Sumunod kayo sakin!" Utos ko kila Krish ng matakasan namin yung mga humahabol samin. Mabilis kaming tumako at tinungo ang sasakyan ko. Lahat sila ay nagsakayan dun.

"HOY BUMALIK KAYO DITO!!" Sigaw nung mga humahabol samin. Bago pa nila kami maabutan ay mabilis kong pinaharurot ang sasakyan.

"Phew! That was close!" Nakahingang maluwag na sabi ni Aimee. Ganon rin ako. Mabuti naman.

"Aimee locate Ash location." Sabi ko habang nakatingin sa side view mirror ng sasakyan. Baka kasi nakasunod sila. Nang masiguradong kong wala ay mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo.

"Hey! Slow down! Papakamatay kaba?" Kabadong sigaw nila. Umirap lang ako. Maya-maya lang ay nakita ko na ang location ni Ash. Hininto ko yung sasakyan sa di kalayuan at bumaba.

"San ka pupunta?" Tanong ni Krish habang nakasilip sa bintana. Tinuro ko yung itim na van at ngumisi. Napailing nalang sila at bumaba narin sa sasakyan.

Tinungo ko yung itim na van tsaka sumakay. Mas maigi ng siguradong walang makakasunod sa amin. Tsaka ko na babalikan ang sasakyan ko. Matapos nilang makasakay ay pinaharurot ko na yung van.

Malapit na kami sa Mall kung saan nanduon ang siya. Bago ko ipark yung van ay may napansin na akong mga kotseng nakaparada sa parking lot. Tsaka ko lang narealize na kaparehas rin ng kotseng iyon ang mga kotse ng sumugod samin.

"Shit! Si Ash!" Sabi ni Krish habang nakaturo sa babae na nakatago sa kotse. Maya-maya lang ay nakita kong nakawala yung tuta. Saktong may babaril sa kanya ng bigla niyang hinabop yung tuta at niyakap dahil dun ay siya ang natamaan ng bala sa balikat.

"Fuck!" Mahina kong mura. Mabilis kong pinihit ang manubela ng van at tinungo ang kinaroroonan ni Ash. Huminto ako sa harap niya at bigla siyang sumakay. Nang patakbuhin ko ang van ay napamsin ko yung lalaki na nakatingin sa papaalis naming van. Nang matiyak ko kung sino ay yung lalaki lang pala na nakaaway ni Ash sa school.

"Ash!" Napalingon ako sa kanila ay nakita kong binatukan ni Ash si Krish. Napangisi nalang ako.


Ashley Fredrich Hell's POV

"Ash!" Naiiyak na sabi ni Krish. Nabatukan ko nga.

"Ughh!" Daing ko ng biglang kumirot yung sugat ko.

"Sabi na kasing mag ingat ka eh! Huhuhu! Ashie-ko wag mo kami iwan!" Sumisinghot-singhot pa ang loko. Pinadila ko nga sa tuta yung muka! Hahaha.

"Gamutin nalang natin yan sa bahay." Narinig kong sabi ni Cj. Nag nod nalang ako. Himala yata at nasarapan kaka salita ang loko?

"Hindi ba dapat dumiretso tayo sa Main House?" Tanong ni Aimee.

"Huwag! Hindi pwede!" Bigla kong sabi. Napalingon sila sakin na may halong pagtataka.

"Bakit naman hindi?" Tanong niya.

"Basta hindi pwede. Ako. Ako ang sasagot sa problemang to. Hindi na natin pa kailangan ipaalam sa kanila." Sabi ko pa. Napatango nalang sila. Nahuli kong nakatingin sakin si Cj sa salamin. Nang napansin niyang nilingon ko siya ay tsaka siya nag iwas ng tingin.


Nang makarating kami sa bahay ay ginamot agad nila ang sugat ko. Nakita kong pumasok si Cj sa kwarto niya. Nagluto naman si Nic ng kakainin namin sa hapunan. Si Krish naman at si Aimee ang naiwan para tulungan ako sa pang-gagamot ng sugat ko.Nilingon ko si Aimee.

"Aimee kilala mo ba yung Leader ng Gang na yun?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"He's name is Zedrick Travis. 18 years old. Nag-aaral siya sa Infinity University. Kung hindi ako nagkakamali siya ang Former Leader ngayon ng Spiral Gang na Rank 3 sa pilipinas. Namatay kasi yung dati nilang Leader sa di malamang kadahilanan at ang mas masaklap pa ay hawak siya ng kalaban nating Org. Na hindi ko pa matukoy." Paliwanag nito.

"I see. Thank you." Sabi ko.

"Why do you ask?" Tanong niya.

"Nothing." Sabi ko nalang tsaka tumayo.

"Pakisabi sa kanila na hindi muna ako kakain. Magpapahinga muna ako." Paalam ko. Tumango lng silang dalawa at nagpaalam na ako.

Tinungo ko ang kwarto ko at humiga sa kama ko. Hinawakan ko yung singsing na naka kwintas sa leeg ko. Ito yung kwintas na bigay sakin ni mommy nun bago siya mamatay. Ngayon sisiguraduhin ko lang kung may kinalaman ang Zedrick na yun sa organisasyong hinahanap ko. Kapag nakumpirma kong tama ang hinala ko. Sisiguraduhin kong uubusin ko sila at ipaparanas ng doble ang ginawa nila sa mga magulang ko.

Mariin ko nalang ipinikit ang mata ko. Tsaka ko na muna iisipin ang mga bagau na yun. Kailangan ko ng mag ingat ngayong nakakaalala na ako. Delikado na talaga ang napasukan kong mundo. Hindi pwedeng mandamay pa ng iva kaya mas mabuti pang sarilihin ko nalang to ng mag isa.


Time Check:
3:29 AM

HANGGANG DITO NALANG PO MUNA. ANTOK NA AKO XD

SARREY !!

THANK YOU

AND

GOOD BLEES YOU
ALL.

^______________^

☆Develious Child☆(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon