Chapter 25.5 :D (It's complicated)

1.6K 28 3
                                    

Kim's POV

"KIM! Gising na! 3 tulog na lang engagement mo na! Gising na anak! Papasok ka ba sa opisina ngayon?"

Mga salitang ayaw ko SANA marinig ngayong araw na 'to ... gising.. engagement... opisina... pero hindi pa sumisikat ang araw narinig ko na ang mga iyon.. Si mama talaga...

"Hindi ma..."

"Anong hindi 'nak? Hindi ka papasok?"

"Lahat."

"Anak ok ka lang ba? May sakit ka yata? Anong nangyayari sa'yo nak?"

"Ma..." umupo ako sa kama at tinabihan si Mama. "Ma.. hindi na tuloy." Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para pigilan ang pagtulo ng luhako. Masakit pa rin hanggang ngayon... Noong una ako ang ayaw pumayag pero sa huli si Xian ang unang bumitaw... 

"Ano? Nak may sakit ka ba?" Hinawakan ni Mama yung noo ko. Naiintindihan ko naman siya e. Naiintindihan ko naman ang gusto nilang mangyari.. Pero ayaw ni Xian ee.. ayaw niya na. 

"Ma! Ok lang ako.." Humiga na ulit ako sa kama dahil nararamdaman kong hindi ko na kaya pang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko sinabi ko kay mama na.. "Ma gusto ko po munang makapag-isa.." :'( 

Bakit ako nasasaktan ng ganito? Hindi ko pa lubusang kilala si Xian at ilang araw ko pa lang siyang nakakasama.. bakit ako nagkakaganito?? :'(

"Sige nak... Nandito lang si Mama ha..." Lumabas na si mama ng kwarto ko at sinara ang pinto.. 

Kailangan ko munang mag-isip ngayon.. 

Xian's POV

"Lola.. hindi na tuloy ang engagement."

"what do you mean? Gusto niyo bang wedding na kaagad?"

"Lola no. We don't love each other. Sorry.. pero I pursued Kim to do this.. this engagement.. para sa trabaho ko sa America. Lola... why did you do that? Bakit mo sinabing magpapakasal na ako?"

"Xian??!!!! I'm doing all of this for you. Apo.. intindihin mo ang lola. Matanda na kami at hindi na magtatagal ang buhay namin ng lolo mo... Xian why are you trying to go away? Bakit mo kami gustong iwan? Xian 3 years! 3 years kang hindi nagparamdam. Hindi mo man lang binabalitaan. Hindi namin alam kung ok ka lang ba.. kung saan ka tumitira.. kung nakakakain ka ba ng maayos.. kung paano ka nabubuhay doon mag-isa. Xian what are you trying to do?! Ano bang gusto mong gawin sa buhay mo??! Xian please listen to Lola." 

"Lola hindi madali ang hinihiling niyo.. tsaka si Kim... ayaw ko siyang gamitin."

"Xian I'm not telling you na gamitin si Kim. I'm trying to help the both of you to fall for each other.. to love each other.. Xian.. The both of you suit each other. Bagay na bagay kayo at ang mga gusto niyo sa buhay ay pareho. Xian I know na gusto mong tuparin ang pangarap mo. Pero wala ka namang sinasabi samin. Xian we can help you.."

"No you can't."

"Xian where areyou going?!"

"Lola.. I want to be alone.. Don't worry.. babalik ako. Promise."

"..." 

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gulong gulo ang isip ko. Ayaw ko sanang itigil ito pero ayaw ko rin namang pilitin si Kim. Alam ko na tutol siya dito at ayaw kong pagsisihan niya ito balang araw. Siguro kailangan ko munang mag-isip isip ... 

==============================================================================================================================

Tama yan mag-isip isip muna kayo! Wag padalos dalos ang mga desisyon! Baka pagsisihan niyong dalawa! Hmmm. Matutuloy pa ba ang kasalanan? Pakasal Na Tayo or Tigil Na Tayo.. (hohoho ^^ ang korny nung tigil na tayo ko..) 

Quote of the Chapter: Follow your heart, ALWAYS. ♥ ♥ ♥

hehehe :) Thank you sa pagbabasa!!!!~ ♥ God bless

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon