the fragmented memories

222 1 4
                                    

Fragmented memories

                                                                    " 'di ko naman inutusan

                                                                  ang sarili ko na mahalin ka. 

                                                                         Kusa lang talaga

                                                                     akong nahulog sayo."

Bata pa noong unang nakaramdam ng pagtibok ang puso ni Arrianne. Halos limang taong gulang lamang siya noon.. Isang araw, bigla nalang nyang nakilala si Far... Isang binata na napaka misteryoso... Sya na nga kaya ang lalaki na unang nagpatibok sa batang puso ni Arrianne?

Prelude

"Arrianne!" napalingon ang bata sa tumawag at nilapitan nya ito.  

"Sino po sila?"

"Ah, haha!! Kaibigan ako ng lola mo kaya dumalaw ako sa burol nya." 

"Ah." 

Burol noon ng lola ni Arrianne. Limang taong gulang lamang sya at wala pang muwang sa paligid.

"Miss Arrianne!" tawag sa kanya ng katulong nila.  

"Po?" 

"Nandito na po yung pinahuhuli nyong..." hindi pa nasasabi ng buo ay nagtatakbo na si Arriane palapit sa katulong.

"Yan na yung bulate?" sinilip pa nya ang maliit na panalok ng tubig. 

"Aanhin mo ba to, miss?" 

"Ipapakain sa isda!" hinila ni Arrianne ang kamay ng katulong at dinala ito sa may fishpond.

"um,. Hi." Napatingin nalang si Arrianne sa nagsalita.  

"hello."

"Ako nga pala si Axel." Iniabot ng bata ang kamay kay Arrianne.

"Arrianne." At matamis nyang nginitian ang lalaki. 

"Ano ang ginagawa mo?"

"Pinapanood ko yung mga isda na kainin yung bulate... Sayang nga eh... di mo sila nakita kanina nung nag aagawan sila."

"Edi humuli rin tayo ng bulate tapos ipapakain sa kanila. 

"Saan tayo kukuha?"

Natagpuan nalang ni Arrianne ang sarili na naghuhukay ng lupa at itinuturo kay Axel kung nasaan ang mga bulate. Dinadampot naman ito ng bata at inilalagay sa maliit na timba.

"Ang dami na oh!" Masayang masaya si Arrianne habang pinagmamasdan ang mga bulate. "Matutuwa ang mga isda!"

"Alam mo.. Para sa isang anak mayaman, hindi ka sobrang maarte."

 "huh?"

Matamis na ngumisi si Axel.

"Gusto kita."

Naging matalik na magkaibigan sina Axel at Arrianne... hanggang sa dumating na ang araw na kinailangan nang bumalik ni Arrianne sa Manila.

"Arrianne, mangako ka na babalik ka ha!" yumuko ang bata na parang naluluha. "Hihintayin ko ang pagbabalik mo." Nabasag na ang tinig nito. "Hihintayin kita kahit gaano pa katagal.. Tapos pakakasalan kita."

 Ngumiti lang si Arrianne. "Pangako, babalik ako."

 CHAPTER ONE

 "Whooo!!!!" nagsisisigaw si Arrianne habang nakatayo sa harang sa gilid ng barko. "Masbate, Here I come!!!!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

the fragmented memoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon