My Scary Girl (Pasingit Chapter)

15.5K 346 43
                                    

 Pasingit chapter lang..Para mas maging okey yung flow ng story...

Sa mga naguguluhan..Pakibasa na lang ang "Threat Episode" at " Is It Goodbye? Episode ng Almost A Cinderella Story..Yun lang..^^

SAMARA POV

Mag-isa ako sa room. Lahat ng mga classmates ko nasa labas at nag-re-reccess.

Nilabas ko yung favorite kong Fudgee Bar Choco.

Kinain ko siya.

Weew..Sarap talaga ng Fudgee Bar Choco.

Pero may biglang umagaw sa akin.

*tsuk!

"Ansarap naman nito!"

Sina Cara at Mara pala. ANg kambal.

"F-fudgee Bar ko...."

"Thank you huh! Minsan, damihan mo ang pagdadala nito.", sabi pa ni Mara.

Yumuko ako.

"Pero akiiiin yaaannn..", sabi ko na may panghihinayang sa Fudgee Bar ko.

"Waah! Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Parang nangagaling naman sa ilalim ng lupa boses mo!", si Mara.

"Sorry po...."

"Po?! Wag mo kaming popo-in..Magka-edad lang tayo noh!"

"Opo--------Oo.."

"Good...Gusto mo ba ng friends..?", tanong ni Cara.

"Opo!"

"Opo na naman!", inis na sabi ng dalawa sa akin.

Yah! Nakakatakot naman ang kambal na ito. Pero mukha naman silang harmless. Ganun lang siguro sila kumilos. Medyo boyish.

"Sige..From now on! Kasama ka na namin!"

"Thank you po.."

"Po na naman!!! Wag na nga! Ayaw na namin sa iyo!", umismid pa ang dalawang kambal.

"Sorry na po--------Sorry na..Di na mauulit..."

"Okey..Kaibigan ka na namin..Tara sa canteen..", yaya ni Mara.

"Bakit?", tanong ko naman.

"Ano kaba? Syempre ise-celebrate natin ang day na ito dahil kaibigan ka na namin!"

"Talaga? Nakakatuwa naman!"

"Heh! Wag kang matuwa dahil ikaw ang maglilibre sa amin! Tara na nga..", sabi ni Cara.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SA CANTEEN....

Nilibre ko ng tig-dalawang hamburger at isang Coke 1.5 sina Mara at Cara. Para silang mga asong gutom kung makakain. Pero okey lang..Kaibigan ko naman sila. Sila nga lang ang nagkalakas ng loob na makipag-friends sa akin saka sina Aljun at Alona.

Nakita ko si Aljun. Papasok sa canteen. Nakita niya kami. Kumaway siya sa amin. Bakit ba parang ang bait niya talagang tingnan?

Ah! Di na ito pwede....

Then..Bakit bigla siyang nawala...

Tinapik ako ni Mara.

"Hoy! Nakita mo rin ba si Aljun?"

"Oo..Kaso nawala bigla eh..", sagot ko.

Sure ako nakita ko siya..Pero bakit bigla siyang nawala. Maya- maya nag-ring ang cellphone ni Cara. Binasa niya ang text.

Bigla siyang namutla sabay sabi ng....

"SI Aljun nasa hospital daw ngayon..Nabaril daw siya!"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comatose si Aljun. Pero after three months nagising din siya. Ayun, kinukulit na naman niya ako...Ah..Hindi pwede..Gagawa na ako ng way para layuan niya ako...Its time to be "scary" na!

My Scary Girl (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon