Chapter Four

3 0 0
                                    


Tatlong araw na ang nakalipas pero di pa rin ako lumalabas ng bahay. Nitong tatlong Gabi ay inaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Abby. May amnesia ako. Bakit nila itinago sakin Ito? Magrerebelde ba ako? Alam ko naman ang sagot na maaring magalit ako sa kanila pero iniisip ko na ito lang ang nakita nila mama at papa na paraan na makabubuti sa akin. Pero Sana naman ay ipinalawanag nila ito sa akin. Mahirap mangapa sa dilim.

Nitong nakaraan ding araw ay madalas akong nananaginip. Hindi ko alam kung ano ba ang pinapahiwatig nito. Panaginip lang ba talaga ito o isang nakaraan? Naguguluhan ako. Minsan iniisip ko na iumpog KO na lang ang ulo ko sa pader para makaalala ako.

Kating-kati na akong itanong kay Papa kung ano ang dahilan  ngayong nakauwi na sya dito sa bahay. Sundalo si Papa kaya naman may pagka-strikto siya. Siguro ang dahilan nila sa pagtatago nilan ng totoo ay para sa ikabubuti ko. Sana inisip rin nila na may karapatan ako sa nakaraan ko dahil buhay ko ito. Lalo na ngayon na ginugulo ako ng panaginip. Na tumutulak sa akin na malaman ang lahat.

Tanga nga ako. Kasi imbis na magreklamo ay dapat gumagawa na ako ng paraan para komprontahin sila. Pero natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako na magalit. Natatakot akong malaman ang nakaraan.

Hay! Si Mike at Abby ay hindi ako mahagilap kasi tinataguan ko sila. Siguro nagtataka na rin ang mga tao dito sa bahay lalo na si Mama kasi matamlay ako. Inaamin ko na matamlay ako, walang ekspresyon ang mukha, tahimik, malakas at sinasarili ang lahat pero lahat iyon ay panlabas ko lang. Ayokong maging mahina sa mata ng tao.

"Nak, OK ka lang ba dyan?" Si mama. Instinct na siguro ng Ina na may problema ang kanila anak.

Hindi ako sumagot kasi alam ko naman na papasok sya. Kasi nalimutan kong i-lock ang pinto kanina sa sobrang galit. Nasa hapag-kainan kami ni Mama, Papa at ako. Kulang kami kasi yung Dalawa kong kapatid. Wala naman talaga akong planing kumain kasi wala akong gana. Pinilit lang ako nila kasi masama daw paghintayin ang grasya at tsaka baka magalit si papa.

Kumuha nga ako ng pagkain pero hindi ko naman kinikibo.

"OK ka lang ba?" Si mama.

"Ma, wala po akong ganang kumain. Pwede po bang umakyat na ako sa kwarto"

"Ubusin mo muna iyang kinakain mo. Tingnan mo hindi pa nangangalahati." Si papa "Masamang tinatanggihan ang grasya"

"Pero----"

"Hindi! Ubusin mo yan."

"Papa naman" maiiyak na ako "Ma" paghinging saklolo ko kay mama.

"Greg! Pagbigyan mo na ang anak mo"

"Cora! Ano ka ba naman! Kaya nagiging suwail ang anak mo eh. Pinagbibigyan mo sila. Kailangan nilang matuto"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A lost starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon