ARIA
Nagising ako sa malakas at nakaririnding tunog ng letcheng alarm clock sa side table ng kamang kinararatayan ko ngayong umaga. My goodness! Lunes na naman. Isa lang ang ibig sabihin niyan, may pasok na naman ako.
Shete!
Panibagong araw na naman ang kailangan kong gampanan sa buhay, ibig sabihin ay bagong araw na naman para mainis ako sa mga taong makasasama ko sa school.
Kung pwede lang talaga umabsent ay ginawa ko na...
Kung umabsent na lang kaya muna ako? Tutal ay midterms pa lang naman, e. Kaya pang habulin sa finals kung matalino't masipag ako— kaso hindi... So, hindi talaga pwede?
Rayt! Hindi nga pwede, Aria!
Dahil nadistorbo na ang pagtulog kong kulang na kulang pa kaysa sa isang order ng rice namin sa cafeteria ay bumalikwas na lamang ako sa kama para patayin na ang dapat patayin... Ang alarm clock 'yung tinutukoy ko, ah!
Nang tuluyan nang maglaho ang nakaririnding ugong na umeecho sa tainga ko gawa ng bagay na iyon ay inilapag ko na ulit ito sa pinanggalingan. Gusto ko mang basagin ang alarm clock na iyon dahil araw-araw siyang ngumangawa para gisingin ako sa umaga ay hindi pwede. Madalas kasi ay tulog mantika ako. Kapag wala ang alarm clock ko ay malamang aakalain ng mga kaklase kong na kick-out na ako sa school dahil hindi na ako nakapapasok.
Nang tumahimik ang paligid at tanging ugong na lamang ng aircon sa kuwarto ang naririnig ng tainga ay muling bumagsak ang katawan ko sa kama. Hikab ng isang elepante ang nagawa ko. Antok na antok pa kasi talaga ako, sa totoo niyan ay katutulog ko lang... two hours ago.
Kaya kahit badtrip ako palagi sa umaga at sa alarm clock ko ay hindi ko sila masisisi— kasalanan ko rin naman kasi kung bakit ako antok na antok tuwing gumigising sa umaga. Literal na puyat hanggang mamatay ang ganap ko palagi.
Since napatay ko na ang alarm clock kong distorbo sa umaga ay sign na itong huwag na akong pumasok at matulog na lang ulit sa kama. Kung papasok akong puyat ay ganoon din naman, wala akong matututuhan sa discussions. Dito na lamang ako sa bahay at matutulog buong araw.
Tama! Gano'n nga. Patay na ang alarm clock ko kaya wala nang manggigising—
"Austra, anak? Gising ka na ba? Bumaba ka na rito!"
Sheteee!
Ayan ang alarm clock na hindi ko pwedeng patahimikin. Si Mama.
Nang marinig ko ang sigaw niyang iyon mula sa sala ay wala na akong nagawa kundi bumangon ulit at umungot na lamang sa sarili. Nakalimutan kong may alarm clock din pala akong nanay na hindi sasang-ayon sa pag-absent ko sa school ng walang dahilan.
Here we go again, kolehiyo! Ayaw ko na sa'yo pero kailangan pa rin kita kundi palalayasin ako ni Ina ko sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
My Possessive Professor
RomanceAria Austra Lindsei is a sophomore student at Easton University who always involved herself in many different fights. She's independent, smart, and gorgeous, but despite the fact that most of her female schoolmates hate her for being the Campus Prin...