AUGUST 23 - simplychummy's Trivia

5.3K 269 58
                                    

All About Avah Maldita (Oh? Aarte Pa?)

Hello readers! Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Wattpad Ambassadors dahil naisama nila ako dito sa Block Party, kahit 'di na ako masyadong active sa Wattpad since November 2014. Yep, ito ang kauna-unahan kong post ngayong taon. Hehehe.

Disclaimer: Wasak ako nung tinype ko 'to kaya pasensya na kung sabog-sabog ang nakasulat. Sa sobrang wasak ko kala ko October ngayon at naparanoid ako dahil akala ko 'di ko nabati si purplenayi nung birthday nya. Sabog diba? Hahaha.

So ito na ang konting trivia (kung trivia man na matatawag 'to.) tungkol sa Avah Maldita.

1. About the Title Avah Maldita (Oh? Aarte Pa?)

Wala kasi talaga akong maisip na ita-title na madaling tandaan. Dahil hindi din ako masyadong matandain sa pangalan, kaya pangalan na lang ng bida yung isinama ko sa title para di ko makalimutan. Saka ako nag-isip ng babagay sa name nya. Since maldita sya, yun ang isinunod ko. Eh naiiklian ako sa title, kaya isinama ko yung line nya na Oh? Aarte Pa?

2. Saan ko nakuha yung mga pangalan ng characters ko?

Avah : Habang papauwi ako galing school, may nadaanan ako sa street namin na 'Avah's sari-sari store'. Nagandahan ako kaya ginamit ko.

Avy : May classmate kasi akong Ivy ang name, pinalitan ko lang ng letter A yung I nya.

Hannah : Remember Kim Sam Soon? Yun. Dun ko nakuha yun. Name nung girlfriend ni Cyrus.

Frances: Original nito kasi Fatima Grace. Yung friend ko kasi gusto yun ang pangalan. Eh ang haba! Kaya ginawa kong Frances. Labo no? Hahaha.

Aira Erika : Name talaga to ng kaibigan ko.

Dhonna : Same as Aira. True name din ng friend ko.

Mikee : Unisex name kasi. Unsure pa ko sa gender niya. XD

Neo : Alam nyo yung movie na The Matrix? Dun ko kinuha. Sa name ni character ni Keanu Reeves. Sakto kasing nag-iisip ako ng name ng guy tapos nanonood yung kuya ko ng The Matrix. Narinig ko yung name na Neo.

Hailey? : Naghanap lang talaga ako ng katulog ng 'haliparot' para maipasok ko yung punch line na 'Hailey Parot'. LOL! Saka di naman talaga sya kasali. Sayang lang talaga yung mga naisip kong lines. Hahahaha.

Miranda : 'M' kasi yung initial nung kinaasaran ko. Three syllables din. Para man lang makaganti, ginawa ko syang matandang dalagang pangit na katulong sa storya ko saka ko sya kinawawa. Hahahahaha.

3. Fictional Characters

Si Luis Manzano talaga yung imaginary character ko kay Neo. Hahaha. Tuwang-tuwa kasi ako sa kanya. Yung pagyayabang nya about sa kagwapuhan nya, bentang-benta sakin. Tapos yung ibang personality ni Neo kinuha ko sa mga kapatid kong lalaki. Since uso ang koreano dito sa wattpad noon (hanggang ngayon ata) kaya naghanap ako ng picture na babagay na maging Neo. Nakakita naman ako; unfortunately, hanggang ngayon di ko pa din matandaan yung name nya. Hahahahaha. Basta Kim Hyun Jung o Kim Hyung Joo something. Naka-like lang ako sa page nya kaya nakikita ko pictures nya. Pero kapag itatype na, jusko! Makakasampung type ata ako bago ko matama!

Kay Avah naman...physically si Jung Yoo Mi. Tapos yung expressions, way ng pagdedeliver ng lines saka yung kilos pinaghalo-halong favorite funny kontrabida ko; (Angelica Panganiban, Alessandra de Rossi, Chynna Ortaleza).

4. Bakit nga ba Bida-Kontrabida yung ginawa ko?

Big fan ako ng mga kontrabida! Sa libro, teleserye o pelikula pa yan, yung kontrabida ang hinihintay at pinapalakpakan ko. Hahaha. Kasi para sakin sila yung nagdadala ng storya. Sya yung nagpapa-excite nung kwento. Kaya kapag waley sakin yung kontrabida, nawawalan ako ng ganang panoorin o basahin. Pero syempre yung backstory din nung kontrabida yung inaabangan ko. Hehehe.

Isa yun sa dahilan kung bakit ko ginawang bida kontrabida si Avah. Bukod sa mas nadadalian akong mag-create ng 'masama ang ugali' na character, may tapunan din ako ng sama ng loob, inis, galit, badtrip lahat na...in a creative way. LOL.

Saka gusto ko kasi imbis na kainisan, eh mahalin yung bida kontrabida na ginawa ko. Di naman ako ata nabigo dun? :D

5. Theme & Genre

Favorite theme ko talaga ang story na may revenge-revenge, warlahan at sakitan. Ganyan! Kaya yun ang napili ko. Bukod dun, mahilig din ako sa comedy, hindi slapstick comedy ha? Yung satirical, tipong nakakatawa pero mapapaisip ka. So pinagsama ko yung dalawa. Kaya di na nagtaka yung mga kaibigan ko nung nalaman nila na ganong tema ang sinulat ko. Fully informed naman sila pati na ang pamilya ko. Nabubuhay kasi dugo ko sa mga intense na eksena. Saka

6. Maldita lines!

Pano ko ba nagagawa yung mga linyahan ni Avah? Simple lang. Kapag badtrip o galit ang isang tao nagiging witty! Hahaha. Aminin nyo may mga times din na kapag inis na inis kayo, nakakaisip kayo ng matinding linya na sasabihin o gusto nyong sabihin dun sa kinaiinisan nyo. Kaya nga sabi ko noon hindi talaga ako nagttype ng update kapag masaya ako. Kasi nagiging pilit yung lines. Mas gusto ko magtype kapag naiinis o badtrip ako.

In short...

7. The Story

Nabuo talaga ang concept ng Avah Maldita nung gabing badtrip na badtrip ako ako kay Miranda. May ugali kasi ako na kapag naiinis ako sinusulat ko, babasahin, babasain, pupunitin saka itatapon (para walang ebidensya). That night nakaharap ako sa computer, inopen ko yung ms word, tinype ko yung mga gusto kong sabihin kay Miranda, kung anong gusto kong gawin sa kanya, pano ko sya papahirapan kung sakaling nasa ibang mundo kami at nag-start na ako mag-imagine ng mga scenario sa utak ko. Like pano kung mabunggo ko sya tapos mabubuhusan ng kape. Ganyan. Ahahahaha. And the '3in1 coffee lang kasi sa tindahan ang kaya mong bilhin' line begins.

Kaya kung mapapansin nyo, sa mga first few chapters puro encounter lang talaga ni Avah at Miranda. Kung mapapansin nyo din, sobra yung galit ni Avah kay Miranda sa story to think na katulong lang naman sya. Hahahaha.

One year na din akong wp reader nun bago ko ipost yung Avah Maldita. (At hindi Avah Maldita ang una kong ipinost sa wp, kundi isang korning romcom na may kasal kasal na kinakalimutan ko na. hahahaha)

Nung ipinost ko yun, hindi ko talaga naisip na may magbabasa pa bukod sa dalawa kong kaibigan! Never kong na-imagine na dadami kayong Maldita readers. Di naman kasi ako writer, madaldal na nilalang lang ako na mahilig magkwento at magbasa. Nag-uupdate lang ako nun kasi gustong basahin ni Aira Erika. Sya lang kasi reader ko nun saka yung isa naming friend, tapos itetext pa nila sakin yung comment nila. Si Aira naman nag-susuggest ipasok ko sya sa storya bilang best friend ni Avah. Edi yun. Madali naman akong kausap. Hahahaha.

Una kasi nun, puro pang-aapi lang talaga kay Miranda yung purpose nung story. Walang plot! Nag-eenjoy lang akong maglabas ng inis ko sa katauhan ni Avah. Until dumating yung time na dumami yung nagbabasa. Mga lima na sila, hahaha. Tapos nakakarecieve na ko ng comments, at may nagfofollow na sakin.

Nabother ako bigla na karamihan sa mga readers ko, bata. Eh puro pang pupuntahan yung kwento edi panic mode si ako. So yun, enter ng mga bagong characters, pak! Nagkaroon bigla ng sister si Malditang Avah, at nagka ex-boyfriend pa. Ayun na...may storya na. Nailusot ko, yes!

Eto na nga...

Matatapos na ang bangayan ng mag-sister, si friendship Aira Erika nag-suggest na gawan ko daw ng lovelife. Wala talaga akong balak gawan kasi sabi ko magiging corny saka di ako marunong gumawa ng love story! At anong klaseng lalaki naman ang ipapartner ko kay Avah na hindi nya kakawawain?!

Since ang dami kong kapatid na lalaki at punong-puno sila ng kalokohan, kayabangan at alaskador din sila. Ayun, nagka-idea na ako sa katauhan ni Neo. Alas! Instant lovelife ni Avah. Kaya dun sa story sobrang instant nung lovelife ni Avah kasi mindali ko talaga. Hahaha. Last minute kasi, kaya ura-urada si Neo kung manligaw, sapilitan! Wala talaga sa plano. Kita mo nga naman, kahit di pinagplanuhan, nagustuhan pa din ng readers. Lakas ni Neo! Hahaha.

Ayun. Wala pa din update sa Book 2. Sorry na, break lang talaga ako sa wattpad ngayon. Bye Bye!


***

Tweet @simplychummyWP and don't forget to use the hashtag #TWFBP2015

The Wattpad Filipino Block PartyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon