Chapter 3: Impossible Kasi 'Yun Eh!
Apriel's POV
Because you know I'm all about the bass, 'bout the bass. No treble. I'm all about the bass, 'bout the bass, no treble.
Bungad na mapapakinggan mo pag-pasok mo sa Mall
Kung pwede lang mag-Fangirl. Hay.
"Sasayaw na'yan! Sasayaw na 'yan!" Asar ni Tin
"Baliw!" Sagot ko sabay irap
"So... Ano na gagawin natin? Palamig lang?" Tanong ni Tin
"May pera ka papuntang Baclaran 'di ba? Baka may pera ka para sa SM naman" sagot ko na bagot na bagot"Eto naman, bakit ang harsh mo sa akin!" Sabay tulak sa akin ni Tin, inirapan ko lang s'ya at naglakad lang hanggang nakarating sa Tom's World.
"Just Dance tayo!" Aya ko kay Tin.
"Eh! Hindi ako marunong sumayaw!" Tanggi n'ya.
"Wala naman pakelam dito yung mga tao eh! Sayaw tayo kahit thirty minutes lang." Sabay hatak ko sa kanya papunta sa Just Dance.Bumili muna kami ng tokens s'yempre, sabay hulog sa slot ng tokens for 30 minutes na paglaro at namili na kami ng music.
"Puro madali ang pipiliin ko tapos yung iba, moderate lang. Huwag ka mag-alala hindi kita papahirapan." Sabi ko sa kanya habang pumipili ng music.
"Naku! Sorry ah, kahit bestfriend kita eh hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo." Tawa n'ya.
Yung una kong pinili, s'yempre madali nga lang, Turn Up the Love. Ewan, natatawa ako sa pinili ko. Madali lang naman iyon, 'di ba?
"Ikaw yung lalaki kasi madali yung steps n'un. Akin yung babae." Sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming sumayaw.
Habang sumasayaw kami, tawa ako ng tawa. Hindi naman sa kanya pero natutuwa lang talaga ako sa kanya.
Nung matapos na yung una na kanta, pinili ko naman yung Dark Horse.
"Babaliin mo buto ko Apriel eh. Nararamdaman ko na!" Reklamo ni Tin habang tumatawa.
"Madali lang naman 'to kung tutuusin, first time mo lang kasi nakita at i-sayaw!" Sagot ko at nagsimula nang sumayaw.
Ayun, tawa lang ako ulit habang sumasayaw. Mga sinayaw lang namin yung Black Widow, Price Tag, Roar, Birthday, Want U Back, at iba pa.
Nang matapos na kaming mag-laro, lumabas na kami ng Tom's World at nagsimulang lumakad-lakad lang ulit.
"Grabe! Pinawisan ako doon!" Biglang saglit ni Tin.
"Ayus lang 'yan! Para pumayat ka!" Tawa ko
"Che! Halika na nga, nagugutom ako. McDonalds tayo kumain." Biglang aya ni Tin.
"Tara." Sang-ayon ko.
At syempre, dahil isa akong dakilang matakaw na walang pera, nag-order lang ako ng cheeseburger with coke, same with Tin kaso may shake, shake fries pa s'ya.
"Apriel, sa sunod naman Divisoria naman ah!" Sabi ni Tin
"Ewan, tignan ko." Sagot ko sabay subo ng burger.
"Pakinggan mo," ngiti ni Tin sa akin.
Pinakinggan ko yung music na pinapatugtog. Marvin Gaye.
Ngumiti ako, aba s'yempre! Marvin Gaye 'yan mga pards!
"Meghan." Ang tanging nasabi ko habang nakangiti.
Nag-sing along lang ako sa music habang kumakain lang ng kain si Tin.
"Girl, may kababata daw si Kulot sa Pilipinas!" Rinig ko sa kabilang table. Hoy! Hindi ako chismosa! Sadyang malakas lang boses nila.
Uminom ako ng coke ko at dahil walang katapusang Twerk It Like Miley na kanta ang tumugtog, hindi nalang ako nakinig sa kanta. (A/N: not shading here, okay?)
"Si Style?"
"Styles, baliw!"
"Sorry naman! Hindi naman ako fan ng 1D mong iyan eh!"Aba, mag chi-tsismisan nalang malakas pa boses.
Nag-ring bigla yung cellphone ko. May nagtext.
"Si Arwen, nag-GM." Sabi ko kay Tin
"Ano daw?" Tanong n'ya.
"Wala, love quote lang. Jeje!" Tawa ko, sumakay rin s'ya."Matagal ko na nakikita yang wallpaper mo. Sino ba 'yan?" Sabwat niya
"Wala, ako 'yan nung uhugin pa," tawa ko. "Ang cute ko d'yan." Tawa ko ulit.
"Sino 'yang kasama mong bata? Mukhang tisoy ah!" Tawa ni Tin
"Ah, kababata ko. Briton 'yan!" Tawa ko ulit, hala sige ako na palatawa. "Si Harry, taray noh? Parang One Direction lang!" Tawa ko
Tumingin yung nag chi-tsismisan na babae sa amin. Tingin kayo? Diyosa ko eh, hahaha!
"Ate, ano po pangalan niyo po?" Tanong bigla sa akin.
"Apriel." Sagot ko.
"Fan kayo ng 1D?" Sabwat ng isa.
"Hindi! Meghatron ako. Fan ako ni Meghan Trainor." May Meghatron na nga, may fan pa. Okay, hahaha.
"Sure ka po?" Tanong ulit nung isa.
"Mukha ba akong Directioner?" Tanong ko bigla, parang pinipilit pa nila ako eh.
"Patingin nga po ng wallpaper ninyo po." Sabi nung babae na nag tanong ko fan ba ako.
Labag sa kalooban ko kasi phone ko ito eh, privacy. Pero pinakita ko nalang nang wala ng gulo. Bigla sila ng ngumiti.
"Ate, pwede pa picture?" Biglang sabi nila.
Una, natatawa ako. Famous pala ako, hahaha! Pangalawa, anyare? Meron bang something sa wallpaper ko?
"Bakit?" Tanong ko.
"Nag-uusap pa ba kayo ni Harry?" Tanong nila
"Uh, hindi na eh. Matagal na kami hindi nagkikita. Teka, paano n'yo nakilala si Harry?" Tanong ko bigla. Aba, baka pinakinggan din nila usapan namin ni Tin! Mga tsimosa nga!
"Yung picture po. Si Harry po iyan ng One Direction! Kanina po binanggit ka sa balita eh, hehe." Sabi nung girl na naka red nung una na nag approach sa akin. Ayan nag-describe ako para hindi nakakalito.
"Ah, okay. Parang impossible. Baka coincidence lang." Sabi ko at tinitigan yung cellphone ko.
"Pero ate, okay na yung sure! Pa picture!" Sabi ng babae naka yellow na pinipilit na 1D fan ba ako.
At syempre, pinagpilitan nila ako, pa talo nalang. Ginawa pa nga nila ng photographer si Tin eh hahaha!
"Thank you po!" Sabi nila at bumalik sa table nila.
"Famous ka pala, 'priel!" Tawa ni Tin
"Oo nga eh! Pero, impossible 'yun eh. Ang layo kaya itsura nila ng dalawa." Sabi ko at pinagkukumpara si Harry at si Harry ng One Direction sa isip ko."Malay mo lang, pero huwag ka mag-assume! Masakit iyon!" Sabi niya.
"Humugot ka nanaman, alis na nga tayo! Tapos ka naman kumain eh." Sabi ko at tumayo na kami.
•Author's Note•
Ang panget nuh? Hahaha! Sorry po. Trina-try ko maging talinhaga aking mga salita sapagkat hindi ko mapiligilan ang aking sarili na mag type na wala sa diksyonaryo. Anodaw 😂
Ayun, nahihiya ako na ngayon ko lang ito nai-update. Nag-update ako kasi Sabado, hahaha. Tapos may readers so yeah :3 hindi ako sanay mag-kwento sa Wattpad ng tagalog (hindi ako englishera, mahirap gumawa na ayon sa gusto mo :3 )so bear with me! Hahaha! Haba pweee! - L x
BINABASA MO ANG
My Childhood Bestfriend is Famous
FanfictionMy Childhood Bestfriend is Famous Tagalog One Direction FanFiction One Direction—ang biggest English-Irish pop boyband in the planet. One of the members, Harry Styles has a childhood friend in the Philippines. As he enters life of being famous, auto...