Ryla
Another day... nandito kami sa cafeteria kung saan kami na-tambay. Kami-kami palang nina Krystal, Trysha at ako. Hinihintay namin yung iba na galing sa basketball training.
"Ano balak niyo after mag-graduate?"in-open na ni Krystal yung topic.
"Graduate sa college? or high school?" Really Trysha? Sabog rin siya eh.
"Syempre, high school Trysha." Napangiti nalang siya sa katangahan niya.
"Gusto kong mag-aral sa isang sikat na college. Tapos magdodorm ako." Ngumiti ako sa sagot ni Krystal.
"Aw, same here Krystal" Nag-high five kami.
"Well ako, magma-migrate kami sa ibang bansa."
"Awww. Will miss you Trysh!" And here goes the sappy moments of Krystal and Trysh.
"Nandito pala kayo." Out of nowhere, biglang nag-appear si Princess sa table namin. "Pwedeng maki-join?" That fake smile of hers. Nagpalitan kami ng tingin nila Krystal at Trysha.
"Tss. Sino bang nagsabi na umupo ka dito?" Sinabi ni Trysha nang buong tapang.
"Well ako pero its kaykay naman kung ayaw niyo ako dito." Tumayo si Princess at umakmang maglakad palayo pero humarap siya sa akin at ngumiti. Yung ngiting nakakapanggigil. "Ay oo nga pala, Ryla, I heard na tinanggal ka na sa dance group. Yun PA lang naman mababalita ko. Chiao." Then, she left.
"Ano daw?"
"Pag nakita ko siya ulit nakooo."
Inis na inis yung dalawa. Kung anu-ano sinasabi nila tungkol kay Princess. Habang ako, nagsisink-in palang sa akin yung bad news.
"Rye, anong ibigsabihin niya sa 'pa'?" Napatingin ako kay Krystal.
May naalala ako bigla, "Teka," kinuha ko phone ko at binuksan ko yung message from unknown.
"I think... si Princess nagsend nito." Pinakita ko sa dalawa yung message.
"What the? Is she insane?" Sigaw ni Trysha.
"I think so." Sagot naman ni Krystal.
"YOOO!" sigaw ni Francis habang tumatakbo papunta sa table namin. Umupo siya sa tabi ko, as in nakadikit sa akin.
"YUCK! Ang baho mo!" Lumayo ako sa kanya.
"OA mo Rye!"
"Huy Rye. You can't believe what happened." Singit ni Kyle.
"Ano?"
"After ng training namin, dumating si Princess na umiiyak." Napanganga kami sa kinuwento ni Kyle.
"That little-" Patayo na sana si Trysha kaso pinalo siya ni Krystal sa braso para tumahimik.
"Woooah. Aggressive mo Trysh ah. Bakit? May nangyari ba?" Imik ni Francis.
"Pwede ba?! Nagkukwento pa ako eh." Kinuha ni Kyle atensyon namin.
"Diba dumating siya umiiyak. Tapos tumakbo siya kay Rence at niyakap. Edi ito naman si Rence niyakap rin tapos hinaplos-haplos yung buhok ni Princess..." Napatawa kami sa way ng pagkukwento ni Kyle kasi may actions pa siyang nalalaman.
"Sabi ni Rence, 'bakit babe? May umaway ba sa'yo?'" Inimitate ni Kyle yung boses ni Rence. "Pabebe naman sumagot si Princess, 'si Ryla kasi babe, inaway ako kanina eh'" Tumawa pa kami lalo sa pinagagagawa ni Kyle.
