Kabanata 29 The Hunters

13 1 0
                                    

"Huwag mo 'kong iiwan, Reagan!"
Halos masira na ang lalamunan ko sa pagsigaw ng pangungusap na iyon kay Reagan. Gusto kong ipagdiinan sa kanya na hindi niya ako pwedeng iwanan at itago sa Greenhouse. Ayokong mag-isa sa kalagitnaan ng gabing ito.

"Hindi maaaring nakabuntot ka sa'kin habang tinutugis ko kung sinuman ang mga di kilalang lalaking pumasok dito sa'tin."
Bumaling muna siya sa aming likuran bago nagpatuloy ng pagsasalita,"Tinaon talaga nila na tayo lang ang nandito sa bahay..."

"Tumawag ka ng security guard o kaya si Rigor!"
Niyugyog ko ang kanyang balikat sa takot na nararamdaman ko. Hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng espesyal na araw na ito. Kanina lang ay masaya naming ipinagdaos ang kaarawan ng aking ina tapos ngayon may nagtatangka ng aming buhay.

"Nagawa na natin 'yon kanina at sa palagay ko ay tulog mantika na si Rigor samantalang nakalimutan kong ilagay sa Contacts ko ang Emergency Call Number ng subdivision na 'to."

"Na-natatakot ako Reagan..."
Humagulhol na ako ng iyak. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Bumabalik sa aking gunita ang tagpong may pumatay sa aking ama.

"Dito ka lang. Huwag kang maingay para hindi ka nila makita. Okay?"
Napapikit na ako at tinakpan ng aking kamay ang bibig ko. Kailangan kontrolin ko ang sarili kong hindi makagawa ng ingay. Ayoko pang mamatay. Alam kong doon patungo ang lahat ng nilalang sa mundo pero hindi pa ngayon. Gusto ko pang magkaayos sina Kuya Errol at Mama. Gusto ko pang makabuo kami ng sarili naming pamilya ni Rigor. Si Rigor... Nasaan na ba siya?

Pinanood ko na lang ang pag-alis ni Reagan sa Greenhouse. Nagtago pa ako nang husto at nakamasid sa aking paligid. Alerto ako sa bawat galaw na maramdaman ko sa bawat sulok ng lugar na ito.

"Help me God..."
Maimtim akong nagdasal. Sana naman ay marinig ito ng pinakadakila sa lahat. Alam kong makasalanan ako pero bigyan niyo pa po ako ng pagkakataong patunayan ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim at sinapo ang aking dibdib. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko upang makapag-isip ako nang maayos. Nararapat lang na maging matapang ako para hindi ako sumpungin ngayon ng trauma ko. Kailangan kong lumaban.

"Ano nakita niyo na ba 'yong dalawa?"

"Hindi pa Boss. Pero siguro naman nandito pa sila sa paligid na ito."

"Hanapin niyo sa bahaging 'yan. Kailangan nating makuha 'yong babae kahit hindi na 'yong lalaki."

Sa aking mga narinig ay bumuhos na ang aking mga luha. Makikita na nila ako. Sana naman hindi sila magtagumpay sa kung anumang binabalak nila.

Batid kong nasa labas lang sila ng Greenhouse ngunit wala akong ideya kung saang bahagi ng lugar na ito ang direksyong itinuro ng lider nila. Sana naman dumating na sina Kuya Errol.

"Jesus is my shepherd. He will guide me to a safer place..."
Patuloy akong nanalangin sa gitna ng nakapanghihilakbot na kaganapang ito. Ito lang ang sandata ko sa ngayon. Wala akong masasandalan kundi ang sarili ko lamang. Kailangan kong maging matatag at huwag bumitaw sa pag-asang maililigtas pa ako.

Ayoko pang mamatay o kahit sinong miyembro ng pamilya ko. Gusto ko pang maranasan na maging tunay na maligaya kasama sila. Hindi pa sapat ang selebrasyon kanina. Kulang pa iyon dahil wala sa kasiyahang iyon si Kuya Errol. Huwag sana akong pabayaan ng Diyos...

Narinig ko na ang pagbukas nila ng pintuan ng Greenhouse. Wala rin silang imik habang pumapasok sapagkat naaaninag ko sila sa liwanag ng buwan ngayong gabi. Palapit na ng palapit ang kanilang mga yabag sa aking direksyon. Makikita na nila ako ng tuluyan.

Natataranta na ako at hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin. Naisip ko na lang tumakbo. Nabangga ko na nga ang mga halaman at nakabasag na rin ako ng mga paso sa pagmamadali. Sa pagkakamali kong iyon ay agad na nila akong nahanap.

Get a GripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon