True Love Waits

62 1 0
                                    

TRUE LOVE WAITS 

CHAPTER 1

“A true influencer and mover is molded by the Lord, empowered by the Spirit and reflects Jesus Christ,” radikal na pagkakasabi ni ate Ven habang nagpi-preach sa harapan. Tinatawag siyang ate kasi 17 na siya kahit 4th year pa lang kami at oo, isang Christian school ito.

Ganito lagi sa umaga, may class devotion at pagkatapos, diretso na sa kanya-kanyang electives. Culinary nga ang napili ko kasi mahilig talaga akong magluto. Kasama ko doon ang bestfriend ko na si Caren . Para nga kaming total opposite eh. Siya kasing bilugan, ako naman talagang parang stick; singkit siya, ako naman malaki mata. Pero kahit na ganon, nagkakasundo kami. Masaya kasing kasama eh.

“Oy, Niigaki ” tinatawag ako ni Caren, nakangiti pa nga eh.

”Hi Caren ! Tara na sa Culinary” sabi ko sa kanya.

“Okay. Kaklase na nga pala natin si Agnes  ”

“Ha? E di ba sa Cosmetics siya?”

“Syempre, lumipat na” sabay tawa niya.

“Ano ba yan! Ayoko pa man din sa kanya” sabi ko habang papaupo kami sa may likod ng classroom.

Ang ingay ingay sa klase. Parang first day pa rin kahit August na. At biglang na lang tumahimik. Bakit? Pumasok na kasi si Agnes ng room at sa likod lang niya, pumasok din si Jenrick .

“Agnes, I think you have a lot to tell” sabi nung kaibigan niya na si Angela tapos lumapit naman kaagad si Agnes.

“Tol, dito!” kaibigan naman ni Jenrick ngayon ang nagsalita at syempre, lumapit siya doon.

Teka, nabanggit ko na ba si Jenrick ? Sikat yan. Matalino, beatboxer at kumakanta. At kahit nakasalamin, gwapo pa rin naman, may pagka-snob nga lang. si Agnes? Syempre, ‘it girl’ ng school. Spoiled brat nga yan eh, kasi mayaman. Laging may special treatment from everyone sa school yan, maliban na lang syempre sa mga teachers. Lahat pangarap maging SIYA, as maging siya talaga.

Puro lang nga lesson sa Culinary. Gusto ko na ngang magluto eh. Buti pa si Caren  walang karekla-reklamo. Lagi nga siyang nakangiti eh tapos ang bait bait. Haayy….in 10 minutes, tapos na ito.

“YES!” napalakas ata yung sigaw ko.

“Masyado ka atang excited na lumayas, Ms. Asuka ?” sabi sa akin si Ms. Armada, pero pabiro lang naman.

“Hindi naman po” medyo nakakahiya kasi nakatingin sila.

“Sige na. pwede na lumabas” sa wakas!!!!

Pagdating sa room, ang sarap kasi ang lamig. May aircon nga pala ditto kaya masaya. Tapos pumasok na ang English teacher naming, pero bago siya mag-lesson, may inannounce muna siya.

“Jenrick Gollena will transferred in another elective, the Journalism class”

“Bakit po?” tanong ni Vince, kaibigan ni Jenrick .

“the Journalism class adviser liked the essay he wrote so I hope that’s fine with you, Mr. Gollena ..”

“Yeah.” Sabi ni Jenrick na parang hindi interesado.

Dumaan lang ang mga morning subjects naming. Normal lang. walang espesyal na nangyari. LESSON. LESSON at mas maraming pang LESSON dahil may afternoon classes pa. wala nga yung teacher naming sa Filipino eh kaya pumunta muna ako sa may locker. Pagkatapos kong ilagay yung iba kong gamit, may narinig akong nag-uusap.

“I think we both need space” boses yon ni Jenrick , sigurado ako

“What are you talking about? Nakikipaghiwalay ka ba?” si Agnes pala yung kausap niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Love WaitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon