Miyerkules,
December 12,
Alas nuebe ng gabi.
Hawak ang ilang piraso ng mamahaling stationary paper at sign pen na nabili ko sa isang bookstore, sinimulan ko ang isang bagay na matagal ko nang balak gawin...
Dear Nadine,
“Ay shiyeeeeett!!” napabuntong hininga ako habang kumakain ng kitkat sa aming boarding house. Iniisip ko pa nga lang pangalan niya kinikilig na ako, isulat pa kaya? (Booo! Ang korni ko!) Paano ko naman kaya sisimulan ito? Sa totoo lang, ito ang unang beses na susulat ako ng isang liham ng pag-ibig sa buong buhay ko.
Truthfully, this is the first time that I have written a love letter in my whole life. (Wala na akong maisip na ingles at that time.) Kung nakalimutan mo na, ako nga pala si John Paul Sagisi, tubong Fairview, Quezon City. Gaya mo BSBA ang course ko. My hobbies include sleeping…
Aaminin ko, may pagka-torpe ako, ngunit gaya ng ibang lalake, marami rin naman akong nagiging crush. Pero ibang babae si Nadine- natatangi siya sa lahat ng mga babae nakita ng aking mga mata.
Hindi naman siya seksi gaya ng iba diyan, actually may kapayatan pa nga siya eh. Pero kapag nakikita ko ang kanyang mukha, para bang nasa loob ako ng simbahan, na tila binabasbasan ng pari. Tila ba sinasabi ng pari sa akin “Do you take this woman as your wife?” Ganyan ang tama sa aking ng babaeng ito. Para bang nais kong pakasalan siya sa kahit saang simbahan. (kung gugustuhin niya nga lang)
“Unang beses pa lang kitang Makita, nahulog na ng tuluyan ang puso ko sa iyo. Para kang isang bulaklak na umusbong…
Ang totoo, hindi pa ganoon kalakas ang tama ko sa kanya noong una ko siyang nakita . Final exams noon. Aaminin ko nagandahan lang talaga ako sa kanya, pero hanggang doon na lang yon; nagandahan lang talaga ako. Pero nang Makita ko uli siya, first day of classes ng second sem, iba na ang aking naramdaman. Habang paakyat sa main entrance, nakita ko na naman siya, pababa. Nang mga sandaling iyon, nagsimula ang lihim kong pagtatangi sa babaeng ito.
Minsan, kasama kong tumambay ang mga kabarkada ko sa Main Gate. Patingin-tingin naman ako sa mga babaeng dumaraan, nagbabasakali.
Hindi naman ako nakalusot sa mala-asong pang-amoy ni Alvin Dave Malubag.
“Uyy, may iniispatang babae si John Paul! Tinitigasan na!” Pang-aasar nila sa akin.
“Kala ko ba bakla ka?” sumbat naman ni Elizar Beran na bagamat mataba, may motor at mukhang tatay ay full-blooded na bading, pilitin man niyang itago ito. (Actually hinihintay niyang mag-ladlad muna si Peter na crush rin naman niya.)
Hindi naman ako binigo ng pagkakataon sapgkat sa mga sandaling iyon, nakita ko siyang dumaan kasama ang ilan sa mga barkada niya. Lalo pa siyang gumanda sa suot niyang headband (mabuti pa ang headband -.-)
“Siya yun” malumanay kong sinabi sa aking mga kabarkada.
“Kung gusto mo, sundan natin at makipag-meet tayo,” hamon sa akin ni Aaron Kaye Manalo. Medyo nag-aalinlangan ako, pero sige na nga.
Sinundan naming sila from a distance of approximately 2 meters, pero sa ingay naming, alam ko na napansin din nilang sinusundan naming sila. Huminto sila sa ever famous na Mang Domeng’s Tapsilogan atbp. Magmemeryenda.