16: Music Fest

31.8K 371 21
                                    

Capítulo 16: Music Fest (unedited)


Dana's POV

Nov. 30, Bonifacio Day, BU's Music Festival

Parang nakabalik ako sa Leuropia sa sobrang lamig ng pakiramdam ko pero pinapawisan pa rin ako. Nangangatog ako na parang sinisilaban. Hindi ko maipaliwanag.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Mia sa akin na kasalukuyang nilalagyan ako ng make-up.

"Mimi.." Hindi ko masabi ng diretso. Nangangatog ang mga labi ko.

"Kinakabahan ka?"

Natumbok nya! Hindi ko ata kaya. Iba 'to sa pagiging banko sa volleyball, iba rin sa pagsali ko ng orchiestra, iba sa fencing, iba sa pagkanta ko dun sa maliit na resto at iba to sa pagiging prinsessa. This time kasi maraming manunuod, kasama ko itong mga sikat sa school namin at ako ang vocalist ng banda.

"Don't you worry Dandan. This is once in a life time experience. Enjoy mo lang gaya nila." Sabay turo nya kay Lea na mukhang loka dun sa sulok at nagiimagine na may piano sa harap nya. Si Darelle at Bien hawak yung mga guitara at tugtog ng tugtig. Si Hal naman nakikinig sa ipod nya at mukhang tulog. Si Jhon kanina pa labas pasok sa dressing room. "Hayy.. Naku, enjoy yan sila kahit mukhang mga timang. Basta kaya mo yan. Kung ako lang nabiyayaan ng magandang boses ako kakanta eh."

Nangarap na naman si Mia.

Nakita ko na yung ayos ko sa salamin, parang hindi ako. Siguro kasi hindi naman ako naglalagay na ng make-up. Kahit papano hindi ako pagkakamalang si Daniella Wilhelmina Castille diba? Makapal yung mga kung ano-anong itim sa mata ko plus red lipstick and curly black hair. Sobrang out of my character din yung damit kong... NAKAKAHIYA. labas pusod ito! Pero wala akong magawa takot ako kay Mia kaya sinuot ko na pati tong short na ang ikli.

"Bakit ako pa kasi?" Ayun si Bien at hawak pa rin yung guitara pero mukhang kinakabahan na rin talaga. "Hindi ako sanay sa rap part! Hindi ba pupunta yung Raven na yun? Dapat sinabi nya na simula pa lang na hindi sya makakapunta."

Si Raven pala hindi makakapunta, busy na sya sa lahat ng ginagawa nya sa business ng family nya at ayun si Ellah na bodyguard pala ni Raven. Kaya pala may kakaiba kay Ellah...pero hindi yun ang problema ko ngayon! Ang problema ko ay yung tinatawag na kami na pumunta sa backstage.

"Double time guys kayo na susunod." sabi noong coordinator.

"Ayan, guys kaya nyo yan!" Excited si Mia. "Papanuorin ko kayo."

"Video mo na rin. Yay.. My first time in the band."



Sa backstage ramdam ko ang dagundong ng tugtog. Mga outsider yung band na kumakanta, puro sila lalaki.

"Wag nga ganyan mukha mo." Pagkalingon ko si Jhon pala at nasa tabi ko na.

"Kasalanan mo 'to."

"Ako?"

"Oo, Kung hindi mo ako ginawang lead vocalist di sana hindi ako kinakabahan."

Tinawanan nya lang ako. "I know you can do it." Hinawakan nya bigla yung kanang kamay ko at minassage nya yun.

"The next band is quite interesting " Sabi noong host.

"Yup, partner. They came here from BU at alam mi bang may usap usapan?" Pagiinteract naman ng hostess.

"Ano yun partner?"

"Angugwapo daw ng mga guys sa banda."

"Mas magwapo sa akin?"

"Mas magwapi daw sayo partner."

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon