BREAK-UP, LOVE TIP

7.6K 24 6
                                    

AN: Hindi po ito prologue nor chapter. Tungkol po ito sa Break-ups basta tungkol sa love. Bibigyan ko kayo ng advice. Medyo mahaba to pero kung ayaw nyo basahin skip nyo nalang, Thankyou =))

o~o~o~o~o~o

Strangers --> Friends -->Bestfriends --> Love --> Bf/Gf --> Break-up

(REPEAT WHENEVER YOU WANT)

"Break na tayo!" 11 letters, 3 words & 4 syllables

Isa sa mga masasakit na salita na makakapagdurog ng puso. Mapa-babae man o lalaki. Maaaring maging sanhi ng pagpapakamatay, Pamamaga ng mata, Pagkawalang ganang kumain, Pagka-depress, PAGKATAKOT MASAKTAN MULI.

Relate kayo no?

Diba sobrang sakit na parang gusto mong pumutok ng parang bula para mawala lahat ng hinanakit na idinulot ng inyon bf/gf?

"Pare-pareho lang ang mga lalaki"

Paano mo nasabi yan? Ilang lalaki ba ang nanloko sayo para masabi mo yan? Napaka daming tao sa mundo, eh ilang lalaki ba ang nanloko sayo? Ilan ba? KAHIT LALAKI YAN, NASASAKTAN DIN SILA SA SINASABI MO. Paano naman ung mga lalaking, inosente, gentleman, tapat, mabait, HINDI MANLOLOKO. Oh, edi nadamay sila? TANDAAN MO NA KAYA TAYO NAGMAMAHAL AT NASASAKTAN AY PARA GAWIN NATING ITONG ARAL. Kung ano yung pagkakamali mo sa past boyfriend mo ay itama mo. Wag tayong magmadali. EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON ika nga. Madaming dadating sa buhay mo,pero ang isa doon ay ang nakatadhana para sayo.

MOVE ON

Wag din tanga ha? Pag halata nyo na niloloko na kayo ng bf/gf nyo, hiwalayan nyo na aba! Kahit mahal mo pa sya, at mahirap sayo na makipag-break sa kanya eh kayanin mo. Mas magiging masakit kung makikita mo na ipinagpalit ka na nya. YOU DON'T DESERVE THAT GUY/GIRL. Itaga nyo pa sa bato o balat ng crocodile. At sa mga lalaki naman please lang, have a heart. Wag kayong manloko ha? Masakit un para saaming mga babae. Kaya yung iba dyan na two-timer. HOY AYUSIN MO BUHAY MO. Hindi pwedeng habang-buhay kang ganyan, Mamalasin ka sa love life -_____-" Alamin mo kung sino ba talaga ang mahal mo, Kung paano malaman? Ikaw ang makakapagsabi nyan. Ang babae hindi yan laruan. PA THUNDERBOLT KITA KAY PIKACHU PAG NANLOKO KA PA.

Ang mga babae napakaselosa ng mga yan. Makita lang na may kausap na babae ang boyfriend nya eh galit na agad yan at magdadadakdak. Pero tandaan nyo, KAYA NAGIGING SELOSA ANG MGA BABAE DAHIL SA PAGMAMAHAL. Kung hindi nagseselos ang mga babae edi ibig sabihin nun hindi nila mahal ang boyfriend nila. Yung iba naman kasing babae eh, dumadating sa puntong makikipag-break agad. MALI YUN. Dapat mo munang pakinggan ang side ng lalaki. Paano kung pinsan lang pala ung nakita mong inaakbayan nya o kasama nya? Edi sinayang mo ang magandang relasyon nyo? DON'T MAKE DECISIONS WHEN YOUR MAD. Wag padalos-dalos magsalita.

Ang lalaki mahilig yan sa online games katulad ng dota. Pag nagtext kayo at hindi agad nagreply chill lang kayo. Text lang yan ano ba -_- Hindi dyan mababase ung pagka-steady ng relationship nyo, Hindi lang sa "I LOVE YOU" mababase yan. SA EFFORT. Kaya wag magagalit agad. EH? Pero okay lang naman kung maglalaro sya nun basta wag lang madalas na pupunta sa puntong pinagpapalit ka na nya sa dota. Alam mo, lalaki yan. Mahilig yan sa mga ganyang laro kaya nagkukulang ng oras. Syempre dapat intindihin din dapat hindi lang ung gf pati na rin ung enterrtainment katulad ng pag-dodota at paglilibang. Alam nyo, pag puro kayo pa-sweet nakakasawa din un ano ba -___-

Goodluck sa may mga love life yan!

Sa mga wala pa, goodluck din!

Break na tayo!Where stories live. Discover now