#1. 'Demonyo'
Bata pa lang si Minggoy, iba't ibang elemento na ang kanyang nakikita. Maligno, manananggal, aswang, tiktik, kapre, tikbalang, duwende. Minsan na ring niyang naranasan ang makakita nang dyablo at pamuntikang pang masaniban nito. Ngunit, sadyang malakas ang loob niya dahil alam ni Minggoy na nariyan ang panginoon para gabayan siya.
Ngunit, isang karanasan ang s'yang di nya malilimutan kahit kailan. Yun ay nang minsan sa paglalakad niya sa madilim na daan sa tabi ng isang malaking puno ng baliti ay may ilang beses na sumisitsit sa kanya. Hindi niya ito pinansin, bagkus ay nagmadali sa paglalakad. hanggang sa biglang may humablot sa kanya nang sapilitan mula sa kanyang likuran.
"Bakit? Bakit mo pinabayaang makalapit sa akin ang demonyong ito?" pangunguwesyon niya sa diyos habang siya'y walang pang-ibaba habang ginagawan ng ritwal ng hinihingal na demonyong may makulay na mukha.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
NouvellesNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...