#3. 'Kwintas'
Bata pa lang si Nena ay pangarap na niya ang magkaroon ng kwintas na aagaw pansin sa lahat kapag nakita siya. Kaya nang siyang nagdalaga, inakit niya ang binatang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa lugar niya. Ikinasal silang dalawa. At doon, naranasan niyang mabugbog ng kanyang asawa at alipustahin ng mga matapobre nitong pamilya.
Tiniis niya iyon sa mahabang panahon.
Ngayon, di lang makaagaw pansin kundi tinitingala pa siya ng kanyang mga kababayan habang suot ang kanyang kwintas na yari sa lubid.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Historia CortaNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...