#8. 'Saglit lang ito'

611 2 9
                                    

#8. 'Saglit lang ito'

"Huwag kang mag-alala hija. Saglit lang 'tong gagawin natin. basta't wag ka lang maingay." wika ng matanda sa nakahigang babaeng umiiyak. At hinawakan ng matanda ang dalawang hita nito at ibinuka

Halos hindi maipinta ang mukha ng babae habang pilit na tiniis ang sakit. Ramdam na ramdam ng babae ang hapdi at pagpasok ng isang matigas na bagay sa ilalim ng kayang puson. Hanggang sa hindi na niya nakayanan pang tiisin ang sakit kaya napasigaw siya.

"Tama na po! Masakit! Tama na po!"
"Anak ng! Walang hiya naman oh! Sabi't wag kang maingay!" sabi ng matanda at nilagyan ng isang makapal na tela ang bibig ng babae. "Ayan! Kagatin mo yan para kayanin mo. Dios ko! Kalahati na nga lang singil ko sayo, ipapahamak mo pa ako! Wag kang maingay at baka marinig ka ng mga kapitbahay. Konte na lang mailalabas na yung nasa tyan mo." dagdag pa nito.

Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon