Umuuga Ang Kama 13

4.2K 43 5
                                    

Chapter 13

"Ma'am, wala na raw po siya. May pinapasabi raw sa inyo, bisitahin niyo raw ang bahay niya paggising ni Anjo. Yun lang po." pagkasabi nito ay lumabas na ang nurse sa sobrang takot. "Ano ba itong mga pasyente ko? Ano bang nangyayari sakin ngayon." sabi pa nito pagkasara ng pinto.

Nagkatotoo nga ang hinala ni Benjie, mismong araw na 'yon ay namatay siya. Sila na nga ba ang kasunod? Kung ganoon paano niya iingatan si Anjo habang hindi pa ito nagigising? Tulala pa siya sa pagkabigla sa balitang narinig nang biglang gumalaw ang mga daliri ni Anjo. Hindi pa niya iyon napansin noong una pero nang makarinig siya ng ungol ay natauhan siya bigla. Napatingin siya kay Anjo at kumpirmadong sa kanya nga galing ang ungol.

Lingid sa kaalaman ng lahat, habang natutulog si Anjo ay may sarili siya pakikipagsapalaran sa kanyang buhay. Ang alam ni Anjo ay gising na siya pero parang iba ang lahat. Nasa isang lugar siya na parang hindi pa niya napupuntahan. Isang napakagandang lugar kung saan luntian ang kulay ng damo at ng paligid, sobrang nakakarelax ang tanawin. Hangin na himahaplos sa kanyang pisngi at parang hinahawi ang kanyang buhok sa bawat ihip nito. Saktong init ng araw at mga ulap na nagpapakita sa kanya ng kagandahan ng langit. Ito ang pangarap na mapuntahan ni Anjo, isang preskong lugar upang magrelax.

"Sana nandito si Arianne kasama ko." sabi na lang niya bigla. Napaigtad siya sa pagkakahiga nang maalala si Arianne. "Nasaan na ba ako? Hindi ito ang iniwan kong mundo."

Ilang oras o araw na rin, hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nagrerelax sa lugar na iyon. "Anjo..." boses ni Arianne. "Anjo..." bawat paghangos ni Arianne ay naririnig ni Anjo sa kung saang sa lugar. Pilit niyang hinanap ito, pilit sinundan ang boses ni Arianne. Lakad siya ng lakad, takbo ng takbo pero hindi siya napapalapit sa boses.

Hindi siya nakakaramdam ng pagod. Hindi rin siya nakakaramdam ng gutom o antok kahit na ilang oras na siyang tulog kasama si Arianne pero sa kanyang isip tumatakbo siya ng walang humpay. Malamang kapag sumagad na ang pagod ng kanyang isip ay bibigay na ito kahit na ang kaluluwa niya ay hindi nakakaramdam ng pagod.

Lumingon si Anjo pero hindi na niya makita ang pinanggalingan niya. Ngayon parang nasa isang mundo ulit siya, madilim at masukal na gubat. Inangat niya ang paa niya pero parang napakabigat nito. Maya-maya ay gumalaw ang kanyang tinatapakan at unti-unti siyang nilalamon nito. Isang kumunoy na sa bawat galaw niya ay lalo lamang siyang nababaon papaloob dito. Hindi na niya alam ang gagawin.

Bigla na lamang bumilis ang paglamon sa kanya ng lupa at parang nakaramdam siya ng mabigat na bagay na pumatong sa kanyang ulo.

"Aaaaaaaaahhhh!!!" sigaw ni Anjo at nagpupumiglas ito. Niyakap ni Arianne si Anjo at pilit inililipat ni Arianne ang kanyang lakas dito kahit na alam niyang imposible. Pilit pa rin niyang ipinadarama kay Anjo ang kanyang pag-aalala at ang pagmamahal, parang pinapadalhan niya ng mensahe si Anjo na "Maghihintay ako, basta bumalik ka."

"Aaaaaaaaahhhh!!!" sigaw ni Anjo habang pilit inaabot ang kung anong bagay sa kanyang ulo. Pagkahawak niya rito ay naramdaman niya agad na isa itong paa ng tao.

"Kailangan mo ng mamatay." sabi ng boses. Boses ito ng babae. Gusto niyang tumingala pero hindi niya magawa. Gusto niyang makita ang mukha ng taong pilit siyang dinadala sa kamatayan. Pilit niyang iniisip si Arianne.

Umuuga Ang KamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon