A/N: Yeah! Nakapag-update na din ako sa wakas. XD Uy, mga readers ba't ang tahimik niyo? Magingay-ingay din baka mapanis ang laway. haha
This chappy is dedicated to >>> @jamieheaaartyou thanks for all the votes na binigay mo sa story na 'to. XOXO hihi ^____^V
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Frizz’ POV
“So, you two hanging out with Bee, how did it happen,” curious na tanong ni Amber sa amin ni Janice. Nagkatinginan nalang kami ni Janice sa isa’t isa. We both know the answer but we just don’t know how to answer.
“Uhm, it was kind of an accident,” sagot ko.
“Tell me more,” sabi ni Amber na nangalumbaba at finocus ang tingin sa akin. Mainit ba or mukhang pinagpapawisan na ako sa tingin ni Amber?
“Ano, uhm, may hiningi lang kasi siyang favor sa akin dati,” I answered awkwardly.
Tumingin ako kay Janice. My mind was literally shouting, “Help Nichie!” At mukhang na-gets naman ni Janice ang tingin ko sa kanya dahil maya-maya pa nagsalita na din si Janice sabi, “You know what, ‘wag nalang yan ang pag-usapan natin. So Amber, how’s Cali?”
Makikita mo sa mata ni Amber na di siya kontento sa sagot ko pero din a din siya nagpumilit. “Ayun mainit. I don’t even know why we even went there, parang Pinas lang din siya. I prefer it here kasi at least dito, nandito kayo,” she said with a gentle smile at napangiti din kami ni Janice.
“Sorry to keep you girls waiting, mahaba ang pila,” biglang sabi ng isang boses at paglingon naming tatlo si kuya Bryan ang nakita namin at sa bandang likuran naman niya si Keeno.
“Okay lang kuya,” sabi ni Amber. Ipinatong nina Keeno at kuya Bryan ang mga dalang pagkain sa table. Aasta na sanang uupo si Keeno sa tabi ni Janice pero bago pa man din siya makagalaw eh naunahan na siyang umupo ni kuya Bryan.
“Dito ka nalang Bee,” tuwang-tuwang sabi ni Amber kay Keeno at tahimik naman siyang sumunod nalang sa sabi ni Amber.
“Here Frizz, Janice,” sabi niya sabay abot sa mga drinks namin. “Thanks,” sabay naming sagot ni Nichie.
“Binilhan na din kita. Fave mo to diba?” Sabi ni Keeno sabay abot kay Amber ng isang tall Choco Java Chip.
“OMG naalala mo pa! Thank Bee,” sabi ni Amber at binigyan pa si Keeno ng kiss sa cheeks. Agad kong naramdaman ang kamay ni Janice sa kamay ko. I know Janice knows I’m hurting. Kung di lang dahil kay Janice baka tumakbo na akong umiiyak palabas ng starbucks eh. Bakit ganun? Parang pinipigilan ako ng tadhana na masabi kay Keeno ang nararamdaman ko.
“Are you okay?” Tanong ni kuya Bryan sa akin. Nahalata niya siguro na medyo natulala ako. Nginitian ko nalang siya sabay sabing, “C.R. lang muna ako.”
Hindi. Hindi ako iiyak dahil dito. Kailangan kong magpakatapang. Maybe may rason si God kung bakit nangyayari ang mga ito. I just need to find out what.
“Kayanin mo Frizz, para sa sarili mo. ‘Wag kang magpahalata na nasasaktan ka. Kung hindi ikaw lang din ang kawawa,” sabi ko sa sarili ko pagharap ko sa salamin ng C.R. nung makarating na ako dun. Inayos ko nalang ang itsura ko at bumalik na din uli agad sa table.
Pagbalik ko sa table, nagtatawanan na sina Keeno at Amber habang nagbubulungan. Si Janice naman ini-enjoy na ang pagkain while si kuya Bryan hawak ang phone ko at pinipicturan ang sarili niya gamit yun.
Eh? Anong ginagawa niya sa phone ko? Naiwan kop ala. Shunga ko naman.
“Ayan, sinave ko number ko. May thumbnail ko na din yan. Text mo ko huh,” sabi ni kuya Bryan sa akin with a huge grin on his face.
Tiningnan ko naman ang phone ko at nakalagay nga ‘dun yung number niya with his picture tapos ang name na naka-save, ‘My Prince.’
“My Prince,” mahinang sabi ko at tumingin ulit sa kanya.
“Yes princess,” sabi niya at kinuhaan niya ako ng picture pagka-tingin ko sa kanya.
“Number please,” sabi niya ulit handing me his phone at ilinagay ko na din yung number ko.
I felt a heavy gaze behind my back at pagtingin ko ang sama na naman ng tingin sa akin ni Keeno. The hell is his problem?
Matapos naming kumain sa starbucks eh hinatid na kami pabalik sa camp nina kuya Bryan at Amber. Si Keeno at si Amber, ayun nagtatawanan pa rin sa likod at patuloy sa pagbubulungan kami nina kuya Bryan at Janice, lost for words at awkward na naglalakad papunta sa aming destinasyon.
“Busy kayo mamaya?” Tanong ni Kuya Bryan nung nakarating na kami sa gate ng camp.
“Di pa namin alam ang sched naming kuya eh. I-text nalang kita,” sagot ko.
“Good dahil kung hindi can I invite you for dinner, just you and me,” tanong ni kuya Bryan na medyo nahihiya pa. Ang cute niya. Kailan kaya mag-gaganito sa akin si Keeno?
“She’s not going anywhere with you,” galit na sabi ni Keeno at hinila na ako papasok ng camp.
“What the…okay ka lang Keeno? What do you think you’re doing?” Confused na tanong ko sa kanya. Ano na naman kaya ang isperitong sumapi sa taong ito at matapos makipaghagikikan kay Amber eh galit-galitan na naman ang peg sa akin? Nakakasira na siya ng bait ah.
“What am I doing? Dati si Rocky ngayon yung Bryan na naman. Hanep mo rin eh no? Miss weirdo na habulin ng mga lalake,” galit na sabi niya.
He has no right to talk to me like that. Not from the guy who collected girls as his hobby. Now I’m mad!
“Wow, nahiya naman ako sa’yo at sa daan-daang babae mo! At tsaka, bakit ka ba nagagalit? Are you jealous?” Pa-insultong sabi ko sa kanya at natahimik naman siya sa sinabi ko.
I have no time for this. I rolled my eyes and angrily stomped my way to our cabin bago pa man siya makapagsalita.
Grrr! Nakakainis! So kung siya pwedeng-pwede siyang maglandi pero kung ako hindi? But wait, was he really jealous? Kung nagseselos siya diba ibig sabihin lang nun in love siya sa akin? Kung in love siya sa akin, bakit ba kasi di nalang niya sabihin?
Haist! Nakakainis naman eh. Love…why are you so complicated?
--------------------------------------------------------------------------------------
Photo on the side is Kuya Bryan. Ang kua ni Amber. ^__^
VOTE...COMMENT...CLICK LIKE...HIT FAN!
THANK YOU FOR THE CONTINUED SUPPORT. <3
BINABASA MO ANG
Allergic to Love (Completed)
Teen FictionSabi nila, Masaya daw ang love at masarap daw ang feeling na nai-inlove. Kung ganun, bakit palagi nalang heartbroken si ate at watak-watak ang family namin? Ako si Frizz…ang babaeng takot main-love. Magmadre na lang kaya ako?